Thank you for calling. Yan ang spiels ko kapag nakakatanggap ako ng tawag na nagmumula sa telepono sa opisina. Bakit ganun? di ko alam, at ayokong himayin. Pero as a person na tumatanggap ng calls, minsan naranasan ko na biglang may magtatanung sa akin kung ako daw ba ay taga-India. Nasa team India ako pero alam ko naman na pinoy ako. Pero bakit pag ang ibang kanuto/kanuta na tumatawag ay agad na nag-iisip na ang tinatawagan nila ay India?
Well, wala namang masyadong konek ang intro sa kontent. Slight lang. Dahil for today, ang aking ibibida ay ang US tv series na may pangalang 'Outsourced'. Ito ay tungkol sa isang American guy na nagwowork sa US callcenter at sa di inaasahang pangyayari, nag-outsource ang kanyang kumpanya at siya ay pinadala sa India para mag manage at magsupervise ng outsource team. Dito niya makikilala ang mga makukulay at iba-ibang tao na tumatanggap ng tawag mula sa americans at sila ay nagbebenta ng mga novelty items.
Ang sayang panoorin ito kasi iba-iba ang mga characters. May indian na sobrang tahimik ng boses na halos pipi na. Meron ding yung sobrang daldal na kapag bumuka na ang bibig ay wala ng preno ang kanilang kadadakdak. Meron namang naughty boy na nakikipagflirt sa mga customers. Andun din yung assistant manager na grabe ang pangarap na maging manager.
Seriously, nakakatawa at hahagalpak kayo sa paghagikgik at kakatigil sa pagbungisngis. Nirerekomenda ko to lalo na sa mga nalulungkot at dipris. :D
