Sabi sa isang kanta, 'Ang nakalipas di na maaaring balikan'. Pero may reply naman ang isang kanta na 'Sana'y maaaring ibalik ang kahapon'. Ewan ko ba. Minsan, ansarap magmuni-muni at ngumanga while thinking ng mga bagay-bagay na naganap sa nakaraan.
1. Yung di pa kilala ng tastebuds ko noon ang Mcdonalds or Burger King. Uso pa noon ang Tropical Hut na kung saan may mga promo-promo thingy na kapag naka P150 petot ka ay magpapaikot ka ng roleta at pede kang magkamit ng toys and freebies.
2. Yung mga 8pm pa lang e halos wala na masyadong tao sa labas ng bahay. Pinagbabawalan kang lumabas dahil medyo oras na din ng pagtulog. Yung mga eksenang kumpleto mo ang 8 hours na tulog (or more).
3. After lunch, pede mong gamitin ang buong maghapon sa pagtambay sa kalye, paglalaro ng kung anik-anik sa labas. Kesehodang magkakuto sa ulo, wapakels basta ma-enjoy mo ang tanghali at hapon.
4. Kapag umuulan, okay lang na magtampisaw at mabasa ng ulan at kahit magbabad ka hanggang todo buhos ang tubig mula sa kalangitan. Yung gagawa ka naman ng bangkang papel kapag tumila na ang ulan at may naipon na tubig sa estero.
5. Madami pang puno noon na maaakyat. May puno ng mangga o kaya naman alatiris kung saan mamimitas ka ng mga hinog na bunga na kulay pula. Pag adventurous ka naman, sige, maglambitin at gawing baras ang branches o sanga ng puno.
6. Hindi ka mo iniisip na nakakataba ang mga matatamis na bagay kaya kahit mag chocolates ka everyday ay okay lang. Mabungi man or sumakit ang ipin, basta makalasap ng sarap sa tsokolate ay sapat na.
7.Kapag nagkasakit ka, isang excuse letter lang sa magulang, keri na.
8. Yung excited ka kapag darating ang birthday mo dahil may chance na may magreregalo sa iyo. Yung mga moments na may handang ispaketi sa bahay.
9. Keri lang ang humilata sa sahig at manood ng TV maghapon/magdamag na walang iniintinding FB game or kaya naman tweets and stuff. Plain coach potato mode este floor potato.
10. Noon, katawan lang ang nasusugatan. Yung nadapa, gasgas sa tuhod at konting galos. Pero ngayon, pati emotion nasusugatan. May injury emotionally, spiritually isama mo na din mentally ganyans.
I want to take a break.... from work... from online thingy... and stuff... yung tipong parang yung pamumuhay noon, simple, payak, walang gaanong complicated stuff na pag-iisipan pa. relak-relak lungs....
Amsareeeeeee..... emo-emohan lang ang peg.
Take Care folks!

Ako I want to take a break from school na >.<
ReplyDeleteLazy butt.
DeleteRelate much ako sa #10. Nostalgic ang post na ito!
ReplyDeleteyung pagtikim ng nektar ng santan, ung laro ng tansan na pinipi at may sinulid, yung mga laro ng lahi dati.
ReplyDeleteyahaha naka-relate ako sa aratiles , inaakyat ko yung mataas na puno sa tabi ng bahay namin nuon, hanggang sa tuktok ng puno ako nakakaakyat he he he he..
ReplyDeletemasarap talaga balikan ang nakaraan, lalo kung nairerelate mo ito sa present. parang connecting the dots backward. :) Namimiss kong maging bata ulit, winewelcome ko din ang pag agos ng tadhana. ansabeh? haha :) regards sir.
ReplyDeletegutom lang yan gelo! hehe! pero totoo msarap nga mag muni-muni.. pero hanggang doon nalang yun.. di na nga talaga pwedeng ibalik..
ReplyDeleteMiss na miss ko #7!! Ang hirap na magsick leave ngayon!
ReplyDeletenakaka-miss talaga ang lahat ng iyong nabanggit :) halatang batang 90's hehehe, kasi lahat ng naitala mo ay na-XP ko :)
ReplyDeletelalo na yung paglalaro kahit tanghaling tapat, at syempre totoo na ngayon di lang katawan ang nasusugatan... pati na damdamin... very true! hahaha :)
yung pinaka nami-miss ko dati yung pag tag-ulan, nanghuhuli kami ng kuya ko at mga barkada namen ng butete sa isang bakanteng lote or bukid na may naiwang tubig-baha.
ReplyDeleteat yung pag-akyat sa puno at pagyugyog ng salagubang hihihi
Hahaha throwback. Masarap alahanin ang nakalipas, masarap i-enjoy ang ngayon at sana masarap ang bukas.
ReplyDeleteRELAAAAAAAAAAAATE much hehehe! dame na talagang ngbago,
ReplyDeletetanda na tumatanda na tayo!