Wednesday, October 27, 2010

Zillionaire



'I wanna be a Zillionaire so fricking bad; buy all of the things I never had'

Nung isang araw ko pa sana nais isulat ang bagay na nakapag-pester sa akin. Lunes na lunes ay tinamaan ako ng ngitngit at galit sa bahay.

Babala: Laktawan ang post na ito kung super ganda ng araw mo at ayaw mong masira ng kwentong rants. Close that window and start hopping muna sa ibang blog. Anyway, umpisahan ko na para matapos na.

Last monday, after ng shift na okay lang naman kasi hindi gaanung madami ang calls at walang nakakabuwisit na mga problema ng clients o nakakabanas na client mismo ay diretso na ako para umuwi at makalaro at makapagpalevel ng aking character. Okay ang lahat kasi nakabili pa ako ng chocochums na chichirya na mangangata habang naglalaro at c2 apple na pamparelax at panulak. Pero as usual, sa panahon ngayon, panahon nanaman ng suddenly. Lecheng suddenling yan. It spoils the fun!

Araw ng eleksiyon kaya walang pasok ang karamihan, so ang aking pirents ay nasa bahay lamangs. So while doing my normal facebook-dragonica-tv-kain-hilata mode, biglang enter ang mudra na nagsabing mag-out daw ako ng kadatungan o magwidraw ng pera dahil pambayad ng meralco. Plak-plak-plak... Unting nagpanting ang tenga ko. Ang eardrums ko ay tinatambol. Huwat? Pinag-wiwidraw ako ng 3.5k pambayad ng kuryente.

Ako: anu nanaman yan!!! tri-payb?
Mudra: Hindi 10k!!!! sinabi ko na ngang tri-payb tapos tatanungin pa kung 3.5k?!!!

Sumanib ang hinayupak na petrang kabayo sa katauhan ng mother ko. Lechugas!!! Habang nag-iisip kung dapat ba akong magbgay ng pera ay mega-excuse naman ang aking ina.

Mudra:  Si ate mo hinihingan ko ng 3.5 para pambayad pero sabi nia wala daw pera. Max-out na daw ang kanyang kridit kard.

Mas lalong nagpanting ang eardrums ko sa nadinig. Aba, ang hayuf na sister ay wa daw pera  at max out ang kridit card. Lechugas talaga! May perang pambayad sa hotel na kinainan nia nung gabi at ober pasaload at di kayang magpaload sa sariling cellphone ay wa datung?!!! Come on?!!!! Seriously?!!!! Lintek! May kayang lumamyerda at magpaka-annie batungbakal na nagpapakabongga ay walang share sa house. Nakapagpa-book ng pang Davao para sa bday ng mudra pero itlog ang laman ng pitaka?! Puchanggalata talaga!!!!

Syempre wa naman ako magawa kundi umupo sa isang sulok at mega-cry (joke). Badtrip kasi saktong 3.5 ang laman ng wallet ko. Ano ito, may premonition kung magkano ang amount sa aking green wallet. Wa ako ma-say at mega-abot nalang ako. But before giving the amount, sinigurado kong babayaran at irere-inverse ang aking kadatungan. Aba, mahirap na. Ang magulang kasi madalas uutang at ipapalista sa tubig. Ho diba, kalurkey lang kasi kahit anung lista mo sa tubig, walang traces. Para kang mabubudol-budol at nalaslasan ng bag sa mga jeep.

Nakaka-badtrip talaga kapag dihins ka mayaman. Hays! I want to be a zillionaire!!! Yung nuknukan ako ng rich na kakabog sa kayamanan ni richie-rich. Yung mas angat pa sa richness ni bill gates at ng creator ng pesbuk. Gusto kong maging rich!!

Anung gagawin ko pag rich na ako? Aba, syempre kahit isang milyon pa ang i-give ko sa parents ko para matahimik lang sila. At ihahambalos ko naman ang dos por dos na kakapal na datung sa bratinella kong sister para manahiik na din ang kaasar na maldita. Kahit yang pesteng meralco ay pede ko na din bilhin para tantanan na kami sa mga disco notice!!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kelan ba darating ang december para makakuha ng bonus. >($$,)<

3 comments:

  1. whaha yun lang..... para yumanan u need to do business right hehe :D

    ReplyDelete
  2. Ano nga ba't sikreto ng mga business magnates dito sa bansa natin at sukdulan ng yaman mula sa pagiging mahirap?? Parang may mali e..

    Oo nga pala, nakita ko iyong isa mo pang blog.. LOL, pareho tayo ng theme.. Hahahah,, :D:D:D:D

    ReplyDelete
  3. Nakakarelate ako.
    Parehas tayo ng ate at seryoso ang sarap saktan. Wahahaha.

    Huhuhu gusto ko din yumaman. T_T

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???