Saturday, April 9, 2016

The Jungle Book

HeyHey! Kumusta na kayo? Nakakagulat ano? May post muli sa bloghouse na ito! Yeah, hindi ka namamalikmata at may bago ngang pos for today. Nabigyan ako ng 2% sipag para magsalitype nanaman sa blog kong ito.

For today, isa nanamang review-reviewhan ng pelikula na kapapanood ko lang kahaps dahil medyo lungkut-lungkutan from the mga news na related sa work.

Heniway, heto ang isang peliks na base sa isang childrens story book na naging peliks. Ito ay ang movie na 'The Jungle Book'.

Kung scared sa spoilers, naku, wag mo na ituloy.

Pero dahil mapilit ka, sige simulan ko na.


So nagstart ang eksena sa paghahabulang-gahasa ng isang batang yagit at ng mga kalokalike ng aso na wolfs. It seems na may humahabol sa Raymond Bagetsing kaya parang tumetemple run ang bata. Then it turns out, friendy marathon lang ang ganap.

Sabay pasok ng voice over saying na ang wento ay tungkol kay kiddo. Inilahad na si Efren Bata ay may namesung na Mowgli na hango sa drink na Mogu-mogu.


Si Mowgli ay totoy na supot pa at dahil bagito pa lamang ay pinalaki siya sa piling ng mga balloons o ng mga lobo. Pero dahil conyo-conyohan ka, sasabihin kong wolves ang nagpalaki sa bata. At ang tumayong mudrakels ay ang wolf named Raksha.


Okay naman ang eksena. Tanggap ang pagiging iba ni Mowgli sa kanyang mga wolf friends and fambam and kapitbahay. Nope, hindi bekbek si kid pero iba siya since human siya at hindi hindi balbonic beauty.

Pero one eksena na magbabago. One day isang araw, while tumutugtog ang music ng Lion King sa background (char langs), may umeksenang hari-harian na animal. Isang Shasha Fierce na Tiger ang umenter at umagaw eksena.


Hindi isang katol or eroplano ang dumating pero isang fierce tiger, si Shere Khan. Di iya betbet ang bagetsing na si Mowgli dahil isa itong tao at bitter ocampo pa dahil isang tao ang nakasakit sa kanya. And so the tiger make mister dj can i make a request na isuko ng mga lobo ang bata.

No no no no way ang kanta ng mudraks ni Mowgli pero ayaw ng mga other wolf na galitin si Shere Khan kaya nagkaroon ng bridge over troubled water ganyan. So nagdecide si Mowgli na aalis na lang  at maghanap ng ibang condo ganyan.

Tutulungan siya ng hayup na nakakita sa kanya during his early infant stage. Ang black panther na si Bagheera ang magiging guide ni Mowgli pabalik sa place ng mga tao.


Pero dahil pampam ang tiger at gustong mapatay ang bata, nagkaroon ng clash of clan at nagtapat ng light ang tiger at panther habang si Mowgli ay tumakas mag-isa at nagkaroon ng Jungle exploration.

Una niyang ne-meet ang isang napakalaking pokemon na Ekans. Etong si Ekans ay may namesung na Kaa at she make kwento kay Mowgli ang past na naganap kung bakit hate na hate ni Tiger ang bagets. Pero may hidden agenda si Kaa, nais niya palang tikman ang bata. tsk tsk.


Buti na lungs at nailigtas si Mowgli ng next hayup na kamag-anakan ni Yogi, eto ay si Baloo na isang bear. Kapalit ng pagkakaligtas ng buhay ni Mowgli, nais niyang magkaroon ng utang na loob ang bata. Nais niyang gawing sex slave ang kiddo. joke. Nais niyang kumuha ng sandamukal na honey si kid.


Naging friends ang bear at bata. at natutong kumanta si Mowgli ng isang song. Eto ay ang Bohemian Rhapsody..... joke.... kumanta sila ng Hakuna Matata ganyan...char lang....basta kanta ni bear.

Then nagkita muli si Mowgli at si Bagheera at decideds na sila ipagpatuloy ang journey pabalik sa kampo ng human. Pero may naganap. Kinidnap at dinukot si bagets ng mga monkey-monkey-annabelle. Pinagpasa-pasahan siya from one monkey to another. Feeling ni mowgli ang dumi-dumi niyaaaaaa. lols.

Then it turns out ay pinadukot siya ni King Louie na half-brother ni Kingkong at Officemate ng mga taga Planet of the Apes. May x-deal na gusto ng giant unggoy. Kapalit ng proteksyon at food na iooffer niya, kailangan ni Mowgli maging boytoy. NOT. Gusto ni monkey na bigyan siya ng apoy.


E di naman marunong si Mowgli na mag-create ng fire kaya sumigaw siya ng NO DEAL. at nagkaroon ng habulang gahasa chenelin between the kid at monkey. Tumakbo ang bagets at nagsabing 'habulin mo ko!' ganyan tapos binuhusan niya ng tubig dagat ang unggoy at nagbasaan sila. lols.

Pero para may climax ang story, nalaman ni Mowgli na napatay ang lider ng wolf na kumupkop sa kanya kaya naman gusto niyang makipag face-to-face with the Tiger.

Sa huli, may eksenang habulan nanaman pero eto ay sa pagits ni kid at tiger until only one survived. Syempre nanalo ang bida at doon nagtapos ang wento.

Well, ang film ay iba sa recall ng isipan ko ng Jungle Book dahil ayon sa memorya ko na posibleng sablay, sa cartoons na Jungle Book, friends lahat ni Mowgli ang mga hayup. so the film shows the original story sigurs ng libro.

Okay naman ang pelikula. Hindi uber exciting pero hindi rin boring to death. Sapat pero pede pang may ibubuga. Maayos naman ang flow ng story at hindi nakaka-confuse kaya pasado naman ito.

Bibigyan ko ng rating na 8.78 ang film. Pwede pero pwede na din siguro kung tinorrent to hahahaha.

Similar sa marvel peliks, may end credits na ipapakita pero para sa inyong mga readers, ikwekwento ko na.

Ipapakita sa dulo ng film ang possible sequel ng film. nabinyagan na si Mowgli at lumaki na siya. Dito ay may mami-meet siyang babae.


O sha, hanggang dito na lungs muna! Take Care!

1 comment:

  1. Bet ko ang peliks na ito both the Disney cartoon and the live action ... Mataas din rating ko sa mga peliks na toh mga 9 ganyan he he he

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???