Wednesday, June 24, 2015

San Andreas

Hey! Howdy! Kamustasa na kayo mga madlang folks?Hopia doin' fine and orayt. Ilan araw na ding walang laman ang bloghouse na ito kaya naman kailangang ma-update para di bahayan ng agiw.

For today, review-reviewhan nanaman tayo ng isang peliks pero hindi sya fresh na fresh dahil last month pa to nairelease sa mga moviehouse at sa suking pirats lang ako nakakuha ng copy dahil di ko super bet eto pero napagtripan ko lang na panoorin since nirecommend lungs.

Heniway, sa mga dehins pa nakakapanood, at maghuhurumentado at magngingingisay dyan sa spoilers, aba, di to para sa iyo. Bawal basahin to ng spoilers-haters ganyans.

Ang palabas with review for today ay....... San Andreas (nope, walang kasunod na word na 'bukid' sa pamagat!)


Magsisimula ang peliks sa medyo tabinging cinema copy ng peliks dahil boblaks makahanap ng magandang pwesto yung kumukuha ng peliks. Leche sya, di alam kung saan makakakuha ng sentro ng screen.

Then may na-aksidenteng girlaloo somewhere at ang car niya ay nakalambitin sa cliff. Medyo swerts pa si girl kasi buhay siya dahil sabi ni direk kaya naman kailangan niyang mag-wait ng saklolo.

Then dito na papasok ang bida ng peliks. Here comes The Rock! Ayaw na niyang maging wrestler, tapos na din siya sa pagiging toothfairy at levelup na sya dahil di na kotse ang kanyang drina-drive, chopper na... Isa na siyang rescue thingie.


Matapos ang achuchuchung medyo pa-excite na eksena ng pagligtas ni The Rock sa girlay ay switch naman ng focus.

Sa isang place, merong isang professor (hindi hango sa isang puno ang pangalan like Oak or Birch) na nagdidiscuss ng nabasa niya sa facebook timeline about faultlines ganyan. Explain-explain ng mga jargons and non-common terms na magiging part ng plot ng peliks.

Shift ulit. Ipapakits na ang familia ni The Rock. It turns out na magdidivorce na (which is so common family scenario sa US ata) ang mag-asawa and he make hatid his junakis sa kanyang asawa na may boylet na.

Then may quake na naganap. Isang malaking Quake ang umeksena. Yanig-yanig effects and stuff.


Then needed na si The Rock na mag-rescue thing. Sinigawan siya to get to the chopper! Iniwan niya ang fambam niya kasi he cared about his job sir ganyan.


Then back kila professor na nag-aanalyze ng movements ng tectonic, platonic, supersonic chuvachuchu, naapag-alaman nila na weak pa yung earthquake na naganap. Para bang narinig nila yung sa home tv shopping na lines.... 'But wait, there's more!".

Tapos non, yung junakis ng bida na si Blake ay kasama ng soon-to-be-step-dad at nasa isang building ganyans. 

Si Blake... chost

Dito makikilala ni Blake ang boylet na hahalik sa kanya later in the film. Dito din niya mamemeet ang isang character na missing in action after ng season 3 ng isang tv series. Here comes Rickon Stark. Dun-dun-dududundun-dududun-dududuuun.


Ang jusawa naman ng bida ay nasa isang place naman at ka-meet ang ex-wifey ng kanyang boylet para magkaroon ng talk.

Then here comes another shake at mas malakas na ito kesa sa naunang pagyanig. Hindi pinakita sa screen pero ang tunay na dahilan nito ay dahil kay Sailor Uranus. chost.

World Shaking!

At dahil dyan, napahamak ang junanak na si Blake pati nadin ang jusawa ng bida from 2 separate places.

Syempre, bida-bida ang bida at mas priority ang pamilya kesa sa ibang tao at trabaho niya, kailangan niyang iligtas ang kanyang family. Screw the other peops... Una niyang nailigtas ang kanyang wifey

Then, lipat naman ang eksena sa junak niya na nakasama si boylet at si Rickon Dun-dun-dududundun-dududun-dududuuun. Silang threesome ay naghanap ng way to survive. Then makikipag EB sila sa kanyang fam somewhere out-there.

Then maririnig sa tv ang kaluskos ng punyetang nagvivideo atsaka pag-ubo at pag-bahing. 

At dahil ang kamalasan ay hindi lang once or twice, minsan madami kaya naman may sumunod pang shake shake na naganap at ang kasabay noon ay syemps pagragasa ng tubig dahil tsunami-ish thingy. At ang may pakana naman nito ay isa nanamang sailor warrior.

Deep Submerge!

At dahil medyo mahaba na ang peliks, kailangan na tapusin itow pero dapat may intensity. Nagkita na yung magpamilya kaso na-trap sa building yung anak ng bida. To the rescue si The Rock. Intense scene ganyan. Tapos nalunod na ata. pero never say never ang peg kaya in the end buhay ang anak.

At the end na, nakaligtas yung yung mga bida kasama si Rickon Stark at ang boylet ni blake. 

Score???? 8 lang for me. Keri naman yung intensity ng kaganapan. Oks naman yung destruction prowess shenanigans na dulot ng earthquake. Sakto naman pero for me walang uuumfff na lakas ng impact to say goojab.

It only shows one reality,... Kapag nasa oras ng sakuna, malamang sa alamang, ang mga rescuers ay uunahin ang pamilya nila kesa sa iyo so siguraduhin mong may rescuer friends ka or fam.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!


2 comments:

  1. Wahaha! natawa ako sa pag-eksena nila Sailor Uranus at Sailor Neptune XD

    ReplyDelete
  2. Sailor Uranus at Neptune! OMG sila pala may kagagawang ng Quake bar haha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???