Thursday, February 20, 2014

Palawantastik Day3

(way long overdue na ang post na to, ngayon ko lang tatapusin dahil ngayon ko lang nadala yung pics kasi hambagal ng sun broadband sa bahay, di makapag-upload pics, nyetakels).

Bago ako magwento ng random sa next post ko sa mga kaganapans, tapusin ko na lungs ang aking Palawantastik adventure para hindi na abutin ng 1 month bago ko tuluyang nashare.

Hatinggabi ng Day2 ay dumating na ang magjowang kasama namin na nag-El Nido. So hindi na kami lima sa aming pasyalans, pito-pits na kami.

Like the unang araws namin sa Puerto P, bago simulan ang lakads, ay nag-almuchow muna kami na kasama sa aming accom... wala na itong pic kasi same-same lang namans.

Around 8, sinundot este sinundo kami ng kinontrata naming traysikol para mag beach sighting na wala naman talaga sa usual itenerary ng mga palawan tours. Eto yung walalanggustolangnaminmamasyal moment.

Ang pinuntahans namin ay ang Emerald Playa na katabi lungs ng Microtel na medyo costly daw na hotel sa palawans.







So tamang lakad-lakad sa dalampasigan moments, langhap ng fresh sea air ganyan, pa-tan at sunbathing at pikcha-pikcha at konting foods.

Mga noontime, kailangan na naming bumalik sa hotel kasi by 1pm, umpisa na ng aming city tour. So kailangan change outfit na. Lols. Kaya from the Ombre Captain America ay naging Wolverine Minion ang aking suot hehehe.


Unang stop ay ang simbahans sa Puerto P atsaka yung parang naging detension at kulungan daw ng mga folks noon. Dito din daw ginanaps yung Palawan Massacre thingy. Saree, di ako nakikinig kay guide eh.





Nektap, ay ang place kung saan merong mga handicraft thingy named Binuatan.




Then after that Mitra Ranch. Currently sira daw yung zipline kaya naman tamang tingin lungs at pic-pics.






Then Bakers Hill, ewan ko, parang sobrang time compressed kaya di naman nalibot much. Bumili lang ang mga folks dito ng mga hopia, crinkles and other malalafangs. Dito din ako nagpagawa ng shirt with my name sa likurans.



After nito, crocodile farm. Natry na namin sa Kinabutch yung crocosisig pero ang triny pa namin ay ang crocotapa.



Nagpapapicture din kami sa Palawan Bearcat. Mas trip ko to kesa magpapic with crocs na tila modified butiki.


Last stop ay ang souvenir/tiangge kung saan dito ko napag-alamanan na Over-overpriced ang mga perlas sa Honda Bay dahil dito, makakakita ka ng murang pearls na simular sa binebents sa Honda... ohwell..

Then Balik na kami dahil tapos na ang tour. 

Sa gabi, for dinner, nagpunta naman kami sa Badjao. Isang traysikol away lang naman sya.







Kinagabihans, napagpasyahans ng mga kasama ko na since sa gabi pa ang flights nila (Iba-iba kasi ang flight ng pag-uwi due to complications and so during bookings) sila ay magtatabon cave adventure. Since kelangan kong magtipids, di ako sumama kaya kinabukasan, solo mode na ako pauwi.

At dito na nagtatapos ang Adventure.

Summary ng Day 3 ay so-so din. Medyo time constricted much yung tour at parang ho-A di tulad nung tour ko last time na though may time limit,parang di mo ramdam ang pressure sa oras. At dito ngayon ko naalala, na last time na nagtour kami, may freebies na bigay yung tour agency na nakuha namin like the small rain maker at coin purse. lols, wala lungs, napa-compare lungs.

O cia, hanggang dito na lungs muna. Take Care!
 

4 comments:

  1. Someday mag punta din ako sa Palawan

    ReplyDelete
  2. huwaw photo overloads XD

    kasama talaga yang Palawan sa list of places na must see ko. including din ang Batanes :))

    ang cute nung Bearcat. nakakita nako nyan dati sa isang mini zoo sa Tagaytay pero di pako nakakahawak.

    ReplyDelete
  3. hungsaya naman hehe, napasin ko lang si ateng nakablack wala sa mood sa pictorial!
    ang angas nga pla ng shirt print mo!

    ReplyDelete
  4. saan sa sunod kong bakasyon makagala ulit me like you! hehehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???