Thursday, October 21, 2010

Pain



Napakasakit, kuya eddie. Antagal kong tiniis ang kirot at sakit. Mahigit isang linggo kong kinikimkim ang pain. Kahit nung birthday ko masakit pero kailangang maging okay ang lahat. Masakit man ay kailangang labanan.

Ang punyemas na molar tooth ko ay nananakit nanaman. Eto yung ipin na dapat binunot last August pero na-delay dahil tila tinamad ako, napre-occupied ng paglipat ng building at nawala ang sakit. Pero kahit nawala ang kirot ng dalawang buwan ay hayun at bumalik ang sakit. Nakakabadtrip na lulubog-lilitaw ang hapdi. Putragis na tuwing hapon sya unti-unting magpaparamdam hanggang mang-inis dahil mahirap makatulog sa gabi.

So kahapon, diretso na ako sa may kanto sa aming lugar at hanap ng new dentist. Di na ako bumalik dun sa magandang dentista kasi na hiya much ako kasi di ako bumalik sa day na dapat bubunutan ako. Dun ako sa halos katabi niyang dentist.

Pagdating sa clinic, wala pa ang dentista pero andun na ang parang back-up assistant niya. Mega chika si ate about sa pain. Actually dun ako napahiya kasi tinanung niya ako kung uminum ako ng gamot. Sabi ko oo, ung ponstan 250. Gulong si ate at natawa dahil daw sa laki ko ay bakit 250 mg lang ininum ko. aba, malay ko ba. takot ko lang ma-overdose. Para di masayang ang time ng pag-aantay ay nagpa-general cleaning ako. Laking ginhawa.

Then dumating si doktora. Nag-inject na ng anestisya. Grabe. Kabado ako kahit madaming bunot ng ipin na ang napagdaanan ko mula bata. Buti ay may bait factor at easeness sa clinic. Since medyo may sakit pa ang pag-clamp ng ipin ko ay nagpa-inject pa ako ng 2nd anestisya. Aun, no more pain. Para di ako takot na takot, si ate helper ay hinawakan ang ulo ko in place habang si dok ay binali ang ipin ko at ginawang puzzle kasi di na daw kayang bunutin in one piece lang. After 10 minutes, huwaw, wala na ang ipin ko. Amazing. So niresetahan ako ng 500 mg na mefanamic acid at kumain ng malalamig na food.

Sa wakas, no more pain kaso mahirap lang kumain dahil kailangang iwasang malagyan ng mga kanin at food ung hukay ng tooth ko. Pero infairness, ice cream mode ako today. :D

14 comments:

  1. mahirap nga yung ganyan. lalo na kapag malamig ang panahon, nanunuot din ang sakit nyan. buti naman napantanggal mo na. no more pain kuya eddie na ang dramarama mo.

    takot din aong magpabunot ng ngipin. hindi pa ko nakakapagpabunot ng ngipin, nabunot lang nung bata ako, hinihili ko hanggang sa kusa siyang mabunot hehehehe

    good morning

    ReplyDelete
  2. Waaaaah. Masakit nga yan. A few weeks ago sobrang sumakit yung ngipin ko.... kaso di talaga kasi ako pumupunta sa dentist so ako ang humila sa ngipin ko. >_< Super sakeet. Although naiwan pa syempre yung root sa loob. Tapos tama nga na mas masakit tuwing may pagkain na napupunta dun sa hukay. Halos everyday ako umiinon ng Ponstan nun. At least 3 Ponstan 500mg a day. Adik lang.

    Pero okay na ngayon. Syempre matigas pa din ang ulo ko at hindi nagpapatingin sa dentista. Hehehe.

    ReplyDelete
  3. naalala ko yung Lola ko nung bata pa ko, kelangan daw alagaan mabuti teeth namin kasi nga daw pag sumakit parang buong katawan ang sumasakit.
    Hmmm, siguro dapat avail ko na rung free dental check-up namin.

    ReplyDelete
  4. huwaw! ginhawa nga naman tlga yan! hehe! Pengeng ice cream! :)

    ReplyDelete
  5. Kapag ganyan, nilulunod ko sarili ko sa ice cream hanggang sa mapurga ako.. :D

    ReplyDelete
  6. takot din ako sa dentista.. pero pag maganda ang dentist potek!! aaraw arawin ko sya! kahit maubos pa ang bagang ko! hahahaha!

    ReplyDelete
  7. ahahaha :) pasalamat ka hindi naging babae at walang kang chance na ma-cesarean... wala lang, experience ko lang.... nung na-CS kasi ko, mga 7 beses ata akong sinasaksakan ng anestesia sa likod kasi hindi tumatalab... bukod pa yun sa 3 maling tusok ng swero sa kamay ko... torture!

    ReplyDelete
  8. uhm ang pinaka ayaw kong sakit ay ang sakit sa ngipin. bahahahaha..

    tama amganda ang icecream sa ngipn. bwahaha

    ReplyDelete
  9. @yanah, hindi ba masakit pag hinihila? ouch

    @spiderham, magaling na ipin ko :p

    @robbie, heheh, sariling sikap/ bunot

    ReplyDelete
  10. @yodz, tama ung lola mo. buong katawan nadadama ang pain.

    @behn, ubos na pre.

    @axl, sarap at yummy ice cream nga

    ReplyDelete
  11. @michael, di pedeng magpalunod eh, tonsilitis naman ang next.

    @an_indecnt_mind, hala, ubos ipin mopag sexylicious si doc

    @ellenjoy, ouch... mas masakit CS

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???