Saturday, September 12, 2015

Maze Runner: Scorch Trials


Wag na tayong magpatumpiktumpik pa. Eto ay post sa ikalawang peliks ng The Maze Runner named 'Scorch Trial'. 

Same warning sa bawat movie review-reviewhan post ko, Wag basahin kung ayaw ma-spoil ng wento,











Okay na ba?

So last movie, nalaman natin na nakatakas na nga sa maze ang mga bida pero-pero-peropi, dehins nila alam na pautots lang yon ng 'Wicked'. So dinala sila sa ibang place.

Dito papasok sa wento ang kilalang face ng mga nanonood ng series ng G.o.T, si Peter Baelish. Siya ang namamalakads sa facility na kinaroroonan ng mga nakatakas.


Siyemps akala ng mga bagets na nakatakas ay nasa safe place na sila ngunit syempre kailangan nilang may matuklasan. Sa tulong ng isang new character named Aris. Sa tulong niya, nalaman niya ang masamang balakin nila Lord Baelish kaya naman nag flee ang mga bida sa mala-disyertong place.





Sa labas ng Big brother house nila malalaman ang nakakatakot na epidemyang naganap sa mundo. Ang mga tao ay parang infected ng zombiepocalypse thingy. Dito ay nabawasan sila ng isang member dahil naapektuhan ng impeksyon... ng galis chost.

Pero never say never ang peg ng mga tumakas kaya ang napagdesisyunan nila hanapin ang isang grupo daw na kalaban ng Wicked. They make biyahe sa disyerto until ma-reach nila ang place kung saan may signs of life.

Pero bago yun, dumating si Thor, Storm at Pikachu at may pa-thunder effect bago sila makadating sa next destination.

Sa next part ay mapupunta sila sa isang place na hindi ko alam pero ang tanda ko ay ito din ay ang place kung saan nag-shooting ang 'Mortal Instruments' na film na tila di na nasundan ng 2nd movie.

Dito nila mamemeet ang isang girl na makakasama ni Thomas adventure kasi medyo napahiwalay sila.


Then they made biyahe again para hanapin ang resistance group thingy at eventually mapupunta sila sa group ng mga kumakalaban sa Wicked. Dito din makikilala ang isa pa sa magiging new member ng peliks.


Pero dito na eeksena ang punyetakels na sir Teresa. Yung kalokalike ni Bella ng Twilight ay sumbungerang putangina kaya naman natunton sa bandang dulo ang kinaroroonan ng resistance. Nagkagulo ekeklachus at sa huli, madami ang nategi.

Etong potaenang si Teresa ay kampi-kampi sa Wicked at napasakamay din nila si Asian guy at isang girly na friend nitong black girl.

At dito na matatapos yung film kasi balak ni Thomas na iligtas ang mga friends niyang nahuli ng Wicked.

Score? Bibigyan ko naman ng Scorching 8.75 ang film na ito. Okay naman ang scenes. Medyo nabibigyan na ng liwanag ang kaganapan at anik-anik. Okay din naman ang intensity ng mga habulang gahasa at suspense at action,

Ang pelikulang ito ay nakapagpacurious sa akin kung ano ang magiging next na kaganapan sa book 3 pero sana naman at utang na loob ay di hatiin sa 2 parts ang final book.

Hanggang dito na langs muna. 

1 comment:

  1. Ayy bet ko to panoorin kasi crush ko si kuyang Asian! Bet ko sya habulin kaya lang for sure madeds ako sa pagod

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???