Friday, October 24, 2014

Monster Rancher

Hey! Zups! Yung team building/outing sana namin this weekend ay dehins natuloy dahil may mga nag-backout at sudden cancellation kaya naman heto at medyo annoyed and slightly pissed. Slightly pissed??? Sabeh?

Anyway, the cancellation never bothered me anyway kaya naman tuloy lang ang life at bahala na naman si batman sa kaganapan ganyan. For now, ituon ang slight frustration into writing kaya naman heto ako at nagsasalitype in terms of blogging.

For today, magbalik tanaw tayo sa isang anime na hango sa isang computer game. Ito ay ang anime called 'Monster Rancher'.


Magsisimula ang wento sa isang bagets named Genki (nope hindi siya yung sina-summon ni Chiaki na may Kuko ni Diva). Si Genki ay galing sa real world at maglalaro siya ng isang Playstation game na monster cheverlins. Dehins niya knows na mahihigop siya sa game na kanyang nilalaro. Mapapadpad siya sa Monster world.

'Tanggalin ang sumpa kay Genki! char!'

Dito ay makikilala niya ang isang female bagets named Holly (hindi water or trinity ang apelyido). Si Holly ay isang manlalakbay upang hanapin ang isang legendary monster na Phoenix dahil ito daw ang makakatalo sa masamang monster called Moo.


'Hindi sya nagbabalat ng patatas katulad ng ibang girl'

Ang dalawa ay magsasama upang hanapin ang monster na Phoenix upang matalo ang dark monster. Sa kanilang paghahanaps, mamemeet nila/makakasama ang 5 monsters.

Monster Rangers


1. Mochi- Ang pinkish duckish thingy na na-summon ni Genki gamit ang disk. Isang baby-kinda monster na medyo epaloid.


2. Suezo- Ang yellow cyclopish monster na kasama ni Holly sa paglalakbay. Medyo madaldal at medyo scaredy type.


3. Tiger- Ang astiging blue hound monster na nakilala along the way nila genki. Coolish at medyo snobbish ang peg.


4. Golem- Ang gentle giant na nakasama sa paglalakbay nila Holly. Medyo tahimik at kind hearted na jumbohala.


5. Hare- Ang kunehong malakas ang utot. Si Hare ay isang energetic at palabirong monster subalit laging nakakainitan ni Tiger.
 
Sa paglalakbay nila Holly, Genki and friends, syemps dapat may mga kontapelo at kontrabida sa mga buhay-buhay nila. Walang saysay ang kanilang travel kung walang enemies. Sa ibaba ay ang mga general na pinadala ni Moo para hindi mahanap ang legendary monster na Phoenix.

 
At ang pinaka-lider ng mga kalaban. ang nakakatakot na si Moo!


Syempre charlots lang yung larawan sa itaas. Eto talaga ang real look ni Moo.


So ano ang naging kinahinatnan ng wento? Yung medyo nagpakapagod ang grupo nila genki na hanapin yung Phoenix pero technically, nasa katawang-monster pala ng limang kasama nila ang soul ng Phoenix na makakatalo kay Moo.


Okay yung series, egzoiting kahit kada thursday lang ang palabas sa GMA. Inabangans ko ito. Kaso di ako satisfied sa ending. Hahahaha. Di ko na iwewento.

Dahil sa anime na ito, nagustohan ko yung playstation game na Monster Rancher. lols.

O cia, hanggang dito na langs muna! Take care!

4 comments:

  1. hahaha :)

    benta yung tanggalin ang sumpa kay Genki... oo nga nuh katunog ng pangalan ni Zenki.

    Holly... water? trinity? Lol.

    Hawig naman si Moo ng Monster Rancher sa Moo ng choco drink hahaha.

    Ano ba ang ending nabitin me... pinapanood ko rin ito dati, nakalimutan ko na ang katapusan.

    Ito yung panahon na nasa prime time ang mga anime di ba? Tama ba.. kasabay ng Ranma 1/2, Hell Teacher Nube etc (yun lang naalala ko lols).

    ReplyDelete
  2. I love this anime and playing this game on my playstation before. I remember gathering a bunch of CDs at home to see what monsters I could summon with them :)

    ReplyDelete
  3. Very faint ang recollection ko dito sa anime na ito tumatanda na talaga ako huhu

    ReplyDelete
  4. grabe ang tanda ko na... medyo ito rin pinapanuod ko minsan sa GMA

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???