Hello kiddies! Kamusta-kamusta at isa pang kamusta? Matatapos na ang 2013 sa ilang oras na natitira! At dahil dyan, kailangan na merong year-end thingy. Oo, kailangan talaga! Lols.
Ano-ano nga ba ang kaganapan sa akin sa taong 2013?
Movies- aba, syempre pasok dito ang walang kamatayang mga pelikula na aking napanood at ishinare ang review-reviewhan sa inyo with matching scores kung karapat-dapats panoorin or not. Nag-backtrack ako at madami palanbg peliks akong nipanood at hinusgahan. Ang ilan ay yung mga fresh films sa big screen like Life of Pi, Thor at Hobbit while the others ay films from quiaps or downloaded film mula sa movie source sa opis.
Books- Madami din akong librong nabili at binasa at syempre, binigyan ko din ng review-reviewhan. Nandyan ang mga books na mula sa mga famous radio DJ ng pinas like the book of Papa Jackand Tambalan. Syempre, kasama dito ang ever funny book ni Glentot at ang mga books na unang nakilala sa wattpad like Diary ng Panget.
TubeVideos- Kahit paano, kapag may bagong viral vids, medyo napopost ko naman ito sa aking bloghouse. Some samples ay ang gwiyomi/Tinuli, yung prankcalls at mga agaw eksenang vids.
Anime/Cartoons- Pasok sa 2013 ang mga anime and cartoons flashbacks. Eto yung mga palabas na umere sa telebisyon noon at binabalik tanawan natin for the sake of good memories. Ilang halimbawa ay ang Flame of Recca, Eto Rangers at Visionaries.
Travel- Syemps, madaming lakwatsa din naman akong nagawa for the year 2013. Andyan ang Mag-La Union at Baler. Kasama din ang pag-gala ko ng mag-isa like going to Manila Ocean park and sa Cebu. Pasok din ang gala ng pamilya sa Vietnam.
Random- Di to nawala sa whole year ng kwatro khanto. Mga wentong anik-anik sa kaganapan sa pang-araw-araw na buhay. Pasok dito ang opis related wents and rants and stuff like that, mga tc shows at kung ano-ano pa.
Dumating din sa point na nawawalan na din me ng gana.... lalo na sa last quarter ng taon. Kapansin-pansin na kokonti langs ang post.
Pero wag mag-alala, di pa oras para isara ang bloghouse na ito.
Sa mga sumusubaybay na friends, mga new visitors at napadaans, maraming salamuch.
Happy New Year sa lahat at Take Care coz I Care, Care Bear.
ang sipag mo mag gawa ng review ako tamad na tamad sa gnyan hehe
ReplyDeletehappy new year and wag mo sasara blog mo. mamimiss mo toh sige ka haha
winner ang pikature! apir! :)
ReplyDeleteHapi Nu Yir Khants .... sige lang ng sige huwag kang titigil ... tayo tayo pa rin sa 2014 ! God bless
ReplyDeletehappy new year! ilan na lang tayon'g di nagsasara ng blog hahaha
ReplyDeleteThanks for caring Care Bear :)
ReplyDeleteFavorite ko ang mga random anik anik posts mo Khants, feeling ko nakikibasa lang ako ng diary mo hehe
I hope you have a blessed year to come, mas blessed sa work, sa family at sa kung ano ano pa. Happy New Year! :)
naku lahat naman yata tinamad nitong last quarter ng2013... basta keep blogging... inaabangan ko lagi mga reviews mo sa mga peliks. dami ko ng nadownload na movies galing dito sa blog mo. happy new year!
ReplyDeleteHave a healthy and positive New Year sir Khants!
ReplyDeleteNaku, mabentang mabenta talaga sakin yung mga movie, animes at book reviews mo. You never fails to amazed me with your witty and kwelang reviews!
Cheers for 2014!
I love your reviews kuya lalo na yug mga back track mo sa anime. Hahaha happy new year!!
ReplyDeletewell kahit half of the year ee nawala ko sa sirkulasyon
ReplyDeletenaenjoy ko mga post mo most especially yung wag mong buhayin ang patay!