Mahirap maging bida! Grabe! Andami mong kailangang pagdaanan. Madami ka dapat batas o matakaran na dapat sundin. Kailangang mag-follow ka sa guidelines kung hindi, aysus, di ka na bida.
Sa mga magulang mo palang, may drama na agad. Yung tipong may history ang pag-iibigan nila. Possible na forbidden love ang kalandian na pagdadaanan nila. Tapos minsan isang magulang lang ang gagabay sa iyo. Mamimili ka lang kung nanay mo o tatay mo ang kasama mo. Pero kung mamalasin ka, jusko, wala kang parents.
Habang nasa kabataan ka, kailangan mong dumaan sa mga anik-anik na pangungutya ng iba. Andyan yung sasabihan ka na anak sa labas, ho kaya namay singaw (hindi po yung sakit sa bibig). Andyan din yung mamaltratuhin ka ng ama-amahan o ina-inahan mo. Pero worst pag paslit ka pa ay nakuha na ang sariwa mong nektar.
Para makabawi, habang bata ka dapat mag-step up ka! Wag kang batang tanga! Dapat mag-hanap ka na ng signs para maka-ungas ka sa buhay. Dapat laging maghanap ng diary, malay mo, hindi lang utang ng magulang mo ang andun, pati kung sino ang other magulang mo! Wag mo din kakaligtaan kung may gamit ka na laging dala tulad ng kwintas, bracelet, hikaw, singsing, kahit pati ponyetang scarf, who knows, yan ang susi sa pagyaman mo tsong or tsang!
Tinandaan ko nung ako ay papalaki na dapat may bespren ako. Syemps dapat may isang taong nakakaalam ng mga anik-anik. Kung lalaki ang bestbud mo, sya ang magiging sidekick mo. Kung babae, who knows, sya ang third wheel sa magiging labstory mo pag nagpatuloy ang pagiging bida mo. Warning lang, di rin lahat ng bestpren ay bespren sa dulo, bantayan mo baka yan pa umahas sa iyo at mang-agaw ng trip mo!
Ayun, nagmamature na at nasa teen years na ang drama ng bida. Don't worry, since bida ay my chance na cute at pogi at gwapo ka! Wow! Head turner. Kung isa ka namang bidang babae, tyak, lalaki ang alaga mong mansanas, magiging melon, tapos pakwan pero kung bongga, tiyak papaya yan! Swerte diba? Eto ang time na dapat inaalagaan ang figure, kasi ito ang tutulong sa iyo na mabingwit ang makakatuluyan mo.
Sa teen years padin, dito ka magiging mapusok, pero sa mas jologs na salita, dito ka lalandi, kekerengkeng, magtataglibog at magiging boblaks. May percentage na maaga kang mabubuntis o makakabuntis. Wag masyadong magpadala sa kati at wag magpakamot! leche! Kung gusto mong maganda ang flow ng pagiging bida mo, magsuot ng protection! TRUST me!
Balikan mo ang pagkabata mo, tapos alalahanin yung part na meron kang bagay na dapat pinanghahawakan para ma-secure mo ang success story mo bilang bida. Now's the chance to know your magulang (yung mayaman). Aba, nasa right age ka na kaya kapag may mana ay malakas ang laban mo! Go go! Ilabas ang kwintas, ang singsing, ang lampin, ang tsupon!
Pagnapatunayan mong ikaw ay LEGAL na anak, great job. Kudos! Ayan, giginhawa na ng slight ang life mo! Hephephephep, wag kampante, pota, masasayang ang pinaghirapan mo kung mag-sisitting pretty ka. Magmasid! Ang mga kamag-anakans ng newly found fam members mo ay suspect! Wag magtiwala agad, tanga mo dahil meron dyan ay bitter na nakita ka at makakakuha ka ng yaman.
Ang close-closan sa iyo at bait-baitan, may chance na sila ang hadlang! Syempre hadlang din yung mga tatarayan ka. Wala kang kakampi much sa part na ito kaya dapat hinahasa mo hindi ang dila sa mga madradramang lines kundi hasain ang isip kung sino ang kalaban at pano sila pupuksain!
Baka masyado kang na-overwhelm sa new place mo, tandaan, may lablayp at sexlife kang dapat mabuo din! Syempre, nagtiis ka sa kati noon, nows the time! Go! I givesung mo na ang lahat! Isuko na ang bataan! Mag flag ceremony na at ihanda na ang sarili sa digmaan sa kama! Boom! Kaboom! Kaplag! Iputok mo ng iputok! Go!
Ngayong nakapag-happy happy ka na, wag ka ulit magpaka-kampante, pota, may mga proproblemahin ka like the epal na pamilya ng iniskabeche mo. Kailangang humarap ka at magpakita sa mudrakels at pudrakels ng binigyan mo ng lugaw or sa magulang ng binigyan mo ng facial (if you know what i mean). :p
Syempre, since mahaba na ang pinagdaanan mo, alam mo na ang mga possible na kabanata. Iwas sa mga kidnapan, revenge ng mga bitter persons and stuff. Or, mapapasabak ka sa mga selos-selos at mga hiwalayan ninyong magjowawits or ng mahal mo. Possibleng mangyari naman ang nakaraan at ang anak mo ay dadanasin din ang dinaanan mo.
O ngayong alam mo na ang hirap ng pagiging bida, nakow, kung ako sa iyo, maging kontrabida ka na lang! Yung tipong ikaw yung hahalakhak ng wagas na wagas!
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
This post is inspired sa librong 'Lumayo ka nga sa akin' ni bob ong.
Monologue type post.
O cia, TC!
This post is inspired sa librong 'Lumayo ka nga sa akin' ni bob ong.
Monologue type post.
O cia, TC!
eh pano yan, bida-kontrabida ako? lol
ReplyDeleteay, iba guidelines ng bida kontrabids
Deletegusto ko ang part nito "Wag masyadong magpadala sa kati at wag magpakamot! leche! Kung gusto mong maganda ang flow ng pagiging bida mo, magsuot ng protection! TRUST me!"
ReplyDeleteisa ako sa mga nakaranas nito [haist]
:( aw.
Deletesarap maging kontrabida kasi ikaw lagi ang nanakit.. bwahaha
ReplyDeletetama!
Deletehahaha ayos ah..like this...isa akong bida!!
ReplyDeletelols, nahanap mo na diary? singsing? hahaha
Deletemasukista ang mga manonood, pag nasasaktan ang bida, mas gusto nila, pero ayaw nila na mamatay sa huli ang bida, gusto nila, may sasalba sa bida. Salba bida! hehe
ReplyDeletetama! salba bida!
Deletehahahaha.. ayos toh ah, may background na ko sa libro. Kaya pala sabi ko parang naiba ang style mo sa pagsusulat. hehe. Masarap pa rin naman maging bida, kasi may happy ending naman lagi na siya ang magbebenefit :)
ReplyDeleteahahaha, medyo serious type ng writting ang nanyare. pero tama, may happy ending sa huli
Delete"Ilabas ang kwintas, ang singsing, ang lampin, ang tsupon!"
ReplyDeleteAng dami ko ng nakitang dramang may ganito. Hohoho. Asteeg!
hahaha, tama!
DeleteOne comment lang, bagay sila! hehe
ReplyDelete