Hello guys, so it's been a week after my previous post so it's time na din to share another series na aking napanood while on ECQ shenanigans. And same with my last post, isa nanaman itong lakorn.
And for today, here's the series named TharnType.
Okay ganto ang takbo ng kwento ng series na ito.
Merong isang college student na itago sa namesung na Type. Si Type ay isang pogitong guy na galit sa mga beklushi.
And malalaman nia na ang kanyang bro na roomie ay isang Barbie. So dahil nga afraid at ayaw nia na makasama ang isang bekbek sa room, gumawa sia ng mga ways para mapaalis or makapagpalit ng ka-roomie with other dormfolks.
So heto naman si Tharn, ang gay na roommate ni koyang afraid sa mga bekiloo. Dahil wala naman shang ginagawang masama, di sha aalis sa dorm.
As the story progress, malalaman na kaya ayaw ni koyang Type sa mga membas ng LGBT ay noong isa pa siyang kiddielets ay ginalaw sya ng isang baklush. So may trauma-ish si koya.
Pero naging karamay ni Type si Tharn sa isang kinda FB bashing na naganap kaya eventually naging friendship kinda sila that leads to being F-buddies. Yaz, naging Friends with Benefitz yung dalawang koya mo.
Pero dahil love wins at hindi lang sex wins ay naging magjowakels ang dalawa. Pero dadaan sila sa pagsubok ng relasyones towards the end of the series dahil sa Ex ni Tharn na over clingy at ang twist na isang friend/secret lover ni Tharn ay isa sa mga rason bakit walang nagtatagal na jowawits si koya Tharn.
Kinda romcomish lang to pero more on dramaramalala. May pagka-heavy ng konti yung ganapan nila kaya parang di sha light like 2gether.
Rating for this series: 4.1/5
Rating for this series: 4.1/5
O sya, yan lungs naman ang nais kong i-share. Hanggang dito na lungs muna. TC.
Bakit walang rating? Na-miss ko yung naglalagay ka ng rating sa dulo :)
ReplyDeletePero, grabe ang twist ng Tharn Type, ang galing :)