Agosto na pala! Medj antulin ng araw na nasa balur ka lang at nag-aabang ng balita na tapos na ang covid ganap. Yung sana wala nang sakit na covid na nakakahawa o kaya naman sana ay may lunas na or bakuna para di ka tamaan ng sakit na ito.
Pero habang patuloy pa lamang sa pagdadasal na di tamaan ng sakit ang mga mahal natin sa buhay at mga kakilala, may mga bagay na napapaisip ka while on quarantine. Yung mga bagay na namimiss mo noong mga panahong normal pa ang ganaps.
Around 2 years after kong matanggap sa work nagsimula ang isa sa bagay na medyo nakahiligan ko, ang bumiyahe or sa ingles ay Travel... nuks.... Dahil dakilang kaladkarin ako, kapag may mag-aaya ng booking at byahe ay gorabels me para naman makapamasyal kung saan.
At dahil sa covid thingy, mukang ekis ang magbyahe sa panahong ito at pati sa mga susunod na buwan. At medyo party pooper ang ganap kasi yung nakalatag na plano for this year, poof, it became coco crunch.
Sa FB, kung saan madalas akong tambay ay sa memories na lang ako nakakakuha ng mga alaala ng aking byahe kaya naman naisipan ko na magsulat at magpost sa mga lugar na aking napuntahans.
Cebu
Isa ang Cebu sa una kong solo travel noon. Eto yung time na sobrang murakels ng plane tix due to seat sales at nakascore ako ng tix na worth 300 lang. So sariling attempt ng Itenerary at konting tanong tanong at help from a blogger friend na taga Cebu kaya naman naka-survive ako sa lugar na ito.
Ang nakakamiss sa Ceu trip ay ang Whaleshark watching at swimming. Kakaibang experience for me na makalangoy ng side by side sa mga dambuhalang isda. Kakamiss din ang lechon sa lugar ng Cebu saka dried mangoes ganyans.
Ilocos
Sunod naman ang aking solo adventure sa northern luzon area, ang Ilocos. Eto naman yung biglaang byahe ko dahil kakaiba ang transition schedule ko sa work. 4 na Restday ang magkakadikit. Kaya ang ginawa ko ay nagwithraw ng agad ng pera, empake ng gamit at diretso sa bus station byaheng Ilocos.
Sa tulong ng isa din blogger friend na nag solo backpak sa ilocos, nakakuha ako ng phone number ng pedeng kontakin para sa matutuluyan at travel tricycle. So nag Ilocos Norte at Ilocos Sur Tour ako sa panahong ito.
Nakakamiss yung beach bumming sa pagudpod tapos kakain ka ng kornik ganyans tapos ikot-ikot sa Vigan na feeling mo nasa spanish time ka.
Davao
Dahil feel kong maging independent person sa pagbyahe kaya naman nakapag solo flight ako papunta sa Mindanao area which is Davao. Ang highlight ko sa byahe dito ay ang pagpunta ko sa Samal Island which is kinda secluded island na kokonti lang ang tao (during ng punta ko).
Payapa, tahimik, wala kang kakilala at lublob sa tubig lang at kain-kain ang ganap. Tapos kasama pa ang durian candy (nope, di ko triny yung fruit hahaha). Solb ako sa byaheng to.
Zamboanga
Last year, sumama ako sa byaheng Zamboanga with my friend at ang ganyang GF. Yes, 3rd wheel is life lols. So lumipad kami papuntang Mindanao area ulit at nagbeach sa Malamawi Island.
Kasa din sa byahe ang pagpunta sa Pink Beach na kilala ang Zamboanga at pati nadin ang pagdalaw namin sa Basilan. Payapa naman ang bagay-bagay ng magbyahe kami doons.
Batanes
At kasama sa listahan ang Breathtaking Batanes na talagang superb sa ganda para sa akin. Walang katulad yung scenery. Yung mapapa-woooooow ka talaga sa makikita ng iyong mga mata.
Eto ang lugar na walang krimen at talaga namang napaka-payapa ng lugar na ito. Kung pede lang talagang mag over-over-overstay dito noon o kaya dito manirahan, ginawa ko na. hahahahaha.
Shemps may iba din na place na nakakamiss tulad sa....
Siquijor
Masbate
Leyte
Sagada
Coron
Boracay
Siargao
Bohol
Iloilo
Bicol
Oh sya, hanggang dito na lang muna for Local Travels. Nektaym naman yung sa labas ng bansa.
Take Care!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???