Thursday, October 17, 2013

ABMYBLGPPLAKO

Dear Blog,

Hey, howaryu? Aryupayntenkyu? Kamustasa naman sa iyo? Parang andaming bagong blogpost sa iyo lately. Sa sobrang dami, di ko na kayang basahin at mapapa-skip read ata ako. Lagi kang may update lately... charot lang.

Blog, patawad! Pagkat ako'y tinatamad....tinatamad nanaman...

Alam ko napapabayaan na kita. Yung mga moments na dati ay halos araw-araw kitang binubuksan at halos araw-araw ay meron kang laman. Ngayon, nagbago na ata ang lahat. Di ko na ata kaya na mag-ipon ng lakas na madalas kang lagyan ng mga anik-anik at kung ano-ano.

Katam or Sabaw, alinman sa dalawa ay di ko talaga alam ang rason kung bakit nagkaganto. Marahil meron pang isang factor kung bakit napapabayaan na kita. Ito ay ang stress factor.

Alam mo ba sa work, medyo na-stress na ako. Oo.... STRESS.... naka-caps para intense. Intensity much ang stress na nadadanasan ko sa work. Yung dating ambon ng calls at mga maximum na 5 to 10 calls, aba, parang gremlins na naulanan at dumami.... pumapalo na ang calls ng around 15 to 20...

Alam ko na alam mo na kaya ko naman. Oo, nakaya ko nga ng limang taon na tumatanggap ng tawag ng mga kanutong may problema sa pc nila. Pero ewan ko... ngayong buwan ata ang nakaka-toxic na panahon. Pagoda na talaga much. Yung minsan parang lunok ko lang ang pahinga.

At heto pa, may upcoming halloween thingy na magaganap sa opis. Kailangan maggawa ng costume ng wobots. Na-assign sa team ay si C3P0 ng Stawas(oo, ganyan ang slang pronounsyeysyen). paano kami gagawa kung queueing. Tapos may matatanggap na email telling us na kami ay APATHETIC... IKR! I should no longer care... Fuck that bitchy froglet na dapat itapon sa daraanan ng MRT. 

Tapos hindi lang yon, alam mo ba na nakakapressure na much ng bongga. Yung alam mong parang kalevel ko na ang mga punong kahoy ng Narra, kamagong at balete ganyan.... Yung pakiramdam mo na you're damn old... I know right, kakalerks na new faces na halos lahat ng nasa paligid.....

Alam mo ba ung moment na nag-pipile na ang mga nakakalerks na kaganapan... Yung napupuno na ako na di ko alam pano tanggalin ang negativity na dumadagsa.

Tapos sasabayan pa ng nakakaburaot na morning shift. Yung times na oras ang gugugulin para makasakay ka ng jeep at sasabayan pa ng moments na hindi lang basta-basta late ang mangyayari sa iyo.... Half-day pa which never na nangyari sa akin noon.

Nagbirthday nga pala ako blog nitong nakaraang araw. Nakabawi naman at nakagaang naman ng kalooban ko yung eksenang madaming nag-greet sa fb. Lam ko naman na yung iba ay napagreet lang kasi nabulabog na laging nasa timeline yung mga birthday greeting dahil nagrereply ako sa greetings. Pero masaya padin me na atleast madaming nakaalala sa akins.

Wag kang mag-alala blog, di pa naman kita lubusang napabayaan. Babawi ako nektaym. may records naman ako ng ilan sa mga films na napanood ko at natatandaan ko pa naman ang possible book reviews ko. Just give me a reason time to cope up and gather my strength....

Hanggang dito na lang muna blog...

Take Care!

Lost, Hurt, Tired and Lonely...
-Khanto

6 comments:

  1. katamaran ang panahon ngayon ng blogging at kapansinpansin yan sa blogrolls

    ReplyDelete
  2. ako din tamad na tamad!!! yoko na talaga pero tinatawag me ng laman..ay este ng blog ko! :p

    ReplyDelete
  3. ahahaha, #tamadmuch ba ang tawag mo dito sir Khants? ehehe. ako nga, once a week or minsan once every two weeks magupdate ehehe. buti ka nga, 2 or 3 days lungs ang pagitan, may post aga LOL

    ReplyDelete
  4. haha. parepareho. nakakatamad na magblog kase bihira narin ang bumibisita sa mga blog.

    ReplyDelete
  5. tamad pa yan? hihi. belated happy birthday! :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???