Tuesday, July 2, 2013

Texas Chainsaw and the Collection

Hello Minions! Kamusta kayo guys? Uyyyyy..... bukas ay showing na ang Despicable Me 2 at makikita na sa big screen ang mga lovable yellow potato-like thingy called minions.

For today, hindi muna cutie-kiddie kinda film ang featured...... Kasi horror/gore film ang pelikula for today.

I know ang karamihan sa visitors ng blog na ito ay di feel ang ganitong klaseng film so pasensya na muna..... sadyang hilig ko lang ang ganitong genre pagdating sa filmies. Dalawang peliks ang featured for today.......

Ready?.......

1. Texas Chainsaw Massacre 3D


Ang pelikulang ito ay sequel sa original Texas Chainsaw Masscre wayback i dont know when....

Ang kaganapan, nagkaroon ng confrontation sa pamilya nung pumapatay ng tao at hinihiling ng pulis na isurrender yung killer. Pero sa kasamaang palads, ang townsmen ay sumugod at minassacre at sinunog ang kabahayan at tila inubos ang pamilya nung killer. Walang nakaligtas except isang bata-batuta na kinopkop at inalagaan ng isang mag-asawa.

Years past, lumaki yung bata, naging kinda horny girl. At nalaman niya na mayroon siyang granny. And nalaman niya na pinamanahan siya. Emergerd. So kasama ang kanyang friendships, travel sila sa hometown ni lola.

At doon nag-unravel (wow, big word) ang misteryo. It turns out buhays pa yung original killer at naisa-isang pinatay ang mga kasama ni girl.

wooooops.... hanggang dito lang ang wento sa movie.

Score: 8

Keri lang. Not super gore. Hindi gaanong madugo. Sakto lang. Walang walastik na killing scene. Walang makatindig balahibong pagpaslangs....

2. The Collection


It turns out isa ding sequel itong film na ito ng peliks na di ko napanood. Pero oks lang, may wiki naman saka medyo di naman gaanong relate much ang 2nd movie.

The movie goes kung saan may isang girlay na nagpunta ng isang club para magparty-party at magdance-dance sa dancefloor.  Until mahuli niya ang kanyang boypren na andun din at nakikipag-kissy-kissy sa ibang girl.

Nasaktan ang damdamin ni girl at nagtampororot. Whilenag-eemote si girlay, di niya alam na may karumal-dumal na magaganap sa bar na pinuntyahan nila. May bloody killing spree from a person na collector ng mga body parts shenanigans.

At naganap ang pagpatay sa mga tao! Talsik dugo, andaming nagkandalasog-lasog na bodies at nahiwang mga katawan. Ang tanging nakaligtas ay ang kinidnap na girlay na trip pala ni collector at ang nakatakas na guy na tila mula sa pers movie.

Then si guy ay pinakiusapan na samahan ang authorities para irescue si girlay na isang importanteng part ng isang tila mayaman na personality.

At dito na tatakbo ang part na pagrescue sa girlay at pag-escape sa kamay ni killer collector.

Score: 8.2

Okay lang din for me ang film na ito. Lamang lang sya ng slight kasi nasiyahan ako sa kill spree na naganap sa bar! Yung napa-wow ng slight nung biglang may parang spike drill na umararo sa mga dancers sa dancefloor ng bar. hihihih

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks.

5 comments:

  1. Mas trip kong mapanood yung The Collection. Na-intriga ako dun sa spike drill na umararo sa mga tao sa dancefloor haha XD

    bloody hell~

    ReplyDelete
  2. Pang sine ba ang texas chainsaw?

    hindi naman di ba

    ReplyDelete
  3. pass ako sa mga movies na to hahaha. di ko to kaya

    ReplyDelete
  4. Hindi sulit sa akin ganitong movie kasi nakapikit lng mata ko buong show haha

    ReplyDelete
  5. well, di talaga ko fan nya parekoy! haha, pero pinaka nagustuhan ko ata ung friday the 13th ksi may intense na scene haha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???