Wednesday, May 2, 2012

Something 90's

Minsan, ansarap magbalik sa past. Lalo na kung mga nakakatawa at nakakaaliw na mga bagay ang iyong maaalala.

For today, tayo ay magbalik-tanaw sa dekada nobenta at alalahanin ang mga ilang bagay.

Kinidnap ko si IDA ng shaider kaya....' Time Space Warp....... Ngayon din!'

Balikan muna natin ang mga makukutkot noong 90's. Eto yung mga panlaman tyan. :D


Naaalala nio ba ang pagpapanggap na pari at susubuan mo ang friendships mo ng ostya-ostyahang kulay red na kedi.? Sasabihin mo.... Katawan ni ____(insertname here)___..... sasagot sila ng... Macho.


Nananawa ka ba sa tindang ice cream nila manong sa kalsada? Eto ang alternatibong pamatay init sa hapon. Ikrambol. Ang kinaskas na yelo na hinaluan ng food color tapos bubudburan ng choco syrup at milk powder!


 Pwera pa sa choknat at chocobots, ang La-La na chocolate ay isa sa nakakaadik na chocolate noong 90's.


Nangolekta ka ba nitong parang dodo na may lamang gatas? Ginagamit mo ba yung mini straw o tinataktak mo lang lahat sa bibig mo?


Kahit ayaw na ayaw ng mga magulang na kumakain ka ng junk food, kebs lang. Heto at bibili ka ng pritos ring at gagawin mong singsing sa daliri at isa-isang kakainin. 


Hindi mo pa alam ang lactobacili-shirota-cheverlyn pero alam mo ang common term na yakult na binebenta ng mga aleng naka-uniporme at hila at stroller na naglalaman ng paborito mong drink.

Lipat naman tayo sa mga anik-anik ng kabataan. :D


Uso pa yung bala ng baril-barilan na kulay red na may pulbura. Hahati-hatiin mo at ilalagay sa laruan na nasa itaas at ihahagis pataas. Aantayin mo ang mga supot at medyo malakas na putok ng mga bomba-bombahan.

Elisi- Isang laruan na uso din noong 90's. Eto yung ikikiskis mo sya sa pagitan ng iyong dalawang palad at hahayaang lumipad ang mala-helikapter na laruan.


Ang kamag-anak ng mga ewoks. Etong laruan na ito ay pupular dahil laging pinapalatastas sa palabas sa channel 2 na puro laruan lang ang binibida. Syempre nangarap ang mga bata noon na magka-furby na nagsasalitang kuwago.
Ang mga batang lalaki at kahit na mga babae ay naglalaro ng baril-barilan gamit ang laruang nasa itaas. Noong uso pa ang mga action films e, uso din ang laruan na ito sa mga nag-iilusyon maging bida sa isang ma-aksyon na peliks.


Kahit na magkanda-beke at mamaga at lumaki ang pisngi ay keri lang basta nakakapagpalobo ka ng plastic balloon. Pede mo syang pagdikit-dikitin  at gumawa ng mga korteng bear o anik-anik. At kapag may butas, aba, instant surgeon ka at tatapalan ito gamit lang ng pagtikom ng bibig sa plastic balloon.


Ang maka-ubos hiningang laruan noong 90's. Ito yung kailangan mong hipan ang mala-yosing laruan at palulutangin mo sa ere yung bola. Make sure na hindi sobra ang pag-buga ng hininga or else, titilamsik ito.

Sa mga gamit noong 90's naman tayo.


Di pa uso ang mga external hard-drive. Di pa uso ang usb flash drive. Eto ang ninuno ng mga instant storage ng mga computer files. Sila ang mag-amang floppy disk o mas kilala na diskette. Depende sa laki ng file kung gaano kadaming diskette ang kakailanganin mo.


Hindi kumpleto ang gaming life ng batang 90's kung di sya nakahawak ng bonggang-bonggang Family Computer.  Ito ang pamatay oras sa mga batang naglalaro ng Mario, Circus, Galactian at 99 in 1 na bala.


Kapag nangangamoy araw ka na at inutusan ka ng maligo, may times na eto ang naging shampoo mo. Ang shampoo na may napakahabang pangalan. 


Noong panahon na uso ang brownout, eto ang pansagip buhay sa mga batang takot sa dilim. Ang re-chargable lights. Bidang-bida tuwing biglaan na lamang namamatay ang ilaw at ilang oras kang mangangapa sa dilim.


Sosyals ba noon sa bahay ninyo? Yung tipong may VHS player sa bahay? Well, kung oo ang sagot, alam mo na hindi laruan ang nasa imahe sa itaas. Iyan ang taga-rewind ng VHS.


