Thursday, March 8, 2012

FU


Hello! Kamusta naman? Hopefully goodvibes kayo mga peops. Dapat di kayo naiinis, dapat di nagagalit, dapat di naiirita. Wag akong tularan kasi it's rants post for today. wahahahaha.

Babala: Ang post na mababasa ay may temang maaring makahawa kaya naman sa mga goodvibes and positive persons, baka hindi ito ang tamang panahon para magbasa ng post ko. Pero kung keri mo naman ang mga reklamation, sige, go.




Reydi na? Hinga muna ng malalims. hehehe.

Eto na.

-Nakakainis yung naging transition ko na mula monday-tuesday na restday ay magiging Thursday-friday na. Aun. Split RD ang nangyare. Nakakabadtrip kasi yung di mo maenjoy ang araw ng pahinga kasi paisa-isang araw lang. 

-Tapos sa opis naman meron dapat na meeting na last february pa naka-plan pero di matuloy-tuloy dahil sa mga pangyayare katulad ng biglang pagkasakit ng supervisor o kaya naman biglaang may queue o kaya inireschedule pero sa new schedule ay restday mo naman. Hays. Yung feeling na gusto mong sumigaw na wag na lang kayang ituloy!

-Pero ang pinagpupuputok ng buche ko ay yung ibang peops or group sa opis naisisingit yung meeting nila. Yung tipong kahit magkaroon ng queue ay keri lang. Tapos aabot pa ng 3 hours yung meeting ng ibang groups tapos sa team nio, di mapagbigyan.


Tapos sa bahay naman, ganto ang eksena. 

-uuwi from stressful work tapos sa bahay madadatnan mo na may sumusugaps sa computer at internet.

-Tapos bigla mapagtritripan ng kapatid na magluto-luto eklat tapos pipicturan tas ipopost nia sa pesbuk. Ang nakaka-inis, sisingit kasi ililightroom nya yung hinayupak na larawan.

-Anong mas nakaka-irate? Yung after 5 or 10 minutes eepal nanaman at sisingit para icheck daw kung sino na nag-like at nagcomment sa picture! Angpupu. sarap magwala lagi kapag ganito ang eksena.

-Hindi lang yown, ang nakakairita, wala na ngang work yung kapatid ko at mostly naman ay nasa bahay sya pero grabe kung makabox-out sa internet!



Ay naker, kung super warfreak lang ako at masamang blood ang dumadaloy sa akin, baka lagi akong nasa baranggay at madami na akong police report.

Well, this post will self destruct after 24 hours. hahahaha. gaya-gaya ako sa istayl ni idol jepoy. lols. Baka mabasa ng aking eps na sister.

O cia, TC!

9 comments:

  1. Puso mo..normal life yan dito sa atin. Pag naiba, alien kana at para san pa It's More Fun in the Philippines". hehehe! Keribels yan!

    ReplyDelete
  2. ang puso mo,, cool lang ako nga eh 6 days ang work ko at 1 lang dayoff

    ReplyDelete
  3. hay naku kainis nga yang ganyan. dapat inilalock ang pc o laptop

    ReplyDelete
  4. haha natawa nama ako dito. ehem..chill ka lang kuya. =D

    ReplyDelete
  5. buddy relax.take a deep breath.Life is beautiful.

    ReplyDelete
  6. hihihi sana okay ka na..sending you good vibes! happy weekend! :)

    ReplyDelete
  7. iinum na lang natin yan khants... haha


    cheers!

    ReplyDelete
  8. sama naman minsan sa inom hehe :) kalma lang sir, ang presyon mo!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???