Ang peliks ay may name na 'The Girl Who Leapt Through Time' na kapangalan ng isang film na nablog ko na noon pero magkaiba sila ng plot.
Dito sa anime film, may isang girlay na care-free lang sa buhay. Medyo wala namang gaanong iniintindi, masaya na siya sa piling ng dalawang friendships niya na guy.
Then isang araw, yung araw na medyo inaalat siya dahil sa dami ng aksidente sa kanyang anik-anik, nataon na yun na ang possible na last day niya during the eksenang nawalan/nasiraan ng brake ang bike niya at sasalpok sana sa isang rumaragasang train.
Pero for some odd reason, tila na-deja-vu or bumalik siya ilang minuto bago ang possible na oras ng kanyang kamatayan. She leapt through time.
Napag-alaman ni girlay na may kakayahan siyang bumalik sa kahapon at iguhit na muli ang nakaraan (i know right, parang lyrics sa kanta yung kalahati ng sentence, lols). So medyo ginamit ni girlay sa kung anik-anik ang capability ng kanyang pag-jujump sa oras.
However, syempre kailangan may development sa wents. Nagkaroon ng mga complications at pagbabago sa mga bagay bagay sa tuwing magbabalik siya sa oras. Mga naapektohang possible lovelife nia ar life ng friends ni girl.
ano pa ang magaganap kay girlay? Secret! Walang Clue! lols. Medyo maganda at medyo may touch of drama sa bandang dulo na di ko iwewents para suspense.
Ang score ng peliks for me ay 8.8 na parang symbol ng infinity or ang parang sumisimbulo sa pagloloop-back through time ni girlay. Nyahahah. Isang magandang film considering na anime sya.
O, hanggang dito na lungs muna. Take Care folks!
Parang mga 4 times ko na to pinanood. Ang ganda. Hehe.
ReplyDeleteang ganda nito! kaso walang subtitle yung napanood ko eh... pero sabi lang nila maganda daw ehehe.. ^_^ ma download nga ulit.. salamat sayo at may mapapanood ako mamaya :)
ReplyDeletetagal ko na nakikta tong anime na to kaso wa talagang chance ee pati ung live action di ko pa nakikita
ReplyDelete