Saturday, February 1, 2014

Pagkatapos ng Enero, Marso Na! The not so February Random


It's saturday na! Happy Weekends folks! Enjoy the pahinga! Sa nag-long weekends, gogogo! Lakwatsa much na!

Di pa ako ready mag-part 2 ng palawan trips kaya naman, eto, random mode ulit. Medyo madami-dami din kasi akong gustong sabihin na anik-anik.

1. Work? wala akong rants about it. Hahaha. GV na ang officemood ko. Naka-shield ako sa mga negativity lately. hahahah.

2. May slight prinoproblems lang ako regarding sa mga Vacation leaves ko..pero hopefully maayos mamayang pagpasoks ko.

3. Remember na nagbakasyones me? Well, may not so good na naganaps. Akala ko pinapak lang ng lamoks ang binti ko na kayang pagalingin ng alchohol. Pero nope... its not mosqui.... It's NIKNIK! isang kamaaganakan daw ng surots ganyan.

4. Akala ko nga na-denggue ako kasi nilagnats ako at may pantal. Buti sabi ni doc, lagnat laki daw. hahaha. Pero yung pantal, hongkati-kati! At kung follower ka ng twitter account ko, mababasa mo dun yung hinaings kow. huhuh.

5. To cure the kagat ng insektong niknik, aba, ang recommendation ng derma ay makabutas bulsang soap, lotion at topical ointment. pumalo ng 1,200 ang items. At ang masaklups ay kay doktora langs daw nakakabili nun. Huhubells.

6. Kahaps, one day restday ko kaya di ako nagsayang ng time at nagpunta ng mall. Namili na me ng damit for my Batanes Trip. Hehehehe, excited much.

7. Sa mall, may nakita akong new release na One Piece collectible figures. Bibilin ko na sana ang set, pero napa-WTF ako! Pumalo na ng 230 petot per piece. So since may 9 ata, lakpas 2k ang gagastusin ko. No!!! Dati nasa 150 lungs each...

8. Di ko binili... huhuhuhuh. Kahit gustong-gusto ko, i can't. Alam ko ang limit ng gastos ko dapat.And most probably, i need to drop collecting it unless lumaki at mag 2x ang swelds. 

9. Sarado na yung bestseller sa Galleria. kaasars.

10. May new book akong bibigyan ko ng review. heheheh.

11. Nakaka-excite ang remeaining episodes ng How I Met Your Mother.

12. Naaalibadbaran na ako sa issue ni Vhong... Bait daw ba may H ang name nia. Daming kuro-kuro, daming sawsawero-sawsawera. Nagiging National issue pa ata.... maygas!

13. Ang presyo ng movie tix sa megamalls ay bumaba, dating pumalo na ng 220 ay naging 189 na lungs. Hangmahal naman kase!! Sana sa galleria, bumaba na dins.

14. Nakatikim na pala ako ng Cookie Butter thingy... masarap... sarap papakins! Hayahay! Nangalahati na agads yung sang bote. hahahah

15. Namatay pala yung lola ko (2nd degree). So isa ito sa kailangan kong i-file ng leave to attend the burol/libing sa panggasinan.

Hanggang dito na lungs muna! As always, Take Care!

5 comments:

  1. yeah, good vibes lang parati. buti naman at mataas na ang level ng resistance mo against negatrons :D

    alam ko yang Niknik na yans. mas makati pa sa surot kapag nabiktima ka nyans >_<

    buti ka pa makakarating na ng Batanes. bigla ko naalala yung parang docu thingy ni Love Anover dati sa Batanes. hong gondo lng nung lugar. ang lakas maka New Zealand yung peg dun sa isang cliff na nakaharap sa dagat.

    ReplyDelete
  2. condolence pre.
    good vibes lang pre....

    ReplyDelete
  3. di na ko sanay na walang office rants sa random post lol

    ReplyDelete
  4. super broke ako this week since palagi lang mag food trip sama ng friends ko

    ReplyDelete
  5. samut saring emotion ang meron dito di ko alam kung cocongrats kita dahil maganda takbo ng work mo. or kung mag cocomment regarding sa medical churfers na yan and relate much ako sa gastushin na yan!
    anyway, my condolences for your lost

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???