Saturday, June 22, 2013

Toycon 2013

Kamusta, kamusta, kamusta at isa pang kamusta? Sana ay okay, okay, okay at isa pang okay kayo dyan! Weekends na guys, may gala ba kayo? sulitin an araw ng pahinga!

Ako, medyo susulitin ko na ang fri-sats kasi by July, ako ay balik sa weekdays off. Back to Wed-Thurs restday dahil sablay nanaman ang score ko sa owpis.

Henywei haywei, for today, share ko lang ang kaganapan last week sa Toycon2013.  Yep, last week pa to pero ngayon lang ako nagkaroon ng effort para magpost....... amsareeeeee.

Okei, les start....

Last friday kasi ang day 1 ng Toy convention or mas madali pag sinabing toycon. Eto ay ginanaps sa may Megamall, sa 5th floor, sa may Megatrade halls.

3 years na ng mahook ako dito sa toycon kaya naman di ko pinalagpas ang chance na makapunta kahit sa pers day lungs dahil may outing ang team namin ng saburdei at may pasok naman ako ng sunday.

So right after shift, uwi muna lungs ako saglit sa bahay para maglaro, maligo at kumain ng brekky at tumuloy na ako sa Megamall.

Hakala ko nung una jampak na ang tao.... well, since friday at may pasok pa ang mga students at may work pa ang mga manggagawang pilipino, dipa siksik-liglig-umaapaw ang place. Hindi rin pila balde ang line sa ticket. Siguro malaking tulong din na may laban ng NBA noong umaga.

Pagpasok, libot agad me sa mga stalls baka may One Piece figures na kinokolekta ko. Pero sa kasamaang palads, waler..... wala eh. So naglibot-libot na lang me at nagkukuha ng larawan ng anik-anik na makikita sa Toycon.

At heto na ang ilan sa makikita sa loobs.


















Kung napansin ninyo, puro toys ang napicturan ko. Walang cosplayers kasi noong umaga ako pumunta at umuwi ng mga 3pm. Isang factor na din na ang mga cosplayer marahil ay students so sa weekends pa sila dadagsa.

Wala akong nabili during the toycon. Well, yan kasi yung time na bumili ako ng bag para pangbyahe-byahe pag naging backpacker chenelin me. hahahaha. pero heto sana ang larawan ng bibilin ko kaso medyo mahal. Napa-backoff ako. hahaha....



Gusto kong bumili ng Danboard na laruan para kapag bumyahe-byahe me, meron akong proxy sa pics..... Kaso medyo costly sya, sa price na almost 1k.... medyo nanghinayang ako..... Hihiling na lang ako kay santa claus na may magregalo sa akin nito. Hahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna. Manonoods pa ako ng sine at mukang parehong Man of Steel at World War Z ang papanoorin ko based sa suggestions ng mga folks.

Take Care and Happy Weekends guys!

3 comments:

  1. Waaah! as usual inggit much na naman ako T_T kelan kaya ako makak attend sa ToyCon.

    Anyways, ganda ng mga pikshurs ng mga toys. Ang sarap mang hablot sabay takbo hahaha :D

    Ngeek, ang mahal pala nyang Danboard na yans!

    ReplyDelete
  2. ahaha angas! ako di pa nakapunta ng toy con mas trip ko kasi
    sa cosmania haha! kaso tagal pa ng october
    sana makapag cosplay na ko this time

    ReplyDelete
  3. di ako nakapunta ngayong taon. last year nakapunta ko pero di ako nakabili eh. hehehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???