Eto ang ninuno ng keyboard at printer. Ang makinilya o ang typewriter. Kung may nakita kang madiin pumindot sa keyboard, tyak, inabutan nia ang typewritter na kailangn madiin ang pag-tipa.

Huling topic ay ang mga peliks.


Noong kasikatan ang kanta ni Willie Garte na bawal na Gamot, aba, syemps, inilabas din ang pelikula na tila hango sa kanta.


Wala pa noong Aljur Abrenica pero merong Gardo at Osang. Ang peliks tungkol sa taglibog na girlay na umukit ng kabembang wood na nagiging tao.


kalansay-tabi-tabi-po-sa-bangkay..... Eto ang isa sa mga peliks na naging blockbuster sa sinehan. Bidang-bida sa mga bata ang adventures ng tatlong bagets.


papatalo ba ang pinoy sa mga banyagang may suot na makukulay at felix bakat na costumes? No, hindi. Kaya nga merong Super ranger Kids ang pinas.


A-daga-daga-daga-daga-daga-daga..... Ang peliks ni Joey De Leon na isa syang ano pa.... daga. Dito kakalabanin niya ang mga lumusob na mga roBURATS Roborats.

O sya, hanggang dito na langs muna. tama na muna ang balik tanaw. hahahahaah.

Pero bago yan, eto ang bonus oldies pic ng dalawang tv networks sa pinas. Di pa uso ang salitang kapuso at kapamilya. Ang meron ay Sarimanok at ang bahaghari.



51 comments:

  1. hahaha.... lahat ng food na try ko..
    meron din kami yung vhs rewind na yan... so classic.
    the magic temple ilang bese ko din yan pinanood at blog ko pa yan...

    ReplyDelete
  2. wee.. haw flakes and lala (aka milo)... natikman ko lahat yun.. hahahah...

    di kami sosyalin kaya wala kaming VHS pero alam ko kun para saan ang red na car na yun ^_^

    pero higit sa lahat -- namiss ko ang family computer na naging reason ng pagiging pala-absent ko noong grade 5 ako dahil chinecheat ko ang Super Mario LOL #batangGameCheater

    ReplyDelete
  3. Ang galing! Halos mabaliw na ako sa pagri-reminisce.

    Ganito naman talaga yata kapag nakaka-relate ka sa mga valuable items na naging bahagi ng pagkabata mo. Ng nakaraan mo.

    Ang sarap mag-reminisce talaga!

    Ang isa pa ngang nakakatuwa e talagang nandito pa rin yung karamihan sa mga yan.

    ReplyDelete
  4. I have a awesome childhood...

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah! it's legen wait for it... dary! legendary!

      Delete
  5. lala chocolates lang di ko natikman dito. haha. and for the rest, talagang nakaka-relate ako. am i that matanda already? haha...

    ReplyDelete
  6. Alam ko labat yan!!! Nata ko dun sa hinihipan na pipa tapos aangat ang bola sa ere lol

    Favorite ko talaga yakult. Yan nag pajubis sakin. Ang effort ng pag hahanap mo ng picture para sa entry na itwu.

    ReplyDelete
    Replies
    1. heheheh, yakult, pede ako mag anim na bottles.

      Delete
  7. ay favorite ko ang powder na sa dodo.

    ReplyDelete
  8. wahahaha meron ako halos lahat ng yan!!!!! nakakatuwa naman tong post mo parang naalala ko tuloy yung crush ko na sinubuan ko ng ostyas! yiiiii! bulilit palang malandi na! hahaha

    ReplyDelete
  9. Ahaha oo nakakarelate ako sa mga yan! pero 90's pala ang iskrambol? Akala ko nauso lang sya nung 2000's. Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu, meron na yan noong 90's. pinasikat lang ult sa malls

      Delete
  10. buti 90's toh, nakarelate me! lels

    ReplyDelete
  11. haha..so true ang seremonyas ng pagkain ng haw flakes.. i wonder kung may ganyan pa..at salamat sa panandaliang time space warp.

    ReplyDelete
  12. ang iba nag-eexist pa rin mliban sa floopy hard drive at video game... hehe
    un scramble ang isa sa msarap dito..
    meron pa rin kme ng rewinder na kotse rin ang design lage nga nlalaro ng anak ko un kordon ginawang tali un hinihila nya. stil my pakinabang pa rin...hehe

    ReplyDelete
  13. alam ko lahat to! certified 90's!! hahaha!

    nice post khanto!

