Friday, January 18, 2013

Les Miserables

Yo! Waraps! May nakiusap sa akin na makipag-swap ng restday so imbes na sabado pa yung ikalawang single day restday, napaaga at ngayon ay pahinga mode ako.

Well, kahapon, after ng shift ko, dumeretcho muna ako sa mall para bumili ng foodie ko for today at sumabay na din ang pagbili ko ng DVD.

And dahil may nag-alok sa akin ng DVD copy ng isang peliks, sige, go na ako. Binili ko yun. Hekasi naman hongmohol ng sine, 211 petot. E sa halagang 100, may taklong peliks na ako.

Thus eto na magsisimula ang peliks na ibibida ko sa inyo. Ang palabas na Les Meserables (basahin bilang "Lei Miserab!")


WARNING: Kung di pa kayo nanonood at may balak kayong panoorin ito at hate nio ang spoiler..... alam nio na gagawin nio! Ipagpatuloy ang pagbasa! Joke! Sige, allowed ang skip read for this post. Pero don't porget to make comment. lols.














Desidido ka na? Okay simulans na natin ang peliks! 


Ganito kasi.... Isang araw, si Wolverine ay naghihila ng tali na nakadigit sa isang jumbo ship. Tapos kumanta sya. Tas may nakisabay na mga other naghihila ng rope. Then pinarusahan sya at pinag-initan ni RobinHood. Pero never say never si Wolvy kaya naman nakaalis sya sa kamay ni RobinHood.


Lumipas ang ilang taon. Nagkaroon na ng katungkulan si Wolvy using a different pagkatao and name. Nainlababo sya kay singing Catwoman na naging pokpokish at nagbebenta ng katawan para sa kanyang junakish na pinagkatiwala nia something. 


Pero emextra nanaman si RobinHood at nalaman na si Wolvy at yung mayor ay iisa so kailangan niyang dakpin ito. Pero madulas na parang hito si Wolvy at nakatakas ito. Nagdesisyon siyang kunin ang junakis ni Catwoman mula kila singing Bellatrix Lestrange at singing Borat. Kapalit ng ilang salapi, nakuha ni Wolvy ang pinakamamahal na anak ni Catwoman na si Cosette at sila ay tumakas.



Time goes by.... so slowly... char. Ilang year ang nakalipas. May kaganapan na revolution chuvaness (hindi daw ito yung French Revolution). Dito ipinakita ang isang singing boylet na isa palang galing sa mayamang pamilya na nais tumulong sa rebolusyon. Then nameet nia ang nagdalagang si Cosette na naging si Red Riding Hood.



Tapos pinakita ang singing revolutionaries. Then andyan padin ang di makamove-on na si RobinHood at emepalods. Nahuli si RobinHood ng mga revolutionaries pero pinatakas ni Wolvy. Tapos napatay ang mga nasa rebolusyon. Nakatakas si Wolvy at iniligtas si singing boy dahil eto ang PBBteen partner ni Red Riding Hood.

At nag-end ang peliks na nagpakamatay si RobinHood tas tumanda si Wolvy at sinundo ni Catwoman at nagkaroon ng kantahan kasama ng mga ilang natigok na revolutionaries. END!

Score: 8.8. Okay for me. Though nung una, di ko masakyan ang pakanta-kanta nilang kapekpekan while delivering their lines pero naging okay naman ang lahat nung nasa bandang gitna na at sa padulo. 

Swabe lang ang acting. Okay naman yung cast na napili for the different roles. Okay lang naman ang singing. Pero bakit walang nudity? charots. 

Ps: Ang post na ito ay isinulat na pakanta... kaya, re-read mo while singing 'I dreamed a dream', 'Who am I' at 'On my Own'..

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks! 

25 comments:

  1. nag skip read ako dahil papanuorin ko ito sa Monday with Zai and Joanne... hehehe...babalikan ko na lang at magfu fullblast backread then comment na full blast rin...


    ReplyDelete
  2. Waaah, I love Spoilers wahehehe :D Oh diba binasa ko talaga ang kabuuan haha XD

    I dreamed a dream in time gone by
    When hope was high
    And life worth living
    I dreamed that love would never die
    I dreamed that God would be forgiving
    Then I was young and unafraid
    And dreams were made and used and wasted
    There was no ransom to be paid
    No song unsung, no wine untasted


    Mejo alam ko na din ang story nitong si Fantine at ang buong cast ng Les Miserables. Nagbasa-basa ako ng background sa wikipedia haha.

    ReplyDelete
  3. totoo pla eto kla ko sequel lng kc un nkita kung poster eh c hugh jackman eh nka wolverine tpos un girl nka red riding hood. kla ko spoof. hehe. aus sa kwento.

    ReplyDelete
  4. yung scenes pa lang ni fantine, sulit na sulit na ko. pinaka malungkot na part yung nabaril yung bata. saklap.

    tawa ko ng tawa sa mga names na binigay mo sa kanila. wahahahahha

    ReplyDelete
  5. dapat sa umpisa pa lang sinabi mo ng pakanta pala to Khants, inulit ko tuloy haha :)

    andito din pala si Bellatrix at Borat! Ang turuy! :)

    ReplyDelete
  6. Hindi ko muna binasa kasi may kasama akong manunuod bukas. :D

    ReplyDelete
  7. dito nakitang magaling kumanta si anne hathaway
    at nainlove lalo ako sa kanya!
    pero di ko pa napanuod ung whole movie trailer pa lang hahaha

    ReplyDelete
  8. hindi ako mahilig sa musical kaya di ko type panoorin 'to.

    pero karamihan sa bloggers na nanood nito, umiyak. hehe.

    ang tanong: napaiyak ka rin ba dahil sa movie na to?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ako naiyak. busi ako sa pagluluto kahapon e

      Delete
  9. Yun eh! Napost na!

    Ayos ang pagrelate mo ng peliks dahil sinabi mo pa yung past characters ng cast. [bakit yung pagsulat mo yung may review?]

    pahiram na ng DVD DVD!

    ReplyDelete
  10. sa sunday ko pa papanoorin so di ko pa binasa hehehe

    ReplyDelete
  11. Dahil may disclaimer ka naman, skip read muna ako ha? Sa Monday pa kami manuod eh, hahaha! Pero marunong ako mag-follow ng instructions kaya comment ako, lol.. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagbabalik dahil napanuod ko na ang movie! Haha, kahit pala binasa ko to e hindi rin pala gaanong spoiler. Mahina pa ko sa names at faces, kaya natawa ako na pinakilala mo sila sa mga dati nilang roles sa ibang movies, napa-oo nga ako, dun ko lang na-realize kung sino sila. Gusto ko panuorin ulet, peram nun dvd mo, yung ibang lines kasi hirap intindihin, lalo na yung kyotang parang irish, accent kung accent e, di ko ma-gets yun kinakanta, hehe! :D

      Delete
  12. I love this movie much better kung panoorin siya sa dvd or bluray with subtitles para maslalo maapreciate ang movie at masmaintindihan

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???