Kung isa ka sa pilipinong lumaki sa lupang sinilangan, marahil naabutan nio naman ang anime na Ghost Fighter. Aminin, makikilala nio to kasi ilang beses din inulit ulit sa telebisyon ang palabas na ito. So for today, eto ang aking ibibida.
Ghost Fighter, ito ang cartoon/anime na naging popular nung ako ay nasa elementarya pa lamang. Unang inilabas sa channel 13 kung saan kasagsagan din ng kasikatan ng mga sentai series katulad nila maskman at iba pa. Ito ay tungkol sa isang binatang lalaki na medyo pasaway sa iskul pero mabait dahil niligtas niya ang isang bata-batuta mula sa aksidente. In the end, nadedbol ang binatang lalaki na may pangalang Eugene (hindi domingo ang apelyido). Pero dahil sa kabaitan nia, binigyan siya ng chance para makabalik sa katawan niya basta hindi pa naaagnas at naililibing ang katawang lupa niya.
Syempre bida, naganap nga na makabalik sya at dito na nagsimula ang kanyang pakikipag sapalaran laban ang mga multo at halimaw dahil siya ay naging Spirit Detective ng kabilang mundo.Sa kanyang pakikipag sapalaran, nakilala nia ang magiging tropa niya na nakasama sa mga missions and tournaments.
Heto ang mga naging friendships niya.
Alfred- Hindi Vargas ang kanyang apelyido. Siya ang isang rival ni Eugene sa school bilang isang siga-sigang estudyante. Nag-umpisa siyang makasama sa eksena ng kasama siya sa mission ni Eugene kung saan kailangang hindi mapasakamay ng masamang tao ang kapangyarihan ng matandang shaman/ master na may pangalang Jeremiah. Si Alfred ang medyo komikero sa grupo. The odd and goofey one.
Dennis- Si Dennis naman ay medyo mahiwaga kasi nung una siyang lumitaw, babae ang dating niya pero as the story progress, isa pala syang lalaki. Unang lumabas bilang kalaban na nagnakaw ng kayamanan sa mundo ng mga espirito pero di kalaunan ay naging kakampi at team mates na sya. Ang common powers nia ay nanggagaling sa halaman at bulaklak. May isa siyang alter ego, siya ay ang Taong Lobo, pero hindi yung may helium at hangin.
Vincent- Ang taong may third eye- literally. Sya ang character na nagpagawa ng sariling ikatlong mata. Dehins ko alam ano rason (limot ko na). Unang lumabas as kalaban din. Kilala siya bilang isang mamaw na mabilis kumilos. Kilala si Vincent sa powers ng kanyang Black Dragon ekek. Yung tipong tatanggalin nia ang bandage sa kamay tapos bubuka ang third eye then lulusob na ang dragon power nia.
Jericho- Hindi sya ang kapartner ni Anne Curtis sa Green Rose. Siya po ay ang anak ng tagapagbantay ng underworld. Siya ang taong tumulong kay Eugene para makabalik sa katawang lupa nito. Famous si Jericho sa kanyang Chupon o Pacifier. Another thing is lumalaki at lumilliit sya.
Jenny- Siya ang girlaloo at love interest ni Eugene. Siya ang kababata ng binata at ang jowaers nia sa kwento, Si Jenny ang dakilang taga-intay. Hinintay niaya na makabalik sa human world si Eugene. Ganun ang pag-ibig nia sa lalaki. Siya na ang waiting girl.
Gusto ko lang balikan ang isa sa mga anime na nagustuhan ko nung ako ay bagets pa. :D
O sha, dito na lang muna. wakokokokok. Ingats!
paboritong tv series ng bunso ko..
ReplyDeletewhahaha namiss ko to ilang beses tong pinalabas sa 13 i think 3 times gabi pa to pinapalabas eh then ung biglang sikat eh kinuha ito ng GMA7 and itinatapat sa drama ng abs-cbn sa hapon at inilipat sa gabi para sa katapat ng PSY noon.. whahaha
ReplyDeletegrade 6 ata ako noong may ghost fighter..at ngayon na revive na naman..maganda kasi..idol ko si eugine.hehe
ReplyDeleteone of my favorite animes :)
ReplyDeleteTawa ako ng tawa dun sa pagpapakilala mo like.. Eugene (hindi domingo ang apelyido) tsaka kay alfred hindi vargas... kala ko pati si Dennis (trillo) tsaka Vincent (meron bang artistang vincent ang name?) LOL
ReplyDeleteanyhow...
Eto ang anime na full packed action plus story.. kaya tinapos ko to hanggang huli...
Dito rin nauso ang RayGun sa pwet! LOL
hahaha! benta sakin ang alfred vargas at raygun..:D
ReplyDeletenice itey! babalik na ang ghost fighter, ang kinahumalingan ko noon..
Haha favorite ko yan! :) Sa panonood nga niyan, nakadiscover ako ng isang "principle" buhay:
ReplyDeleteAng Taguro Principle.
Hindi naman talaga masama si taguro, gusto lang niya ng worthy na kalaban na tatalo sa kanya :)
Naisip ko ganon din siguo sa totoong buhay, may negative effects din ang boredom at greatness na pinaghalo.
