Hello! Hello! Hello! At isa pang Hello! Kamusta naman kayo? I hope you're all doin' good. Hopefully ay nasa mabuti kayong kalagayan and happy and everything.
Kakamiss magsulat at magdadaldal via written words kaya naman heto ako at nagbabalik sa pagsasalitype para magsaad at magsalaysay ng aning-aning na kaganapan.
Kaninang umaga, late ako for work dahil pahirapan ang makasakay sa jeep ni erap. Grabacious ang dami ng passenger seat. Buti sana kung may pila-balde for pagsakay ng jeep, kaso walang systema.... It's a race! Yep! Karera sa pagsakay ng jeep.
Alam mo yung moment na may dadaan na isang jeepney na pwedeng magsakay ng 22 na katao pero ang mga abangers sa pagbyahe ay nasa 100 folks?! Ganun! Takbuhan talaga ang mga creatures at unahan sa pagsakay. Walang limitation, babae, lalaki, bakla, tomboy, matanda, bata, buntis, aba, kumakarera para makasakay ng jeep.
Ang matindi dun, yung jeep, may laman pa minsan na mga taong pababa pa lang ay di na makababa kasi kuyog talaga na parang bubuyog ang mga tao sa pagsakay.
Sa mga ganitong eksena kailangan mo talagang mag 'whammy: push your luck' para makasakay. Alpha-kapal-muks ka dapat at wala ka dapat 'care bear' sa iba kung ayaw mong maiwan sa byahe at kung super takot kang ma-late.
Minsan nga naisip ko, pano kaya kung pwedeng magdala ng weapons and ammos ang mga tao, siguro, kill spree mode ang mga folks para lang makasakay. Yung baka dumanak ng dugo sa pagsakay lang.
Pero-pero-peroppi.... Di lang dun sa amazing race na nagaganap ang minsang nakakainit ng ulo sa pagsakay ng jeep ni erap.... minsan kabwisit ng bongga ang mga jeepney drivers.
Alam naman nila na rush hour ang 6am-8am, pero doon sa time pa na iyon nila piniling magbreakfast! Maygas! Buti sana kung may break schedule sila para tuloy-tuloy ang mga jeep na nagsasakay baba... e hindi eh... Aba, nag team breakfast ang mga shutangineng mga driver..
Sorry sa pagmura pero minsan talaga ay nakakabadtrip at nakakayamot ang ginagawa nila..... Rush hour na mga koya, kaninang mga 5am ay di ba sila nag-almusal? Umalis ng bahay na gutom-talelong? Watdafudge! Tapos ang masaklap, sa 10 na jeep na dadaan, 8 sa kanila ang di magsasakay dahil kakain!
So yan ang dahilan ang kadalasang eksena at problema ko sa pagbyahe! kaasar-cesar much! Kailangang makipagsiksikan ka na sa dami ng passenger with all the scent and bodily odor, kailangan mo pang mag-abang ng jeep na gustong magsakay.
Minsan parang ansarap maghagis ng spikes at pako sa kalsada para ma-flatan ang mga kupaloids na driver na ayaw magsakay pero syemps, di pede, nope, ayokong makasuhan ng anik-anik.
Eh kung richie lang me, nagtaxi na sana ako ng wagas o kaya gumamit ng sports car...yung red... pero syemps di naman ako mapalad na creature kaya tiis sa ganitong moments.
Haynaker...gusto ko na mawala sa morning shift at miss ko na yung sasakay ako ng jeep na mga 10-15 mins lang ang byahe at kadalasan ay mga 5 -6 lang ang laman o pasahero.
Isang buwan pa akong magtitiis.... Ka-ynez veneracion! lols
O cia, pasensya na sa medyo ranty post.
Take Care folks!
hihi minsan ganyan din ako... nakikipag unahan sa pagsakay sa jeep o kaya sa bus.. buti nalang at naging runner ako haha!
ReplyDeletehirap kasi ma late eh... samin pag nalate ka kaltas 300 kagad.. awts!
hahahaha..tawang tawa ako sa rants mo!!
ReplyDeletenaiimagine ko kasi muka mo..hehe
magpa night shift ka na kasi minsan nalang tayo magpang-abot sa chwirrer..
ayos sa olrayt din ako makipag habulan sa jeep pero wag lang ako makakasabay ng maganda dahil kung may isang singit ng space nalang ang natitira at magkasabay kami ni beauty sa karera, wala akong choice kundi bagalan at mag-abang na lang uli.
ReplyDeletemukhang dapat may kotse ka na hehehe
ReplyDeleteahahaha, relate much ako. dami ko na rin beses naranasan yan, lalo na nung nag-aaral pa aketch sa PUP Sta. Mesa. Grabe, need ko talagang umalis ng sobrang aga dito sa San Mateo, patungong Maynila para lng di ako maabutan ng rush hour.
ReplyDelete