Saturday, March 31, 2012

Wrath of the Earth Hour!

Yo! Wazaps! Kamusta naman kayo mga peops? Okay sa olright ba keyo? Lapit na ang holy weeks? Watcha plans? 


Well anyway highway,  today ang Eath Hour! Oo, oras ng mundo! Kailangan nating patayin.... ang mga ilaw! Yeps! Papatayin ang ilaw! For more details, eto yung earth hour post ni sir Moks.

Sa earth hour, pedeng maglaro ng taguan. O kaya mag-habulang-gahasa sa dilim!Naku, tyak, after 9 months, baka lumobo ulit ang populasyon! hahahaha

Oks, after ng slight promotion, lets now make umpisa the pinaka-topic sa post. Ito ay ang movie review ng peliks na Bu-wrath of the Titans. hahaah.

Woooops! Bago ka magbasa..... tatanungin muna kita.... Manonood ka ba ng peliks? Ito ba ang balak mong panoorin? Kung oo, tanungin ang sarili kung gusto mong makabasa ng spoiler ng slight at ng score ng peliks. 

Kapag may sagot ka na, sige, scroll mo na pababa.







Ang pelikulang Wrath of the Titans ay ang karugs ng peliks last time na Clash of the Titans. So may mga tauhan na makikita mo ulit dito.

Ang story ng Bu-wrath of the Titans ay tungkol padin sa maskeladong demi-god na si Perceus. Nagkaroon na sya ng junakis na batang lalaki. 

Tapos magpaparamdam ang kanyang father na si Zeus. Kamustahan-galore at chika-chika. Tapos sabi ni Zeus na nanghihina na ang mga Gods kasi wala ng nagdarasal sa kanila. Keri lang daw sabi ng junakis niang si Perceus.

E tapos.... may ganap. Kinidnaps ni Hades si Zeus dahil naging kakontsaba nia ang isa pang junakis ng Tander na God of Thunder... si Ares.

Sanib pwerta este pwersa ang mag-tiyo para buhayin ang lolo ni Perceus na si Kronos. Gagawin nilang sacrificial lamb si Zeus para ma-Resu ang isang magma-god.

At syemps, to the rescue ang drama-dramahan ng bida at nakipag-conive sa isa pang demi-god na anak ni Poseidon at ang girlay queen na nalimutan ko ang name kasi wala namang naked scene. 

At doon na magsisimula ang adventure ni Perceus to save humanity ek-ek.

The end.

So ano naman ang masasabi ko? Meh.. So-So lang. Nothing extravagant. Nothing catchy. At medyo flawed. (Naks, flawed. Tama ba ang term na to?)

Okay lang naman yung takbo ng story. It's okay yet a bit forgettable. Naks, parang judge lang sa mga reality shows ang peg. hahahaha.

Eto ang mga napansit ko sa peliks:

1. Chimera pala yung sumugod sa town ni perceus. Akala ko 3 headed dog minus 1 lang ng Harry potter. Chimera kasi is usually super kakaiba. idk.

2. Minotaur pala yung nakalaban ng bida doon sa Labyrinth. Guskopong pineapol. Akala ko dimonyo lang na kamag-anak ni Hellboy. Di kasi mukang bull!

3. About kay kronos..... Alam ko isa din syang god kasi sya ang ama nila Zeus, Hades at Poseidon. Pero sa peliks, parang magma-monster lang. 

Yan lang naman ang medyo reklams ko sa peliks. pero okay naman.

So score nia is 7.89. Oo, Hindi 8 pero hindi 7 flat. hahahaahahah. Next movie please!

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

8 comments:

  1. actually very so-so ang wrath of the titans, i think it's a waste of money :)

    ReplyDelete
  2. I liked the movie, cguro mas mganda kung 3d :))

    ReplyDelete
  3. patayin na and computer....earth hour na :0

    ReplyDelete
  4. Sabi ng friend ko anu meaning ng wrath..edi sabi ko daga! PERIOD. hehe...
    Komedi talaga ang rebyu mo dito. At ang mga words bulgar! nakakapag init...hahahha

    ReplyDelete
  5. btw, I forgot the Earth Hour...:( Not sure if ginawa ulit ng family namin ksi tulog nako.

    ReplyDelete
  6. Lol! So how was the Earth hour? Tuwang tuwa ang meralco pagkatapos nun kasi ang bilis na naman ng ikot ng metro ng kuryente matapos maipatay ng panandalian ang ilaw. hehehe

    Anyways, I find your blog worth visiting for reason I have joined your Google friend connect. If you could visit and join my bog too. Thanks!

    http://bbplusses.blogspot.com/
    http://etc.soundsfunny.ws/

    ReplyDelete
  7. sabi nga din ng friend kong nakanuod ng bu-wrath of the titans, so-so nga lang daw. at flawed nga daw! thanks sa review kwatro khanto :)

    ReplyDelete
  8. nakakatuwa yung muvee.. was also expecting yung labanan is kasing fierce dun sa immortals (nung palabas ang mga titans tapos kalaban ung mga gods).. well, pamatay din naman ang labanan with chimera at malahiganteng lava (ba yun?!) ang peg kay cronus.. pero mas gusto ko sana in human form pa din.. (eh di ako na ang direktor.. lols) pero at least medyo tumagal ng konti ung labanan compared dun sa nauna, sa clash.. :P

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???