Monday, February 6, 2012

Its Showtime

Natigok na ng tuluyan ang noontime show ng Abs-Cbn na Happy Yipee Yehey. Yeps, oust at axed na ang show na iyon.

Anyway, meron naman kapalits. Ang isang show ng abs-cbn na Showtime ay ginawa ng full pledge noon time show. Eto na ang ipantatapat sa Eat Bulaga.

Kung couch potato kayo at tutok ang buhay nio sa tv, tiyak knows nio na ang todo effort, todo promote at todo media mileage ng ABS-CBN for their new show. Imagine, kada commercial madidinig mo ang plugging ng show. 


Ang 'Showtime'...... nag-iba na.... nadagdagan ng taklong pampan na animated letters (I, T at S). So therefore ang name na ng show ay 'It's Showtime'.

Same hosts padins with Vice Ganda, Kuya Kim Atienza, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jugs and Teddy, Karylle, Billy Crawford. Isinama din ang mga naging fave hurados na sina Ryan Bang, Coleen at Jhong Hilario.

Today ang start ng show nila. So sa kada promotes nila ng 1-1-3-0 o 11:30, knows ko na na 11:30am daw yung show. At since wala naman akong lakad ngayon, walang datung pang-gala, walang suking piratang mapagbibilhan, edi sa bahay na langs me at napanoods ko ang start ng show.

Heto ang mga napansins ko at reaction.

-Nakakabadtrip yung taklong letrang characters. ewan ko. too corny. Naiirita ako sa chipmunky sound nila.

-Ang intro ay almost the same pero inalter ang lyrics ng opening song nila.

-Meron silang segment called 'Sine Moto'. Parang Wansafunnytaym ang peg. May kwento tas may re-enactment. Ang twist... since stand-up comedian si vice, damay ang madlang pipol sa impromptu skits.

-Meron silang part na 'SingingV'. Di ko alam much kung 'Singing Bee' ang pinagbasehan ng segment. Kakanta si vice at huhulaan ang anong maling line ng song at ibibigay ang right line.

-May portion called 'Pitik Bulag'. and as the title speaks for itself... Pitik Bulag sya.

-From previous showtime games nila, nagbabalik yung 'Arte Mo!' Eto yung parang abcd chuvaness na may acting-actingan from people na magiging human letter selection.

-Ang Jackpot round ng Arte mo ay 'Rock the Clock'. Eto ang ang parang quiz bee something.

-After the pucho-pucho segments, may talent part na kung saan may performers. Ang wirdo lang ay meron na nagpeperform sa studio, meron din sa actual place ng hometown ng performers.

-First day, nag-obertaym ang show. Eksaherada!!!!


All in all, masasabing kong pwede na pero may mga sablay. More room to improve. Pero syemps, bigyan natin ng time to metamorph ang show. Malay nio, may magbago pa. hahaha.

Score: 7 ay.... wag ... ayaw nila ng syete.... 2 na langs. joke lang. mga 6. Andaming sayang na air time for segments like Pitik-Bulag at Singing V. 

O sya, hanggang dito na lang muna. TC mga pipols.

16 comments:

  1. awww.. di ako nanonood ng Showtime. Dati, oo.. few episodes sa kanilang first season, tas nakokornihan nko kay VIce Ganda. lol, kaya di nako nanonood..sensya na sa mga fans nya, opinyon ko lang to. :p

    Well, bago palang din naman ang show. Malay mo nga, magclick din sa noontime show viewers.. Good luck na lang tlga. Pader ang kabangga nila..

    ReplyDelete
  2. Love the combination of the characters sa SHOWTIME! They have good chemistry! For a while i think walang tatalo sa Showtime! Good job VICE! :) Nice post.

    ReplyDelete
  3. parang napanood ko na dahil sa review mo na ito..kaya hindi ko na panonoorin mamaya ang replay. Oo nga pala..Hello Khantz!

    ReplyDelete
  4. sa tingin ko nga medjo eksaherada pa sila ngayon. Parang nasa desperate moves pa sila na tapatan ang EB. Nacornyhan din ako sa tatlong ewan, parang may masabi lang na may maidagdai. Pero in all fairness naman, lakas loob silang tumapat sa mga batikan. Havey naman sila eh. Kaso wala na talagang makakatalo sa EB, except na lang kung mapunta ang TVJ sa showtime.

    ReplyDelete
  5. medyo dmai nga akong nakitang medyo nega na tweets kanina.I was not feeling well so di ako nag tv.although una pala diko na gusto ang idea na inilevate sya sa noontime katapat ng eat bulaga.feeling ko baka mawala ang fun kasi ng yung pressure sa mga hosts to go against eb at sa wakas is talbugan na.so nagrereflect s mga hosts.sana nga it will eventually improve.hihihi--

    ReplyDelete
  6. hindi kagandahan ang reformat ng showtime. :)

    ReplyDelete
  7. Eat Bulaga pa rin ako. :)

    ReplyDelete
  8. hindi ko pa napapanood, pero by the looks of it, hindi ko din feel yung maskot letters na I-T-S, reminds me of SINESKWELA :) hehe

    ReplyDelete
  9. di maka-relate kasi di nanonood ng tv. =)

    ReplyDelete
  10. di ko trip haha eat bulaga pa rin ako =D

    ReplyDelete
  11. Sana may makatalo na ng eat Bulaga. lol

    ReplyDelete
  12. I love Showtime..Working as call center agent ako at pang gabi shift ko. 6am pag nakakauwi na ako bahay. Dati pagdating ko tulog agad ako ngayon dahil sa showtime anaknang kahit puyatan okay lang mapanood ko lang tong show na to. Effortless sila sa pagpapasaya, subrang natural..subrang nag eenjoy ako.hehe..ayun.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???