Friday, October 11, 2013

Wish Ko Lang AirAsia Zest


Dear Ate Charo,

Itago ninyo na lang po ako sa pangalang 'Khanto'. Isa po ako sa isa sa mga tao na nahihilig na po sa paglalakwatsa at pagbyahe sa kung saang lupalop ng pinas. Sumulat po ako para humiling na sana ay mapagbigyan po ako sa mga destinasyon na aking minimithi.

Ay, teka lang po, muka po atang mali ang aking sinusulatan. Erase, erase, erase na lang po. 'K Thanks bye!'.

Dear Ate Vicky Morales,

Ako po si 'Khanto' na nagkamaling sumulat sa kabilang istasyon upang humiling na sa ay mapagbigyan akong makapagbyahe sa mga lugar na aking gustong balikan. Heto po sa ibaba ang tatlo sa mga nais kong mapuntahang muli.

Unahin ninyo na po ang Cebu. Maygas Ate Vicky, ansaya pong magpunta dito. Nais ko pong mapasyalan muli ang Oslob at makasabay sa paglangoy ang mga malalaking isda na mga 'whale sharks'. Mababait sila at di nangangain ng tao kaya naman nakakamangha na makita sila ng personal at makapagpa-photoshoot kasama sila. Heto po kalakip ang family picture naming mga Butanding.


Maliban sa Oslob, okay din pong puntahan yung Sky Adventure sa Crowne Regency at maglakad sa isang mataas na gusali o kaya po ay mag-zipline. 


Pangalawa po sa aking hihilingin ay ang makapunta sa Puerto Prinsesa. Alam niyo po ba na enjoy mamasyal sa main city ng Puerto Prinsesa? Masarap po ang mga tinapay sa Baker's Hill at masarap din po tumambay sa Mitra Ranch.


Isa pa sa mapupuntahan at maipagmamalaking lugar sa Puerto Prinsesa ay ang kanilang Underground River. ate Vicks, astig po ang place na ito.


Ang huli po sa aking hiling ay ang makapasyal muli sa Tagbilaran. Alam ko po medyo di po masyadong nakaka-recall ang name na Tagbilaran so para mas madali ay i-associate po natin sa pangalang Bohol. Isa po sa ayos mapasyalan ay ang 'Hinagdanan Cave' kung saan pong pwede kang magpa-picture na kakabog kay Ate Nora, may himala!


Pero ate vicks, syempre wag na tayong magpaligoy-ligoy pa, di na po ako magpapatumpik-tumpik pa-kara-karaka, syempre ang dapat pasyalan sa Bohol ay ang Chocolate Hills at makita ang Tarsiers at kumain sa Loboc Riverwatch buffet. 


Nagmamakaawa po ako ate vicky na inyong tuparin ang aking hiling... Lalo na po at ngayong darating na Oktubre 15 ay aking kaarawan at gawin na ninyong birthday gift ang pagbyahe sa kahit isa sa tatlong lugar. Pero kung bongga kayo, why not lahat po. hehehehe.

Wag po kayong mag-alala Ate Vicky, di ninyo na kailangang hanapin si Darna para mailipad ako sa mga lugar na nais kong puntahan. Alam po ba ninyo na may partnership na ang AirAsia at Zest at ito ay naging AirAsia Zest. at dahil dyan, AirAsia Zest may now take you to destination at affordable price! But wait, there's more ate Vicks, dapat mo din malaman na AirAsia Zest flies from Manila. Tama ang nababasa mo ate vicks, di na kailangan pumunta ng Clark kasi meron ng flight from Manila!

Heto pa, ang AirAsia Zest ay may mga flights papunta sa mga lugar tulad ng Cebu, Davao, Kalibo (Boracay), Puerto Prinsesa, Tagbilaran, Cagayan De Oro. But wait, there's more pa! May lipad ang AirAsia Zest palabas ng pinas tulad ng Kuala Lumpur, Kota Kinabalu, Shanghai, Incheon. Bonggang-bonggang-bogambilya diba?! Kaya nga po AirAsia Zest, The Right Way to Fly!

Hanggang dito na lang muna Ate Vicky, salamuch sa pagbasa at Wish ko Lang na matupad ang aking hiling. Take Care po. 

Nagmamahal,
Khanto
-=-=-=-=-=-
Heto ang aking blogpost para sumali sa Blogger Contest ng AirAsia Zest. Samahan nio ako mga friendship na sana manalo mey. hahahaha.

8 comments:

  1. Dear khanto,

    Si ate Vicky mo ito. ginamit ko ang account ni eagleman dahil wala akong blog. Nais ko ipaalam sa iyo na gusto ko din puntahan yang mga destinasyon na yan... kaso hektik ang sched sa news at kailangan nasa saksi ako gabi-gabi.

    Gusto ko din ipaalam sayo na mahirap yata sa zest air? delayed lagi ang flight lol ! juk juk lang hehehehe.. tsaka ang sossy ng bertday mo ha? 15!!! sweldo! ^_^

    advance happy bertday!

    ReplyDelete
  2. sana madinig ng zest air ang iyong taimtim na hiling.... gudlak! sakto sau yan kasi gala ka... dami mo ng lugar na napasyalan...

    ReplyDelete
  3. Good luck Khanto!!! sana eh pagpalain ka ng universe at manalo..wohoooo!!! See you next year na ba itey??

    ReplyDelete
  4. good luck gelo!!!! :)

    ReplyDelete
  5. #LSSmuch ako sa theme song nyang Zest Air.

    Fly with Zest air... we'll take you there! wooo!

    Kaaliw~ Goodluck sa iyong entry!

    ReplyDelete
  6. haha harinawa ay mabasa niya itong liham mo!

    ReplyDelete
  7. sana marinig niyan ni ate vicky. hahahah. Ang ganda talaga ng Pilipinas. Kaya nga it's more fun in the Philippines.

    ReplyDelete
  8. akala ko naliligaw ako! sana nga marinig ni ate vicky mo ang panawagan mo! hahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???