Shining shimmering sunday mga ka-khants! Kamusta? Sunday na today at karamihan sa inyo ay walang pasok. Pasyal-pasyal din pag may time at kapag umaraw.
Kahapon, restday ko at dahil bored ako sa condo, mag-isa, walang kasama, walang kayakap habang umuulan ganyan, napagpasyahan ko na lang gumala. At napagpasyahan kong manood na lamang ng sine para treat na din sa sarili ko.... aba, kelangan mag-enjoy din at hindi puro work ang inaatupags.
Dalawa ang talk of the town peliks... Yung una ay ang pelikula tungkol kay superman at yung isa ay zombie-zombiehan ang peg. Nagpost ako sa pesbuk at sa chwirrer kung ano ang magandang panoorin.... Aba, yunanimus ang sagots na both daw! kaloks!
Pero bilang isang good listener..... good listener daw oh... pinakinggan ko ang suggestion ng madlang folks at pinanood ko pareho. Sabay. kaliwa't-kanan ganyan... joke... syempre magkahiwalay ng oras...
At dito ko na iiintroduce ang peliks na unang may review..........Eto ang World War Z! Joke lungs! Hello..... tingin-tingin sa title pag may time. Yan na nga ang clue eh! So its....'Man of Steel'.
Pause.................
Babala: Kung nasa 2nd week na ang peliks at di mo pa napapanood at ayaw moma-spoil kunyare, den, close the browsahh or skip reads na lungs. Pero kung napanood mo na to last week pa at naunahan mo ako.... well, kudos! Congratumalations.... pede kang magpatuloy!
Let's do dis!
Sometimes you have to take a leap of faith. Then the trust thing comes afterwards
Magsisimula ang wento sa isang planetang tinatawag na Carbon este Krypton. Doon ay may isang boy at isang girlay na kumekembot tapos na magshembot at si girlay ay manganganak na. Dito isinilang ang isang cutie baby boy.
Forward ng slight... mga milliforword lang. Sa planetang iyon, me naganap na kudetahhhhh.... May nag-aklas na isang general (hindi po si trillanes). Tapos blah-blah-blah talkish and so on.
It turns out na magugunaw na ang planetang krypton thingy so to save their alien race, nakaisip si boy na ipadala ang cutie baby boy niya sa ibang planeta para mag-dream-believe-SURVIVE!
Then may achuchuchu-scenes pa at napunta ang cutie baby boy sa earth then boooooom! Pinakita na ang mature version nito na chunky at beefy ang mga maskels. Nagpupumutok ang kakisigan. Tapos si cutie baby boy na all grown up ay make tulong-tulong sa mga nangangailangan ganyan and stuff like that.
Tapos, tapos ipapakita ang mga struggles ni cutie baby boy noong lumalaki sya dahil sa kanyang pagiging different at having unnatural lakas and prowess.
Tapos umeksena etong reporter na babae na nacurious kay guy na nailigtas siya sa panganib one time tapos nag-investigate si girl at nalaman ang identity ni guy.
Then kailangan may kontrabida sa peliks kaya si general from the Krypton planet ay nahanap si guy at nagkaroon ng labanan between good and evil.
Pero in the end, nagwagi ang kabutihan at may kissing scene at doon na nagtatapos ang salaysay.
Score: 9!
Di ko napanood ang mga lumang superman films at konti lungs knowledge ko sa superman kaya naman ang pelikulang ito ay sorta refresher sa wento. Madaling intindihin at madaling ma-digest ng utaks kung ano ang wento.
Hokay ang labanan at bakbakan ganyan. Oks naman ang acting prowess. Okay din na hindi yung costume na nasa labas ang brief ang ginamit for the movie. Mukang Man of Steel yung gumanap with all the big muscles and stuff (ansarap siguro ng feeling pag ganun ang katawan.... kainggits, hahahah).
May bawas points lang sa mga eksena na parang nahihilo ako dahil sa blurry effect pa ng other thingy ng background just to focus the actors and stuff. parang napasobra naman ang pagpinpoint to focus on the main subject ganyan.
Pero all in all, good film at worth naman ng binayad ko. :D
O sya, hanggang dito na lang muna! Baka bukas naman ang release ng isa pang pelikula na napanood ko.
Take Care folks!
Alam mo napanuod ko to ng libre dahil treat sa amin ng company hehehe ganda ng movie lalo na yung mapandesal na dibdib ni superman
ReplyDeleteHaha, enjoy talaga ako lagi sa mga movie review mo dito sir Gelo hahaha :D
ReplyDeleteKaya ayus lang sakin na ma-spoil ng toda max dito. Woohooo! abangan ko na lungs to sa dibidi XD
okay naman ung movie kumpara sa superman returns. ganda pa ng costume. mas bumagay sa movie :)
ReplyDeletethe best super man movie para sakin yan! angas ng story line, hindi fast phased at saka di konry ang costume at ganda ng fighting scenes galing din ng actors!
ReplyDelete