Saturday, October 2, 2010

Recent Movies

 
Last September, medyo nakadami ako ng pelikulang napanood. Actually hindi ko ito napanuod sa big screen subalit napanood ko ito sa dvd na binili sa quiapo o kaya nakita sa isang folder dito sa opis at kinopya lamang. Dahil wala naman akong masyadong maikuwentong drama o humor o kung anung anik-anik ay minarapat ko na lamang ilista ang ilan sa mga medyo luma at medyo bagong movie na aking napanood.


1. Letters to Juliet- Ang kwento tungkol sa isang babaeng enggage na at mag-prepre-honeymoon sa isang romantic place. Sa di inaasahang pagkakataon, ang fiance niya ay masyadong busy-busihan sa work. Napadpad siya sa isang place kung saan ang mga kababaihan ay sumusulat ng mga hinagpis at humihingi ng payo. Natuklasan nia na may grupo ng kababaihan na nagrereply back sa mga tingle ladies. And so one day, may natuklasan siyang sulat na over old na, 50 years... imagine?! (parang angel locsin commercial lang). Ang sulat ay about sa isang girl na hindi nakasama ang lalaking nakapaglaglag ng panty nia at nagpa-tibok ng kanyang bonggang-bonggang puso. Nag-meet ang letter sender at ang female joe d mango at may i help naman to find true love. Along the way, nakahanap ng pagtinggin si girl sa apo ng letter sender. So in the end, naging mag-jowawits ang dalawa at nagkita ang lolo romeo at lola juliet.
 
 
2. Diary of a Wimpy Kid- Isang kwento ng batang papasok na sa Middle School. Ang batang bida ay medyo nagnanais na maging cool na bata at nirarank ang sarili sa upper rankings. May best friend siyang medyo childish. Sa pagnanais niya na maging uber cool at popular, ang mga effort niya ay nagdudulot ng kabaligtaran na epekto. Sa story nagkaroon pa ng conflict between da bida at ang best pren na nakaalitan. But in the end, happy ending naman. :p
 
 
3. Dear John- Ang kwento ng nalaglag na bag at kinuha ni guy para matulungan si girl. After ng heroic deed, boom, instant labteam na ang nangyari. Kaso nagkaroon ng problema. Si guy ay souja boy pala! So ipapadala sa kung anung anik-anik na mission ang boylet habang ang girl ay naiwan at waiting in vain. Only means ng communication ay ang pag airmail o sinaunang pagsusulat ng liham. Sulat dito, sulat doon. Aba, parang di kinakalyo ang kamay kakasulat. Then, huminto ang pagsulat ni girl. Nagalit si boy. Nagpaka-hero at nagtodo pa-extend sa mission. Kinasal na pala si girl pagbalik. Ang napangasawa ni girl ay friend din nila na may cancer. Since deadbols ang ama ni boy at may collection ng mga coins, binenta nia ito at dinonate para mapagaling ang asawa ng ex-jowa. Ayun. Pero in the end, nagkita padin ang dalawa at naging sila.
 
 
4. Grown Ups- Ang movie na puno ng katatawanan. Ito ay ang pilikulang pinagbibidahan ng mga funny actors. Ito ay tungkol sa magkakabarkada na umattend sa burol ng kanilang basketball coach. After ng burol, nagkaroon ng famiuly bonding at doon nagsimula ang lahat. May person na since sumikat at yumaman ay nais niyang makaranas ng normal na buhay ang mga anak. Mayroong person na ang anak naman ay medyo matanda na pero dumedede pa sa boobies ng kanyang ina. Meron din ung taong inlab sa mas matanda sa kanya at may isang person na hirap makausap ang asawa kaya mas naeenjoy na makausap ang katulong. At the end of the movie, may lessons at aral din na matututunan.


5. Cinco- Ang namumukodtanging tagalog film sa aking listahan na napanood. Ito ay isang horror-horroran na pelikula. Bakit cingko ang pamagat? Kasi 5 episodes na kinabog ang shake rattle and roll na 3 episodes lang. Ang mga kwento ay tungkol sa grupo ng guys na may inisiyasyon sa isang fraternity na mag-stay sa isang morgue pero it turned na sa morgue ay may kamay na nabuhay. Nandakma pa ang hinayupak na kamay. Next naman ay kwento ng ina na minulto ng batang ninakawan niya ng sapatos at naaksidente. Haunt and revenge ang drama at ang kapalit ay paa ng ina. Then ung malditang amo na sinesante ang janitor. Nagpakamatay si manong johny at minulto si amo. Then may magjowa na nag-u-turn at ang jowa ay may nabaril, sa pagsisinungaling, laging nag-dedejavu at in the end, ewan. Last ay ang kwento ng panggagayuma ng chakang babe sa hunky crush nia. Apparently, nadeds ang guy pero epek padin ang gayuma at hinabol padin si chaka. Nasimulan ko na kaya tinapos ko nadin ang movie na ito pero 2.5 ang score nito.

Hindi ko na isasama sa listahan ang Titanic 2 dahil napaka boring at iniskip-iskip ko nalang kasi nakakatawang ewan lang. :D

7 comments:

  1. parang gusto kong panuorin ang letters to juliet na yan.. mukhang maganda..
    ang dear john, ayoko panuorin kase baka gumawa ako ng comparison nabasa ko na kase yung book..
    cinco? di na lang.. hehehe tatot ato eh!

    ReplyDelete
  2. Isa lang yung napanood ko dito.. yung grown UPs.. tapos yung Diary of a Wimpy Kid napanood ko yung trailer nya dyan sa pinas.. Comedy ba yung genre nya??

    Yung dear john gusto kong panoorin dahil fanatic ako hindi ni Channing Tatum kundi ni Nicolas Sparks.. meron book yung room mate ko dito gusto kong basahin hihihi

    ReplyDelete
  3. Buti napaalala mo at idadownload ko ang Letters to Juliet.

    Yung Diary of a Wimpy Kid naman ay nagustuhan ko. Maganda yung moral lesson eh.

    Yung iba parang di ko trip. Yung Dear John siguro baka patulan ko pa. Hahaha. And Titanic 2???? Wahahaha.

    ReplyDelete
  4. @yanah, comedy ung cinco, di sya horror.. heheheh

    @poldo, medyo comedy ung wimpy kid.

    @robbie, Try mo titanic 2.... madidisappoint ka, wakekekek

    ReplyDelete
  5. Looking forward pa din akong mapanood kahit isa man jan sa mga movies na nilista mo :)

    ReplyDelete
  6. Napanood ko na yung Dear John, ayos naman, pero parang gasgas na yung istorya. Balita ko maganda raw yung Wimpy Kid, kaya yun ang susunod kong papanoorin. Salamat sa post mo!

    ReplyDelete
  7. @fiel, recommended ko wimpy kid, wag yung cingko at lalo wag ang titanic 2.

    @will, medyo gasgas na nga wento ng dear john

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???