Change is constant, yan ang tumatak na linya sa akin mula sa isang training na aking inatendan noon. Ito ang mga kataga na binanggit upang tanggapin na walang permanente sa mundo. Mayroon at mayroong pagbabago.
Sa ibaba ang larawan ng unang team na aking kinabilangan sa opisina at ang bagong team na aking pamilya ngayon.
Team Bravo ang kauna-unahan kong team. Dito ako nagtagal ng halos dalawang taon. Sila ang nakasama sa pagsuporta ng mga pips na nagkakaproblema sa kanilang computer dahil sa virus o kung ano-anong problema. Ang iba sa mga members na nasa itaas ay resigned at ang iba ay na-promote na sa ibang posisyon samantalang ang iba ay nalipat ng ibang team.
Team India ang bagong pamilyang kumukupkop sa akin ngayon. Actually, may mga ka-team ko noon sa bravo ang kasama ko din ngayon sa india. It's a good thing dahil di masyadong super-duper adjustments. Okay din ang new family ko kasi mababait din sila. 2 months palang ako sa team na ito pero it feels like half a year ko na silang nakakasama.
Sa mga darating na buwan o taon, di ko alam ang susunod na mangyayari o mga pagbabago pero ang alam ko, kahit na anong pagbabago, kakayanin ko. :D
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???