Dumaan nanaman ang thursday at friday. So therefore, dumaan nanaman ang aking pahinga. Last thursday, nagbalak akong manood ng peliks... yung Unang Aswang! Joke! Nabasa ko review ni Maldito at syemps, naniwala ako na pucho-pucho lang.Bumili ako ng dvd ng how i met pero tinamad ako manood.
Kahaps ng napagpasyahan kong kailangan may ganap sa restday ako at hindi tamarin. Nagdesisyons ako na mag malling at doon ko na din napagpasyahan na manood ng peliks. Ang Hunger Games ang aking napili.
Nanood ako sa 2D lang kasi yun lang keri ng pera at after noon umuwi na ako.
Stop reading!
Oks, para sa mga nagbabalak pa lang manoods ng peliks, at ayaw ma-spoil at ayaw makarinig ng komento tungkol sa peliks, stop right now. Thank you very much.
Okay, sure ka na ba na gusto mong magbasa ng review-reviewhan.Peksman? Swear? O sige.... Eto na!
Note: Ang review na mababasa sa ibaba ay aking sariling opinyon. Opinyon ng taong di pa nababasa yung libro. Don't hate me kung ang sasabihin ko ay taliwas sa inyong kuro-kuro at saloobin.
Warning! Iwewento ko ang ilang detalye ng peliks.
Ang wento ay tatakbo sa isang bansa/bayan na kung saan kada taon ay merong patimpalak/tournament. Ang tournament ay ginawa/ binuo para raw sa pagreremind ng natamong freedom ng mga tao mula sa destruction/ apocalyptic cheverloo.
Sa tournament, ang mga bata-batutang nagdadalaga at nagbibinata ages 12-18 ay sapilitang may chance of winning sa palabunutan kung saan sasali sila sa tournament. Sa turneyo ay tanging isa lamang ang mananalo at ang iba ay tiyak... teypowk!
“Winning means fame and fortune.
Losing means certain death.
The Hunger Games have begun…”
Meyrowng 12 district therefore merong 24 contestants since one boy and one girlaloo ang representative per district.
Dito na lalabas ang bida ng palabs dahil nag-volunteer ang dalagits na may pangalan na Katniss kapalit ng napiling kapatid. Kasama ni girl ang isang boylet na akala ko Peter (napaka-british accent ang peg) ang pangalan ngunit Peeta pala.
Silang dalawa ay sasabak sa tourney na may peg na Survival of the Fittest. Matira matibay! Kelangang pumatay dahil pag hindi, ikaw ang deads.
Kailangan mo ding maging charming at makuha ang appeal ng mga audience/sponsors dahil sila ang makakatulong sa iyow during the hunting game.
At dito nagwawakas ang story telling. Hahahaha. Watch it para masaya.
Ang rate ng peliks. 9. Yey! Mataas. Oo. Di ko nabasa ang book kaya di ko alam kung ano ang mga natanggal na kapanapanabik na eksena.
Medyo nakakahilo lang ang style ng pagcapture sa eksena. Medyo kulang sa dugo or gory scene for the patayan pero okay na.
Natawa ako sa ever colorful na mga damit at hairstyle ng mga tao dun sa central ng bansa. Ang mga elite na viewers ng hunger games ay so conyo!
After watching, nagtangka pa nga akong bumili ng book kaso nagdadalawang isip ako dahil gastos nanaman. ehehehehe.
O cia, hangang dito na langs muna. 1st day of work ko ulit kaya focus sa work. hahaah :D TC!
“Happy Hunger Games! And may the odds be ever in your favor!”
hindi ko binasa. dun lang ako sa hanggang stop reading kasi papanoorin ko to mamaya :D
ReplyDeleteMay E-book ako nito, pero hindi ko natapos basahin pati yung ikalawang yugto niya..hehehehe.papanoorin ko nalang.
ReplyDeleteang ganda ng the hunger games no? aliw din ako sa mga damit ng mga taga city, malalaos si lady gaga pag dun sya nakatira :)
ReplyDeleteWow!! i like that! Hunger Games!! Maganda ang story niyan!! Wahaha!
ReplyDeleteFollow niyo po: http://aegyodaydream.blogspot.com/
Kaya pala gustong gusto to panuorin ng mga friends ko, ako naman wa ka ide ideya..hehe, thanks to this review.
ReplyDeletealabet!!! ^___^
ReplyDeletehindi ko nabasa ang book pero after ko syang panoorin eh humingi kagad ako ng ebook kay maldits...hehehe
nahehexcite me sa part 2 ng movie..weee!!
I've watched this yesterday and my rate is 8.5. The story line is good and the directing, too. The pacing is good, it's not too fast and it's not so slow. But there are questions thrown in my mind that was in the beginning, that's why I feel that part it's a bit lack. Anyway, I really recommend this.
ReplyDeletei like the movie too.. kaabang-abang ang mga susunod na kabanata.. :P
ReplyDeleteread all the 3 books after i've watch the movie.. and as in WOW sya althoug maraming mga d nasunod sa book's which is vital dahil ang pin na hawak ni katnis ay may malalim na root sa kanilang lugar way back when his mentor na nanalo rin sa patimpalak ay kasagsagang nakikipagpatayan to survive... yun lang pero waiting ako sa movie nung book 2.
ReplyDelete