Wednesday, May 9, 2018

Pagbalik sa Korea Day 4

Yellow hellow! Kamusta na kayow? For today, hindi naman review-reviewhan ang mababasa ninyo sa bloghouse na ito. Instead, ito na ang super overdue na karugs ng byaheng Korea with fambam. Ayoko naman kasing mag-anniv yung post bago magkaroon ng sumunod na wento.

So Day 4 na po.

So sinundo nanaman kami ni Kyah driver/guide at kami ay napadpad kami sa isang palace na napuntahans ko na last time. Ito ay ang Gyeongbokgung Palace.

It turns out na sa morning, merong parade thingy ng mga guards so may re-enactment chorva kung paano nagpapalit ng mga kawal na bantay ng palasyo. 







So after, pasok na syemps sa loob ng palace at nag-ikot-ikot lang-ikot-ikot-ikot! At syemps photo here and there.






Then lumusots kami sa kabilang side na matatanaw ang blue house/Presidential house o ang tahanan ng namumuno ng Korea ganyan.





Tapos napadpad kami sa Buddhist temple saka naglakad sa area kung saan pedeng mag-try ng Hanbok o ang costume-costume sa Insadong.











Then nag-lunch na kami para naman mareplenish ang energy. Wala na picture kasi di ko na mahagilap san kuunin lols.

Matapos ay drive naman kami sa another palace named Changdeokgung Palace. Napuntahan na namin to dati with friends pero this time, di na kami pumasok sa Secret Garden due to may oldies na di na kaya magwalkwalkwalkwalkwalk.







Kasunod naman ay pumunta sa Bukchon Hanok Village kung saan makikita ang mga lumang bahay na may desenyo pa ng sinaunang design like wooden gate and stuff.







Sumunod na area ay ang Hongik University Street area kung saan pumasok kami sa trick eye museum at love museum.









Last stop ay ang Cheonggyecheon stream.





Then back to hotel na at kanya kanya na muna. Ako, namili ng mga pasalubs at kumains ulit sa myeongdong.




Kinabukasan, flight na namin pabalik ng pinas.

At dyan na nagtatapos ang super delayed post ko bout sa byaheng Korea namins.

Hanggang dito na lungs muna, TC!

1 comment:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???