    ReplyDelete
  14. I can relate! hehe

    pero ayaw ko yung ostya-ostyahan, di ko na masikmura tikman yun nanawa tlga ako as in, haha


    :))

    ReplyDelete
  15. grabe ang effort sa pictures! alam ko lahat ng ito at na enjoy ko lahat to. Natawa ko dun sa parang pipa na may ball pag hinipan lulutang yung ball. LOL tuwang tuwa ako dun. Pati sa scramble lolz.

    These are all part of my awesome childhood! I wouldn't trade it to the fancy gadgets that kids these days are enjoying.

    Alaykhet!

    ReplyDelete
  16. yun hawhaw tsaka ung plastic balloon pati pompoms tinitinda pa rin namin til now :D

    ReplyDelete
  17. hello haw flakes, plastic balloon, yakult(na hanggang ngayon I'm a fan), floppy disk(na madalas eh may virus na kagad sa unang gamit)LOL, at marami pa...batang 90's nga talaga me!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, yung virus diskette, talagang epic! :D

      Delete
  18. Naalala ko ang plastick baloon... Akala ko pagkain... Hahaha!

    Bata pa ako noon... at ang dami ngang nakakamiss...

    ReplyDelete
  19. Wow take me back to the 80's or 90's. Natawa ako sa SariManok na yan. Naalala ko un pacontest nila hamdame dame namin entries ng Tito ko at nagpupuyat para lang abangan kung san program aappear pero di man lang kami nanalo ni isa ahaha.

    ReplyDelete
  20. i like this post!!hahah naalala ko nong araw favorite kong shampoo "gee your hair smells terrific" at totoo nga pag gumamit ka ng shampoo na to para kang nasa hardin ng mga bulaklak *terrific.

    sad lang parang wala ng ganto ngaun.

    ReplyDelete
  21. I LOVE THIS ENTRY! sobrang nakarelate ako.. hahahaha.. batang 90's

    ReplyDelete
  22. Ay! Ang ganda ng post mo, Gelo. Relate ako... ang tanda ko na talaga!! lol

    Naalala ko yung iskrambol. Naku. Bawal akong kumain nyan.. pinagbabawalan. Toinks. Pero pag walang bantay, lumalabas kami ng kaklase ko ng campus para lang makabili. Sa labas lang kasi ng campus nakapwesto si Ate. grade school kami nito ha. marunong nakong mag eskapo ng klase, para lang sa iskrambol. hehehe.

    Naabutan ko ri syempre yung plastic balloon. Naalala ko mga kaklase ko dito.. hehe. Yucky! kasi kapag meron butas, diba sinasarado ng bibig yun? Minsan mga kaklase ko, dala dila eh. kaya ayun, laway. yuck!

    At syempre, hindi ka raw IN kapag wala kayong VHS player sa loob ng bahay. hehe. Naalala ko Kuya ko. Nirecord talaga namin yung The Uncanny Xmen episodes sa VHS. Yung TV kasi namin dati, meron syang VHS player na kasama talaga sa unit. Madaling mag record.. ayun!

    Gandang memories ang bumalik dahil sa post na to. hehe. Achib! Salamat. :)

    ReplyDelete
  23. sa lahat ng post na tungkol sa 90's ito na ata ang pinaka-kumpleto, capture na capture mo ang essensya ng dekada para sa mga batang lumaki sa panahon na to. good job khanto :)))

    ReplyDelete
  24. nyahaha taragis aliw na aliw ako sa post na to! tagumpay! haha tagumpay ang pagbabalik mo sa amin gamit ang time space warp!

    salamat sa pag papaalala ng mga simpleng bagay na yan! astig!!

    ReplyDelete
  25. bonggels na bonggels talaga! Lahat yan, parang nakain ko na nung Grade 1 ako! ^_^ yung katawan ni chenelyn hahahaha! :)) nding ndi ko mami-miss yang mga yan! :D

    ReplyDelete
  26. hi there!
    hindi ko alam pano ako napadpad dito sa blogsite mo. click-click lang ako dahil sa sobrang pagka-bored dito sa office. but i must say,naaliw ako sa pagre-read.and it feels like may instant effect sakin ang pagka-discover ng blogsite mo.
    i feel so arte while reading your blogs kasi parang ang arte mo rin habang nagsusulat. :)
    anyhoo,hapi ako na nakita ko tong blogsite mo...
    aliw na aliw ako sa mga nabasa ko gaya ng post na 'to!

    ReplyDelete
  27. Hey I am so grateful I found your blog page, I really found you by error, while I was searching on Askjeeve for
    something else, Anyhow I am here now and would just like to say cheers for a marvelous post and a
    all round thrilling blog (I also love the theme/design), I don't have time to read through it all at the moment but I have bookmarked it and also included your RSS feeds, so when I have time I will be back to read more, Please do keep up the excellent job.
    my site > clean my pc

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???