Tuesday, January 10, 2012

Page 10 of 366

Aler? kamustasa? Oks naman ba kayo mga friendships ang mga pips na napapadalaw sa aking bloghouse? Hopefully ay okay sa olright ang inyong lunes este martes pala today. hahahaah.

Ako? a.... e.... okay na hindi. lols. oo, parang okay lang me pero naguguluhans. naghahalo-halo ang mga anik-anik na nasa isip ko kaya naman di ako makapag-isip ng tama.

-Last sunday, nagkaroon kami ng mini get together ng mga HS friends. Isang classmate ang bumisita mula sa matagal na paninirahan sa states. i miss the folks pero i feel awkward inside. di ko alam. Its a feel good and outcast at the same time.

-Isa sa naging topic nung mini reunion ay engagement ring na dapat daw ay 3x ng monthly pay ng guy ang presyo at ang proposal thingies. At ako ay napaisip kung kelan darating sa akin ang ganung instance.

-Andami na ding naka-line up na peliks na hindi ko pa napapanood. Grabe. Bumubigats ang bag ko sa dvd. Di ko pede ilabas kasi mangunguna ang pinsan kong manood. Ayokong inuunahan me sa dvd na binili ko.

-Heksayted ako sa upcoming American Idol 11. 

-Di ko mapigilan mag Soup.... Soupdrinks. ahahaha. Peste. kaya ako lumolobs, puro ako soda. I'm addicted at di ako makapag-rehab sa pagnomnom ng sopdrinks.

-May dalawang pending application ako for promotion na wala pang results. Nakakapraning mag-antay ng resulta.

-Naguguluhan ako kung ano ba ang plano ko sa work. Parang sumugod lang ako ng sumugod basta may job openings. tsk tsk.

-After ilang months na stagnant, umusad na ang aking nuffnang. paynally nadagdagan ng papiso-piso ang account ko.

- Puro mema most ang nangyayare sa blog ko. Malapit na magsabaw ang brains. 

O sia, hanggang dito na lang me. 

17 comments:

  1. Panahon na para tigilan ang softdrinks!

    ReplyDelete
  2. hello po. agree ako. american idol 11, malapit na. :)

    at wag na yang softdrinks. it kills you softly. ^^

    ReplyDelete
  3. Ngayon ko lang nalaman na dapat pala ay tatlong beses kaysa sa sweldo ang magiging halaga ng wedding ring. Mukhang mahirap ngang mag-asawa. Lalo't alam ng kamag-anak ng mapapangasawa mo ang tungkol sa bagay na 'to.

    ReplyDelete
  4. Eh di siya na bumili ng mamahaling singsing. Nagpapasiklab lang yun. Haha. Yung page 10 of 366 na yan ay trending ulit worldwide. Mukhang tatapusin nila yan hanggang next year! Tsk!

    ReplyDelete
  5. ako matagal nang weaned sa softdrinks. water na lang or fresh juice. ayoko rin ng powdered juices. alam mo ba na 1 tbsp of sugar ang katumbas ng bawat ounce ng softdrinks? at softdrinks ang pinakamalakas na magpataba. kung may history pa kayo ng diabetes, dapat magdalawang-isip ka na bago uminom ulit ng softdrinks. water na lang.

    ang softdrinks ay acidic. meaning, more acid sa katawan natin, mas maraming sakit. kaya kailangan nating gawing mas alkaline ang katawan natin.

    sana ma turn off ka na sa softdrinks sa pinagsusulat ko dito. =)

    Rence MD PhD (Mukhang doktor pero hindi doktor)

    ReplyDelete
  6. wow! nadagdagan ang pera ni Gelo sa account niya!! gusto ko din yumaman, paano maglagay ng Nuffnag?.. hehe

    ReplyDelete
  7. LOL sa nuffnang, nag sign up ako..haha

    ReplyDelete
  8. phase lang yan, I'm sure ok ka lang :) good vibes! :)

    ReplyDelete
  9. nararamdaman ko na ang promotion mo :D

    ReplyDelete
  10. maganda naman ang post mo, natural na natural lang :) better nga yung ganito, ma-try nga rin minsan!

    ReplyDelete
  11. buti never akong naadik sa sopdrinks.

    ewan ko, tagal nako nakokornihan sa AI. i'm getting old.

    ReplyDelete
  12. naku po... stop mo na ang soupdrinks na yan. :D

    ReplyDelete
  13. 3x ng monthly pay??? WHAT??? daya naman ng ganun.. hahahaha

    ReplyDelete
  14. ako man gusto ko ng tigilan ang inom ng softdrinks. haaay

    ReplyDelete
  15. samin ka mag-aaply haha echos. naku iwas-iwas sa softdrinks, uti abot mo!

    ReplyDelete
  16. heksayted na rin me sa AI! at di ko pwede i give up ang softdrinks! at gusto ko na pumayat! ahw hehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???