Saturday, February 18, 2012

Fushigi Yuugi!

Yo! Andito nanaman ako at sumusulpot muli. Heheheh. Naka-leave ako for today para manood mamayang gabi ng Pyro Musical sa MOA. Pero before ako maka-perstaym sa ganong event, tayo ay magbabalik tanaw naman sa isang anime na pinalabas noon sa telebisyon. Ito ang Fushigi Yuugi.


Ito ay isang palabas tungkol sa magbespreng girlaloo na nagpunta sa isang library. Ang isang girl ay nagngangalang Miaka at yung isa ay Julie (YUI sa jap. version).

Ang story ay tatakbo kay Miaka na nahigops ng isang book (Aklat ng Langit at Lupa) at tila nag-time sa ancient china. Dito ay naging chosen girl sya at tinanghal na maiden ng Suzaku (Phoenix god na tagabantay ng South area).

Lingid sa kaalaman ni Miaks, ang kanyang BFF ay ang nakatakda o chosen girl naman ng kalabang emperyo ng Seiryuu (Dragon god na tagabantay ng Eastern area).

Syemps, ang focus ng story ay sa side ng bida so doon din tayo fofocus. Si Miaka ay binigyan ng task para mahanap niya ang kanyang mga celestial warriors upang ma-summon nia ang Phoenix God. So ayun, sa istorya, isa-isa niyang nahanap ang kanyang mga tagapagbantay.

Miyaka


Tamahome


Hotohori


Nuriko

Chichiri

Tasuki


Mitsukake


Chiriko


Well, technically, ang kwento talaga ng Fushigi Yuugi ay ang walang kamatayang paglalandian este pag-iibigan ni Miyaka at ni Tangahome este Tamahome. Mag-rerevolve kasi ito sa kapokpokan este magmamahalan ng dalawa na hahadlangan ng pag-ibig ng ibang tao.

Iikots din ito sa laban sa pagitan ng mga celestial warrior ng South vs East.



Maganda naman itong anime na to. Mababadtrips ka lang minsan sa katangahan ng ibang characters. bwahahahaha.

O sia, hanggang dito na lang muna. TC mga folks!

28 comments:

  1. Parang bigla ko naisipang panoorin ulit ito. Pahingi ako ng link. :)

    ReplyDelete
  2. hnd ako makarelate haha! ang hirap basahin mga names nila.

    ReplyDelete
  3. @yow. punta kang animeseason.com or lovemyanime.net hehe

    lagi ko tong pinapanuod nung bata pa ako tsaka yung magic knight rayearth. haha maganda to..medyo kapareho pa nga ng plot ng inuyasha eh.

    mapanuod nga ito ulit kapag libre ako hehe

    ReplyDelete
  4. sayang lang kasi as the anime progresses nawalan na ako ng interes nito...napaka dragging na kasi eh the last one i watched is yung OVA 5 siguro yun, noong may isang babae na pumunta sa world nila tamahome at nag reincarnate ang mga suzako warriors.. but this is one of my fave animes though kasi ang gwapo lang ng mga warriors!ahahaha

    ReplyDelete
  5. hindi ako nakakapanood ng mga ganitong palabas pero gusto ko yong pagkakadrawing ng mga character galing.


    Gusto ko yong background music mo.Wohhhh

    ReplyDelete
  6. Ito ang pinaka the BEST na cartoons..of all time for me!Super kilig!!! Miss it. Sana makapanuod uli ko nito.

    ReplyDelete
  7. Ang gwapo dito ni Tamahome! hihihi.. Paborito ko dito si Nuriko. Nakakatuwa sya. :)

    Pero I agree. Dun talaga naka focus ang story sa dalawa, Tamahome at Miaka. Ilang beses bang nagtawagan sila ng names..

    Miaka!
    Tamahome!
    Miaka!
    Tamahome!
    (repeat until fade)

    hihi. Yung ibang characters, hindi masyadong napagbigyan ng mas mahabang screen time. Si Chiriko, napansin ko lang nung na-posses na sya't namatay. pareho din ke Mitsukake.

    Nevertheless, isa to sa mga paborito kong panoorin na anime. :p

    ReplyDelete
  8. naalala ko nung nasa elementary ako, haha
    ako ang gumanap kay Chichiri hahaha

    pero sad ang story dahel not all 7 guardians made it until the end...

    :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. aww namatay mga tagapag tanggol?! sikat to dati pero never ko napanood, so bumawi ako maghapon. bumili ako ng dvd, putol nga lang kasi till episode 30 lang, yung part na naglayag na sila papuntang hokun ba yun, tapos nagkabagyo sa dagat nahulog sila sa ship nila at tinamaan ng kidlat si tamahome! dahil nabitin ako makahanap nga ng dvd mmya sa Quiapo! :D

      try ko din yung link na nakapost jan.. ilang season ba to? ang weird nung season 2 na nabili ko.hindi continuation nung napanood ko.parang ang setting si tamahome nasa mundo na nila miyaka. so ahanp pa ko kaputol nung pinapanood ko.aliw xa! i like how yu described the story dito sa blog mo! hahaha kwela! :D

      Delete
  9. Hindi ako nagkaroon ng chance na mapanood ito sa TV dati pero alala ko baliw na baliw ang mga kaklase kong babae dito...

    ReplyDelete
    Replies
    1. waheheheh. uu, daming girls na nabaliw sa kwento ng fushigi

      Delete
  10. This is my fave anime! I'm in love with Tasuki. :)

    ReplyDelete
  11. Huwaw, favorite ko to nun hiskul ako!! Ang gwapo ni tangahome este tamahome! Crush ko siya dati, hehe..

    ReplyDelete
  12. nyay nakakaloka ang story na toh iniiyakan ko pa nga ito para mapanood eh langya kasi si miaka eh nilalandi este minamahal si tangahome este tamahome eh andyan naman si hotohori haha

    ReplyDelete
  13. maganda yung anime,, kakakilig ang gagwapo ng mga characters! pwedeng maging boy at girl yung mukha! :D

    ReplyDelete
  14. naisip ko lang hanapin sa net lahat ng mga favorite cartoons/anime ko noon. Knight hunters, Wedding peach, Akazukin Cha Cha etc. at dito ako dinala ni google kakahanap ko ng mga characters ng mga alagad ni miaka...

    ahaha right puro landian at ek ek lang ni miaka at tamahome ang nangyari...

    :D

    ReplyDelete
  15. ahaha ringtone pa ng cellphone ko yung entrace song nito nung 3310 pa lang ang cp ko nyahahahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???