Wednesday, October 20, 2010

Educational Show Noon


Sa telebisyon, andaming mga show na pambata. Andyan ang mga show tulad ng lakwatserang si dora. Meron din ang ubeng dino na si barney. Sumasama din sa listahan ang apat na abnormal na aliens na teletubbies. jumojoin din ang asong si blue. Meron ngang shows for kids pero masyadong kiddie show ito at not really educational.

Noon,sa channel 2 ay may educational shows na para sa mga grade school students para sa iba-ibang subjects upang makatulong sa kanilang pag-aaral. Eto ang listahan ng mga shows noon.



1. Sineskwela- Ang science show para sa mga students. Eto ang mga kung ano-anong lectures related sa biology, anatomy at iba pa. Okay na sana since oldies style pa noon, kailangan pang kiddie din ang dating kaya winelcome ang mga character na katulad nila Ugat-puno, palikpik, Kulitsap, agatom at anatom.



2. Math-tinik- Ay nakow, ang show na para sa mga mahina sa mga numero at pagbibilang. Eto ang palabas na nagdidiskas ng mga angles, shapes, additions, subtractions at mga rounding offs. Bagay na bagay ang show for number freaks.


3. Epol-Apple - This is the show specially made for students to enhance their vocabulary capabilities. Nosebleed much naman tong show na ito. Tuturuan ang mga chikitings para maayos ang pag-compose ng mga sentences at maayos ang grammar. Preparation ito para sa mga call center kiddies.


4. Pahina- Para sa mahilig sa pagbabasa, eto ang palabas na ginawa. Ang show na pinagbibidahan ni Carlo Aquino. Eto ay mga episodes na may relate sa mga kwento at istorya na usually ay gawa ni genoveva matute na kilala sa mga reading books sa iskul.


5. Bayani- Hindi ito show ng naging head ng MMDA. Nope, hindi rin show ng komedyanteng si Bayani Agbayani. Ito ay ang show na ginawa for history classes. Ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga bayaning pilipino tulad nila Makario Sakay, Rizal, Mabini at iba pa.

Eto ang mga shows na ginawa para kahit paano ay makatulong sa mga estudyante. Subalit, kailangang magpaalam ng mga shows na ito.

Wala lang akong magawang matino kaya nakapagsulat ako ng tungkol dito :p

21 comments:

  1. hmmm..halatang kapamilya ah! LOL

    ReplyDelete
  2. peyborit ko ang sineskwela tsaka yung OST nya hihihi

    @Paps mas magaling kapuso hmp!

    ReplyDelete
  3. Kapamilya on the block! hehehe

    Pati Wansapanataym panalo din :)

    ReplyDelete
  4. Promise yan ang humubog sa aking kaalaman noon!!
    at dahil sa MATHtenik naging favorite ko ang Social studies... wahaha anu daw???

    dagdag din bossing yung hirayamanawari...

    ReplyDelete
  5. Promise yang mga palabas na yan ang tumulong para mapadali ang mga subjects ko nung elementary at highschool pa ako.. astig!

    at dahil sa palabas na Math-tinik naging paborito ko ang subject na social studies... hihihi..

    ayos!

    ReplyDelete
  6. Naalala ko nung bata pa ko, yan ang mga pinapanood ko. Pero ngaun wala nang magandang Pinoy children's show dahil puro anime na at kung anu-ano pang wala ka namang matutunan.

    ReplyDelete
  7. Nung bata ako lagi ako nanonood nyan.. epektib naman kasi pag bata ka kaysa sa cartoons panooiring mo yan na lang educational show.. pipnaka paborito ko jan uny BAYANI... ung history???

    ReplyDelete
  8. naaalala ko pa dati lahat yan pinapanood ko. pinagusto ko pahina. :)

    ReplyDelete
  9. Wala iyong Hiraya Manawari, saka iyong Wansapanataym,, pwede mo na rin naman iyon isamang edu-shows, hindi ba??

    Ayokong-ayoko talaga nung epol apple kasi napakasimpleng grammar construction lang ang ginagawa, mas nagustuhan ko pa iyong Karen's World sa *anong channel nga ba iyon?* Iyon panalo!! :D:D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  10. go team kapamilya :P

    like ko rin yung wansapanataym. ayan napakanta tuloy ako...."wansapanataym sa ating buhay, napawi ang lumbay napuno ng kulay..." LOL

    ReplyDelete
  11. Batang Sine Skwela.. tayo na sa sine skwela tuklasin natin ang siyensya. waaaaaaaaah.. nakakamiss..

    ReplyDelete
  12. Where's my favorite HIRAYA MANAWARI?

    ReplyDelete
  13. oo nga nasan na yung hiraya manawari, yan din ang paborito ko!lalo na yung tenga ng rana, at ang si tarat at si tirit!hahahah

    See i told yah bata pa ako!hahaha

    Ingat

    ReplyDelete
  14. @hArTLeSsChiq, uu, kapam ako nung bata aq.

    @Paps, uu, okay ang abs for educ show

    @jepoy, heheh. syensha-syensya, mag-imbistiga tuklasin ang hiwaga sa syensya. :D

    ReplyDelete
  15. @MD, wansapanatym ni-revive na ng dos :D

    @poldo, mathtinik for social studies talaga :D

    @last year inilipat yan sa studio 23 kaso di na mabenta

    ReplyDelete
  16. @will, sayo ung comment about sa studio 23, nakalimutan ko lagay name mo.

    @halojin, bayani, ung nag-uuwi sila ng items ng heroes.

    @karen, Maganda pahina kaso kulang episodes.

    ReplyDelete
  17. @michael, hiraya manawari at wansapanataym. :D values ang tinuturo

    @bieberlake, yep.

    @sikolet, heheh, napakanta sa wansapanataym

    ReplyDelete
  18. @kazumi, sineskwela girl ka pala

    @glentot, Hiaraya manawari pala fave mo. :D

    @drake, tenga ng rana ung kwento nung may tenga ng baboy ung rana

    ReplyDelete
  19. Awww wala yung favorite ko na Hirayamanawari.

    Gusto ko din yung Wansapanataym. Hehehe.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???