Wednesday, October 17, 2012

This Guy's in love with U Mare

Yo! Warraps! Kamusta ang mid week ninyo mga fifol of the filifins? KK naman ba? Hope na okay keyo, gusto kasi ni manong johnny ay happy ka. Anyway highway, kahaps ay restday ko (well, technically etong mga sandaling ito ang rd ko, gabi) pero nagpower-sleep lang ako at nagmall para naman masulit ko ang restday. At ang ginawa ko, nanoods me ng peliks.

Therefore, dapat memorize na memorize nio na ang mga susunod na kaganapans. Tumpak, check na check, perfect na perfect ang kasagutan ninyo with matching corrected by at signed by yours truly. Tama! Today ay movie review-reviewhan nanamans.

So ano bang peliks ang avail kanina sa sinehan? Well may english, may action, may animated. Pero dahil maugong ng slight at nadidinig ko sa mga mga magjojowawers sa opis na nanood daw silang mga folks ng tagalog peliks, ergo, nagtagalog peliks din ako. I'm so gaya-gaya-sotto-maya kaya. So bumili me ng forever alone ticket at nanood ng........ 'This Guy's in Love with U Mare'. Kill me now!!!


Okay, so kung me mga balak pa kayong readers na humabs at kumembot at tumambling sa sinehan upang panoorin to, pede na kayong umalis dahil baka ayaw nio ng ispoiler sorta. Pero kung mapilit ang singit, then let's go-sagow!

So ganto kase, may isang charuterang skinny-tall-beki na F na F(feel na feel) dahil may celebration ng 3rd year anniv with straight-daw-like-ruler na bowa. Mega handa pa si beks with matching dinner eklat and may atikopong-singsing para kunwari may proposal na kaganapan to make envy his/her bekirangers.

Pero, nasira ang precious heart moment ni beks dahil nakikipag-split na ang bowa niya. Ayaw na ipatikim ang hotdog at itlog dahil naki-join sya sa landas ni Pnoy na daang matuwid. Gusto na ni boy ng kropek-pek-pek, ng kropek-pek.

Apekted much ang drama ni Bekilou Blanco at nag crayola at cry me a river. Then, nalaman nia na ang boylet nia, ay may hinahabol na nga na girlaloo. Wasak na wasak ang puso ng beks therefore nagkaroon siya ng plan na kung di niya makukuha ang ex-boylet, gagawa siya ng paraan para mag split at magdibaydibay-2 at  magbreak ang dalawa.

And so, ang plano ng beks ay landiin ang nilalandi ng kalandian niya dati. So mega palit-anyo at nag moon crystal power make-up naman si beks at paminta ang transformation, so kumanta sya ng if i were a boy...sabeh? 

Pero mukang umeepek ang pang-chechever ni beks kasi napapalaglag panty niya si girlay at mukang nahuhulog na ang pechay! May gas abelgas!

Pero, syemps, walang lihim na di nabubukelya. So nagkaalaman na si beks ay nag-try magpaka-boy para magwarla si real girl at real boy at baka sakaling mabawi ang kanyang boy-toy.

Ansusunod? secret!!!! Aba, sayang ang 191 pesosesoses na ginastus ko sa sinehan kung wewento ko lahat-lahat diba? Abangan nio na lang sa local tv dahil tyak, ipapalabas din yan. :p

Ang hatol? 7! oo, syete lungs! Eksaherada yung mga ansabeng mula umpisa hanggang dulo ay nakakatawa. I don't know, kahit inihanda ko na ang kababawan ko at inilabas ang pagkajologista ay konting tawa at harhar lang ang ganap.

Yeah, it's funny, but maybe because the punchlines and the delivery is common. Yung eksenang naririnig muna at nakikita sa telebisyon yung ganung banat na it prevents you from giving a god damn laugh.

The spoofies are so-so, pero parang medyo sablay yung added pa-comedial effect kaya damaged goods din ang epekto.

Okay sana ang story, kung story lang ang pagbabasehan ko. Pero syemps, totality ng peliks ang huhusgahan e. So keri na yang 7.

O cia, hanggang dito na langs muna. Take Care! 

12 comments:

  1. Kakanood ko lang neto kanina and yes I agree mejo waley nga...parang bitin nga yung tawa...

    ReplyDelete
  2. sikat lang ang mga gumanap kaya bumebenta. hayyy

    ReplyDelete
  3. haha di ko feel si vice di ako natatawa sa kanya so di ko na inattempt na panuorin to hihi

    ReplyDelete
  4. awts, bitin naman ang movie review harhar! aabangan ko na lang yan sa dvd sa quiapo... oops! haha XD

    ReplyDelete
  5. ayy 7 lng kala ko nmn super nakakatawa napanuod ko na ung trailer ee dun pa lnag slight tawa much na ko

    ReplyDelete
  6. Mas bagay talaga si Vice na adlib lang. Pag may script na, parang nababawasan yung comedy niya e.

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  7. korek. sabi nga nila hindi masyado maganda to. nadala lang ng namesung ng mga artista.

    ReplyDelete
  8. cant afford to go back pinas to watch wait na lang me if anyone will download it..

    ReplyDelete
  9. natuwa ako sa movie, pero tama ka, nothing new sa mga hirit o delivery ng lines.

    ReplyDelete
  10. "...landiin ang nilalandi ng kalandian niya dati."

    Siguro mas matatawa pa ako basahin 'tong review mo kaysa panuorin yung peliks, kasama ng isang malakingbag ng kropek-pek. XD

    ReplyDelete
  11. parang ang mga hirit ni vice e parepareho lang.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???