It's 2020 na, tapos na ang unang buwan ng taon at ngayong pebrero ay for some wierd reason ay naisipan ko na ipagpatuloy ang wentong byahe ko sa Japan last 2018. OMG! lagpas 1 year ang delay ng post na ito. pero keri lang. wala namang batas na nagbabawal mag super duper mega omega late post sa blog.
So anyway, mostly copy-paste-reword ganap lang to from my fb album description. Doon ko na kasi minsan kwinekwento ang ganap sa mga lakads.
So balik tayo sa petsang April 4, 2018. After ng trip to Nara, sumakay ulit kami sa rented carlaloo para bumiyahe papuntang next desti, ito ay ang Kyoto.
Ang Kyoto ay kilala sa old japanese time shenanigans thingy so para kang nasa lumang panahon ng Japan.
Ang unang pinuntahan namin ay ang Arashirama Bamboo Grove. Insert ang kanta ni Bamboo na tatsulok here.
Here makakakita ka shemps ng bamboo grove atsaka mga japboys na pinalitan ang mga horsie sa pagdala ng mga passengers. Makakakita ka din dito ng mga folks na naka traditional na kimono while strolling.
Dahil medj lunchness na ng panahon na nasa Kyoto kami pero walang resto na makainan ay nagpica-pica lang sa mga food stalls na meron doon.
Then lipat naman kami sa place kung saan makikita ang Golden Pavillion Kinkaku-ji. As the name describes, eto ay ginintuang pavillion na pinsan ng kadenang Ginto.
Matapos ay nagpunta kami sa Kyoto tower at nanood ng isang performance ng isang Maiko (hindi Melendez ang apelyido). Ang Maiko ay parang apprenticeship bago maging Geisha. So in simple term, parang freshman years ganyans.
Then dumaan saglit sa Kiyomizu-dera Temple na pinsang buo ni Magic Temple to the tune of Kiyomi.
Last stop ay ang Fushimi Inari Temple o yung red pillar thingy na famous sa iang peliks na di ko na babanggitin since wala namang sponsor and promotion na ganap.
Medj padilim na ng napadpad kami here so di na kaya ng aking jijicam.
And after ay balik na kami to Osaka at naghapunan na lungs sa malapit na kainan.
And this wraps up Day 3 ng Osaka Trip noong 2018. Nuks. Baka bukas kung idle sa opis ay magawa ko ang Day4 which is USJ or Universal Studios Japan.
O sia, hanggang dito na lang muna, TC!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???