Thursday, March 21, 2013

Bet na Bet mag-Vietnam 2

Kamusta? Tarsdei na pala! Bilis ng araws! Parang lastweek lungs ng ganitong araw ng nag-prepare me for my byahe. Ngayon, ipopost ko na ang karugtong ng unang araw namin sa Vietnam.

Shirt Theme: Ninja Turtles- MichaelAngelo

So ayun na nga, by 10:30am, lumabas na kami ng hotel para magbalak pumunta sa theme park. Nagtaxi nanamans kami kasi it's complicated kung magve-vengabus kami. Saka alam nio na, medyo may edads na ang mudrax at pudrax kaya mahirap ang commute na di namin kabisado.

Sa halagang 1.1M (kakalerks pakinggan at basahin ang presyo no??!) e hinatid kami from hotelto theme park na parang bumiyaheng manila to Laguna. so parang pede na din at not bad na din. Roughly 1 hour ang byahe.






Ang taxi nila sa Vietnam ay malalaki na parang FX type dito sa pinas pero mostly good for 5 people lungs. 1 sa harap, dalawa sa gitna at 2 sa likods. Imperness sa taxi drivers nila, naka-polo and necktie..... tapos makikita mo sa dashboard nila yung name at pic ni koya driver like the pic na nasa taas. Tas pede ka magbayad via credit card.

Di uso ang private cars masyarow.... Ang sikat dito ay ang Motorcycle or yung mga chopchop scooter. Kahit mga babae ay nagmomotor. sa 4 lanes ng daan, ang 3 lines ay sakop mostly ng motor. Sila ang hari ng kakalsadahan. Pero inperview, hindi mausok ang tambutso ng motor. Saka walang OA humarurot sa byahe nila, chill-chill lungs.

Mga around 11 ng dumating kami sa theme park. Tirik na tirik ang araw. Maygas. Pagdating doon, sinabihan kami ng taxi driver na imemeet kami around 4pm. Tatambay na lang si koya at hihintayin kami. 








Ang mga larawan ay kuha mula sa labas ng themepark. Name nga pala ng park ay DaiNam. Syemps, di naman pedeng yung place lang ang may pic. Dapat meron ding tao. :p




Dahil sa tirik ng araw, bumili si mudrax at pudrax ng salakots. Since pera naman nila ang ginastos, di ko na inalam magkano. hahaha. Medyo malaki ang park kaya naman may mga mini trams na pede sakyans.


Triny langs namin yung Snow world ng place. Parang sa Ocean park lang. Pero mas panalo ang sa Ocean Park in terms of design sa loob. Ang difference lang, may slide cheverlins lang.


Syempre, kailangan minsan, kain-kain din. So doon kami sa loob umorder ng foods. Diet-diet din for me kaya chicken breast lang with fries. :p No rice ang peg... 


Syempre, libot-libot din at picture-picture sa mga anik-anik. Lipat-dito-lipat-doon tas pose-pose din minsan ganyan.










Then last stop namin ay yung Dainam Zoo. Ano ang makikita? Syempre mga taong nakakulong ganyan. Charlots! Natural mga hayuf. Pinaka feature nila ay ang White tiger at white lion (hindi po si Kimba). Naaliw akong makita ang 5th degree cousin ng unicorn.... ang Rhino. Saka nakakaaliws na makakita ng giraffe ng malapitans.



At pagsapit ng 4, uwian na. Balik hotel na. Medyo may buildup ng traffic kasi labasan na ng mga students at trabahadors. So yung kalsada talaga jampak as in jampak ng mga motors!!!

Pagbaliks, pahinga-pahinga dins tapos malapit lang ang hotel sa Ben Thanh Market (hindi po Ben 10). Dito ay nakapalibot ang mga bilihan ng sapatos, jackets, bags at anik-aniks. 

Tapos pagsapit ng 7 or 8, ang kakalsadahan ay naging night market kung saan pede kang bumili ng mga stuff pampasalubongs or pangsariling items.

Dito na din kami kumain ng dinner. At dito din nasira ang diet-dietan ko kasi kumain me ng gabi. huhuhh. hahahah.

At dito nagtatapos ang wentong Vietnam Day1. Take Care folks!

2 comments:

  1. dame mo nakita ahh!
    angas nung mga statue
    pati nung mga lions eeh

    yung shot nung tiger kala ko nikakain nya ung black haha kung anu man yung HAYOP na yun hahaha

    ReplyDelete
  2. Huwaw sir Gelo, kaaliw namans ang Vitenam adventure mo with your family.

    Hong kulet talaga nung pera nila noh, gumagastos ka na ng milyones sa pamasahe pa lang hahaha.

    Sana nabisita nyo rin ang legendary Halong Bay (pero I know naman, masyado nang magastos pag pumunta pa kayo dun)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???