Ang isa sa aking pinakapaboriting anime series.. only next to naruto and Samurai X!
ReplyDeleteito ang anime na naging dahil kung bakit bumaba ang grades ko, kasama ang slam dunk and dragon ball z...hahaha
ReplyDeletebakit wala si Charlene????? yung love interest ni alfred... hahahaha....
ReplyDeletemejo limot ko na din tong cartoon na to.. ang naalala ko lang e yung labanan nila ni Sensui.... na sobrang tagal tagal at daming chechebureche... hehehe....
kakamiss tuloy maging bata.... hehehe :)
paborito ko to!!!! wahahahahah ako nga si vincent dito kase pareho kami maliit!
ReplyDeletepinaka ninerbyos ako sa mga episodes don sa tower ni lazarus. mula sa halimaw na bato, kay blue dragon, tapos tapos
favorite ko dito si Dennis :0 lalo na kapag nagta-transform na sya sa pagiging puting lobo. pangalawa si jericho, dahil kyut sya kapag maliit at gwapo kapag lumaki! bwahaha~!
ReplyDeletegusto kong sabihin na paborito ko to kaso lang hindi ko naman nasubaybayan kaya parang sinungaling ang dating ko. kung payborit dapat panatic! tsk...
ReplyDeletepero kung tatanungin kung sinu ang crush ko sa kanila. dun parin ako kay Dennis! lab you Dennis! mwuah!
P.S.
kala ko dati babae si Jericho. =P
Pinakagusto ko si Dennis sa kanila. Siya ang pinaka-makapangyarihan para sa 'kin. LOL! (Lalim ng Tagalog. Hahaha.)
ReplyDeletepeyborit naming magkakapatid. unang nasilayan sa IBC13. Mas sumikat noong nalipat sa Shitty.
ReplyDeleteSabi nila, Tarugo daw talaga ang yun. Hindi Taguro! hehehe
ahahaha.. natawa ako sa "tarugo". lol
ReplyDeletenawalan nako ng interes dito nung ilang beses inulit-ulit sa gma... at may rumors akong narinig dati na gagawin tagalized daw ang deathnote sa gma. Si dennis trillo daw ang magboboses kay light. shet!!! mabababoy ang anime! ahahaha
@Mommy-razz, hehehe, fave to ni AKOnI?
ReplyDelete@AXL, sa ibc 13 palang sinusubaybayan ko na din
@emmanuelmateo, ako si dennis. :)
@poldo, raygun sa pwet,,, wakakakaka. naaalala ko to nung bata ako
ReplyDelete@bino, same here
@whatta queso, ibinalik na ng gma
@rah, yep, gusto ni taguro na lumaban ng lumaban
ReplyDelete@MD, so naruto ang fave mo?
@akoni, wakokokk. nalulung sa tv?
@egg, nakalimutan ko si charlene... gonzales... wakokokk
ReplyDelete@jazonhamster, hehehe. inabangan mo ang tore ni lazarus. :p
@nowitski, ehehe, ako din, kay dennis :D
@rainbowbox, ako ang akala kong babae si jeremiah :D
ReplyDelete@gasul, uu, astig si dennis. :D matalino pa
@nobenta, wakakaka, si tarugo brothers :D
@leonrap, hehehe. ganda deathnote... :D
ReplyDeleteadik sa ghost fighter grabe. nakipag rambolan pa ako sa mga pinsan ko kasi ako nga si sensui, tapos lahat sila si eugene. amp.
ReplyDelete@nieco, hehehe. bat kasi sensui ka
ReplyDelete@khanto: ah, pinalabas naba? hihi.. delayed me, 3 months. :P
ReplyDeletekinababaliwan ng pamangkin ko. Hehe
ReplyDeleteDahil sa series na ito muntik na akong hindi umattend ng graduation ko noong Grade 6. Nagkasabay kasi ng timeslot haha
ReplyDeleteyah. sapalagay ko isang importanteng karakter si charlene. anyhows..
ReplyDeletepaborito ko din ito nung elementary ako. nag mamadali pa ako umuwi sa bahay para hindi makaligtaan ang bawat episode neto
"Alfred- Hindi Vargas ang kanyang apelyido." >> hahaha at talagang naisip mo pa yan.. hahaha.. siguro nanonood ka ng mutya.. hihihi..
ReplyDelete@whatta queso, alam ko palabas na ulit sa 7
ReplyDelete@empi, di mo banapanood to? heheh
@glentot, wahahahah, ghost fighter dapat unahin bago graduation :p
@paps, sori, nalimutan ko
ReplyDelete@babaeng lakwatsera, wakokokok. sya lang alfred na kilala ko na artista
Grabe memories! Halos lahat ata addicted dito sa Ghost Fighter nung panahon na yun e. Paramihan pa ng binibiling mga texts/teks. Wahahaha. Fave ko yung mga competitions dun.
ReplyDeleteIto yung pinaka-unang anime na nasubaybayan ko at nag-introduce sakin sa anime.
paborito ko si dennis ang galing galing at matalino sinubaybayan ko palagi ang ghostfighter magaling silang lahat...:*
ReplyDelete