Showing posts with label Green lantern. Show all posts
Showing posts with label Green lantern. Show all posts

Thursday, June 16, 2011

Khanto Review: Green Lantern Movie


Kamusta mga kapatid, kapamilya, kapuso, kabarkada, ka-Q at Ka-khanto! Elow pows! Sana ay oks na oks ang inyong layp. Anyway, di ko na patatagalin pa ang pa-intro epek ng post na ito at diretso na tayo sa main event. Eto ay walang iba kundi ang review ng pelikulang pres na pres na parang galing lang sa dudu ng cow.... Ang Green Lantern Movie.

As always naman kapag may movie rebyu ay andyan ang dalawang option na pede ninyong pagpilian. Ang i-close ang window dahil ayaw nio magbasa kasi manonood palang or magpatuloy sa pagskip read tapos sa huli ay sasabihingnice post at xlinks please. joke yun? uhhummmmm. 

Hokey na? Nakapagdecide na ba you kung tuloy o tigil? payn! Let's get it on.

Heto ay wento tungkol sa mga highly chever guardians na nagcreate ng pwersa na walang kinatatakutan, walang kinikilingan, walang prinoprotektahan, serbisyong totoo lamang! Sila ang bumuo ng group na so called Green Lantern Corps na pinapatakbo ng kaberdehan o itatago natin sa tawag na will power.

Guardians

Green Lantern Corps

Apparently, sa grupo ng guardians, may pampam na lomondeee at nag-inarte kaya ito ay naging outcast. Nakulong pero nangati ata ang pwet at nagising at kumain ng fear ng mga echoserong naligaw sa pinagkakakulungan nito.

Ang kalaban called planax este parallax ay may powers na mag suck (parang hambastosh lang) ng takot sa mga kalabs kaya naman it grew stronger  na parang nagcherifer. Aun, di na keri ng ilan sa green lantern member at may natigoks. May isang nakatakas pero na-injure kaya nag escape ito at inanod sa dalampasigan ng dagat tralala.

Owner ng ring na ipinasa sa bida

At dito papasok ang kwento talaga ng magiging bida. Ang bidang matipunong nagngangalang Hal Jordan (not related to Michael Jordan) na isang piloto ng ispeship/erplen. Sa pagkakalanding ng isang green lantern member, nag mini mini maynimo sya at inutusan ang ring niya na humanap ng karapat-dapat na owner. At poof. Napili ng ring hang bida.


"One ring to rule them all, one ring to find them. One ring to bring them all and in the darkness bind them. ". Grabecious ang power ng sex ring kasi kung ano ang nasa isip, yun ang pedeng gawin ng ring. 

Syempre tumakbo pa ang wento kung pano nadebelop ang amazing powers ng bida. Kung paano lumalaganaps ang evil thing at syempre bakbakan to the max and epeks. Kasama din dito kung pano nagkaroon ng kontrabida sa storya at kung pano ito pinuksa ng bida (alam naman na hindi natalo ang kalaban, sagwa naman ng ganun).

Dito nagtatapos ang bahagi ng synopsis ng wento kasi ayoko naman iwento lahat. Masakit sa daliri kung scene by scene ay idedetalye ko dito. Edi nakatipid pa kayo ng 180 sa sine. Nowiz! ahahaha.

So let's go na sa judging part... Judging part???? ano to contest? wahihihih. irarate ko ang movie from 1 to 10 at bibigay ko ang kadahilanan bakit ganun. okies??? hala, sige, basa na!

Drumroll puhhleeez.....dagadagadagadagadagadagadag.......

8.452395783463728473628100283645

O, wag ng umapela sa score... baket blog mo? joke lang. Sige, pede nio po i-round off to the nearest sumthing.

Heto na ang reasons why nasa otso plus ang iskor.

1. Maganda ang epeks. May mga gulat paktor kada bakbakan at mga chenes achuchuchu. (positive point)
2. Malinaw naman ang paglalahad nila ng pinagmulan ng Green Lantern Corps (check)
3. Hong gonda sa paningin ng kulay green... Panalo ang pagiging berde! (points ulit)
4. Hokey naman ang mga gumanap sa mga characters lalo na sa kontrabida (good)

Bida pa to sa movie pero kontrabida talaga

Kontrabida sa movie

5. May sundot ng slight comedy sa isang bahagi (pweydey)
6. Matutuwa ang girls at pa-girls sa bodilicious nung bida
7.  Mahusay ang sound epeks at akma sa movie
8. Walang sexy/ sex scenes sa pagitan nung bida at nung magandang leading lady (american movie ba to? hihi)

Wala man lang naked scene?

9. Parang walang naitulong ang ibang green lantern corps sa bida... Mga walang wentang corp (bitterness?)
10. Simula ay maganda, gitna ay exciting tapos pagdating sa dulo.... Watda?!!! parang yun lang yuns at ganun lang makakatalo sa hinayupak na kalabs? ahahah.

Overall okay naman ang movie at oks sya at sulit sa perang binayad sa sinehan. Mas lamang lang ang xmen ng konti pero good movie padin.

Di na pala namin inantay yung dulo after credits kasi wala lungs.... ahahaha. So hanggang dito na lang muna me at matutulog pa ako. Puyats. ahahaha

Enjoy this fruitful Friday at enjoy the weekend everybody. Kung manonood ng sine, enjoy watching at lalo na sa trailer ng mga upcoming movies :p!

Note: ang mga larawan ay nakuha sa google. Di ko pagmamay-ari :p

Friday, June 10, 2011

Coming Soon

Kung last month, ay ang lakwatsa day para sa akin, mukang this june at july naman ay ang movie month. ahahaahah.

Natapos ko na panoorin ang Kung Fu Panda 2 at ang X-Men at ngayon ay nag-aabang na lang ng araw para dumating ang apat sa mga inaantay na pelikula. 

Heto ang apats na movies na papadating at tatama sa pinas. Lols. Parang bagyo lang. :D

1. Green Lantern- Ang wento tungkol sa hero na nakakuha ng mahiwagang sex ring. Kinabog niya ang ring ni frodo dahil makapangyarihan ang kanyang ring (hindi wedding ring).


2. Transformers 3- Heto ang ikatlong karugs ng kwento ng mga malalanding sasakyan na autobots at decepticons. Ang kwento ng mga mahilig magtransform.


3. Harry Potter 7- Heto na ang finale ng kwento ni Harry Potter. Dito na ang bakbakan using spells like insindio, engorgio, felacio at iba pa. 


4. Captain America- Last sa list ang movie about sa lampayatot na naging hero. Heto ang kwento ng unang Avenger (hindi ng part ng starstruck).

Gusto ko lang ma-excite kaya naman nagpost ako ng ganto. lols. Can't wait!