Wednesday, October 6, 2010

One Piece Amazing Log Collection


After a month na walang masyadong update sa bandai-asia.com, akala ko wala ng bagong i-rerelease na One Piece collectibles. Pero mukang nagkamali ako dahil pagkasilip ko sa site nila ay merong bagong laruan na One Piece.

Ang bagong toy release ng Bandai para sa One Piece ay ang Amazing Log Collection. Eto ay ang pinag sama-samang mga characters ng OP kasama ang iba sa mga character na kasama mula sa chapter ng mabihag si Ace hanggang sa paglusob ng Whitebeard pirates sa Navy HQ.

Ang di ko lang tiyak sa laruang nirelease ay kung sa isang box ay naglalaman ng apat na figures o 1 characters each. Ang medyo down side ng bagong release ay hindi siya colored. Shade of flesh and blue lamang ang laruan.

Luffy, Zoro, Franky and Brook

Nami,Usopp, Ace and Shanks

Sanji, Chopper, Ben Beckman and Buggy

Robin, Crocodile, Whitebeard and Dragon

Smoker, Don Flamingo, Blackbeard and Laboon

Kung ang pagbabasihan na price ay ang last months new release na OP toy dito sa pinas, Siguro magkasing presyo ito na magkakahalagang P180 per box. Pero kung sa usual pattern ng mga price ng OP collectibles na ni-release dito sa pinas, mukang tataas ang halaga at baka 190 per box or 200. May times naman na di binibili ng mga toy stores ang sa tingin nila ay di kakagatin ng collectors kaya maaaring abangan ang ganitong set sa mga toy conventions.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???