A day before my birthday, tambay lang ako sa bahay habang nagmumukmok at dinidibdib ang frustrations sa pagpapa-asa ng Dragonica. Pero dahil kailangang magpakabait ay tinigilan ko na lamang ang paglalaro at binuksan ang tv upang manood nalang ng kahit na anong pelikulang ipalalabas ng local channel. Wala akong trip manood ng koreanang teleserye ng channel 7 kaya no choice ako sa mga pelikula ng abs. Good thing ay hindi FPJ films at hindi rin mga lumang movies kaya pede na. Good thing about sa movie ay korean movie siya. Ang titulo ng pelikula ay 200 pounds beauty. Para sa detalye ng movie, maaaring i-click ang LINK.
Anung kinalaman ng intro ko about dun sa movie na aking napanood last thursday? Well, actually medyo wala siyang konek. Trip ko lang isingit iyon. Pero ang totoo nian, ang mga naganap kahapon sa birthday ko ay hebigat.
Nais ko mang i-kwento ang bad-side kahapon ay no-cant-do kasi kailangang positive vibes lang ang matandaan ko para sa aking kaarawan. So heto ang mga bagay-bagay na talagang nakaka-touch at tunay na nakapagpasaya sa akin.
1. Dumagsa ang greetings for my birthday. When i say dumagsa, hindi siya parang ambon na 3 minutes lang. Bumuhos ang mga nag-greet. Nasiyahan ako kasi sa 2 or 3 years ko sa pagkakaroon ng facebook e ngayong birthday lang na ito ako nakatanggap ng more than 10 na greetings. Masaya ako kasi may mga taong nakaalala na bumati. Good thing pa ay kahit yung mga taong di ko naman super duper close ay nag-effort to greet. Ansaya sa pakiramdam na madaming nag-effort to greet. At meron ibang friends na 2x nag-greet dahil sa dalawang facebook account ko. (oo dalawa, isang personal at isang pang games).
2. Kung may facebook greetings, siyempre masarap din ang comments ng mga dumadalaw sa aking blog. Nakakataba ng puso ang mga bati mula sa mga taong sinusundan ko at binibisita. Imagine, ang mga friends sa blogosphere ay nagcomment para sa aking birthday. Masaya ako na kahit di ko pa sila nami-meet personally e parang antagal ko na silang friends sa pag-greet nila. Dahil sa greetings nila ay parang kaya kong isigaw sa mundo na hindi naman ako patay na bata at may friends ako from different places. :D
3. Another thing ay ang food. Hehehe. Syempre indi naman mawawala ang usapang lafang sa isang birthday. Ansaya dahil this year ay nakapag-effort akong mag-share ng food dito sa opisina. Last year kasi ay wa akong chance na magbigay ng appreciation token sa mga friends. Di ako nakapang-libre dahil tinamaan ng ondoy ang buhay ko last year.
Na-enjoy ko ng todo ang aking espesyal na araw kahapon. Katumbas ng 200 pounds ang ligayang nadama. Sobrang happiness and energy ang natamo ko at memorable para sa akin ang aking 24th birthday. Sayang lang at may pasok ako ng ng saturday at sunday kaya di ako nakapag-mall at makainom pero hindi pa naman huli... May another time pa to celebrate and be merry. Malapit ko ng malasahan ang "TAMA" at "Always Open"!!!
nakakatuwa naman yung number 2! pero tama ka.. parang ngang marami kang nakakalat na kaibigan sa ibat ibang lugar di lang sa pinas kundi sa iba pang mundo!
ReplyDeletecheers! happy birthday ule!
mabuti naman at natuwa ka sa mga berdey greetings mo.. sa isang taon ulit hehehehe
ReplyDeletehmmm napanuod ko na twice yang 200 echos na yan.. natouch ako dun sa concert nya na mismo.. wala lang.. hehehe
belated...
Pwede pa bang makahabol ng happy birthday?? Sinisisi ko ang blogger dahil hindi ko alam,, hanggang ngayon ay wala akong natatanggap na feed mula sa blog mo.. :D:D:D
ReplyDeleteHape berday tuyo,, hape berday tuyo..
ah! yun pala ang title nung pinanood ko sa pantry, kakatuwa~
ReplyDelete