Iniisa-isa ko na yung mga natitirang dvd na binili ko noon para maubos na. Kung last time ay lovestory.... this time lovestory padin. Maiba lang. ahahahah.
Ang title: 6 Years Lover
Ang kwents ay tungkol sa magjowa ng 6 years. Kaya nga ganun ang title diba? Alam namang 8 years sila pero 6 years ang title. Nuff said.
So anyway, ang magjowabels na to, magkatabi lang ang tinitirhan. Tapos kung makapagbembangan akala mo walang bukas. Boom-boom-boom.
Well kaso ang probs, medyo nananakit ang alagang pakwan ni girl kaya bawal hawak sa Su-Susmaryosep na parte. Pero tuloy padin ang kembot ng magjowa.
Pero hindi talaga yun ang problema o conflict sa story. Since 6 years na nga sila, tas magkatabi pa ang kanilang balur, e medyo tumatabang din ang love spark.
Tapos tapos, si boy, tila nakahanap ng ibang karinderya. Ayun, tumikim ng ibang ulam. Instead of the usual adobo.... nakahanap ng paksiw. boom!
Tapos si girl, tila na-fall din ng slight sa ibang boylet.
Di ko na ikwekwento ang natitirang eksena kasi trip kong mambitin ng kwents. hahaha. Alamin nio na lang anong ganap sa dalawa.
Score? Para sa akin ay 6. Oo, mababa. Yeps. 6. Noong nasa gitna, well actually kahit noong bandang umpisa medyo di nito nakuha ang aking attention. Wahaahah. Waler. Walang dating at walang latoy sa akin.
Di ko alam pero based sa ibang site na sinilip ko about sa films, nagustuhan nila pero personal na opinion ko ay walang kaboom-kilig-kaboom moments para bigyan ng mataas ng score ang peliks. lower than so-so ang rating.
Hanggang dto na lang muna. Hehehehe. Sana Thursday na para restday ko na ulit. Ahahahaha. TC!
whahaha.. kainis ka... bitin ang preview mo..
ReplyDeletenagkatuluyan ba sila?
Maswerte ang movie at tinapos mo parin kahit mejo boring.
ReplyDeleteDapat lang naman na paminsan minsan tumitikim sila ng ulam, or pinaghahalo nila ang ulam para hindi sila masuya. haha
Bakit hindi mo subukan mag love story naman..:D
ReplyDeleteInteresting ang story.
kapapanood ko lang nito last week.. at tama ka nga sa score, ganun din ang ibibgay ko eh.. di ko masyadong gusto buti na lang nadL ko lang sa youtube :))
ReplyDeletenuh ba yan makabitin wagas! hahaha
ReplyDeletemukhang wala ngang kilig-kaboom moments at usual na yung istorya, at mabuti naman at nag-love story ka naman for a change, atlis hindi na love story like nung last time, anggulo ko ba haha :)
ReplyDeletenapanood ko to. nagustuhan ko naman. iba lang siguro takbo ng utak ko :D
ReplyDeletemiss ko na manuod ng korean movies! sana may madownload akong ganito, mukhang ok ang story :))
ReplyDeletemapanuod nga nahihilig din ako sa mga singkit na films eh
ReplyDelete