Hey! Ilang tambling na lang at tapos na ang birthmonth ko. Hahahahuhuhu. Nakakatawang nakakalungkot ganyans. Medyo konti ang ganap sa buwan na ito pero medyo madaming anik-anik ako na gusto kong ibuhos. Lols, buhos talaga? Magsasalitype lang me ng mga tumatakbo sa isip at puso ko.
Sensya kung magiging mahaba. Wala naman kasi akong mapagkwentuhan in person na merong pake kaya dito na lang sa blog, kahit madedma, keri lungs.
1. Oct. 11, Bday celeb ng junakis ng isang opismate/friend na ginanaps sa Jollibee. At masasabi kong mas lively mag-host ng bday ang Jollibee compared sa Mcdo.
2. Pero mas cute padin si Grimace kesa kay Jollibee (MHO)
3. Nabanggit ko last time (last random last month) na magkakaroons kami ng bday celeb for me at thanksgiving cheverlins for my moms recovery. Well, ginanap yun noong Oct. 12. Right after ng pasok ko ng saturday night.
4. Dahil loner type pokemon ako, wala akong bisita sa araw na iyon. Ang mga umattend sa naturang event ay kamag-anakan at mga kumare/kumpare ng aking mudrakels.
5. During that time, napaisip ako na sa medyo pagka-busy ko sa work ay di ko na napansins ang changes much sa mga kamag-anakans. Mga nagsisidalagahan at nagsisibinataan na ang ilan. Tas ang iba ay mas dumami na ang junakis.
6. Since invited ng mudraks ang kumare/kumpare niya sa opisina niya noon, nameet ko muli yung 2 sa mga dating kababata na kasama noon sa mga company outing ng mudraks. Tulad ko, mga nagsilakihans na. Time goes by so fast ang ekek.
7. Naka 7 bottles ako ng san mig light in almost 1.5 hours. Di ko alam kung ginawa kong softdrinks yung alak. Tengene, after 1 hour, medyo nahilong-talelong me at ako'y nagkaamats na. tsktsktsk.
8. Sa opis ako inabutan ng actual na bday. However, walang ganap dahil busy sa calls. maygas, so loser.
9. Yung mas naalala agad ng former team lead ko ang aking bday at nagreet agad ako (12am) compared sa current team lead na after pa ng shift saka ako na greet.
10. Since restday ko yung bday ko, nagmall ako kaso wala akong feel na peliks so bumili na lungs me ng pizza at yon ang kinains sa haus at itinulog lang ang actual bday.
11. Kinabukasan, to makeup sa mga hindi nakapunta sa bday celeb ng sunday, ang HS friends ay nagsetup ng sleepover at doon na lungs kami kumains at nagcelebrate kasama ng dalawa pang october celebrants.
12. To treat teammates, nagpa-pizza na lungs mey dahil walang time bumili ng anik-anik foodies.
13. Medyo nakakasad ng slights, kasi usually kapag may bday celebrants, may birthday greetings achuchuchu na sinesend. Ang masakit? 2 kaming celebrants sa premium team namin pero yung isa lang ang may greeting thingy. Been a week and wala, wala talaga, walang pahabol shenanigans.
14. Okay naman ang pagsisimula ng The Walking Dead season 5.
15. Nakapag-catchup na ako sa Game of Thrones season 4. At tila kumonti ang soft porn scenes.
16. Sapat naman ang new season ng Once Upon a Time na featuring 'Frozen' characters.
17. Nagbubukas na palang muli ang Saranggola Blog Awards! At maganda ngayon dahil different themes for different categories.
18. Mag te-team-outing kami sa La union. Oct. 25 ng umaga ang alis, oct. 26 ng tanghali ang balik. Yeah, paguran itwu dahil 8pm ng Oct. 26, may shift pa!
19. Queueing week much here sa opis this week hays
20. Everything will be alright.......
Hanggang dito na lungs muna. Salamats sa time.
1. Agree :)
ReplyDelete7. Lakas! :)
13. Grabe naman sila...
18. Haggaran naman ang sked :) Sana ma-enjoy mo ang inyong outing.
Malay mo bago matapos ang iyong birthmonth ay may surprise! :)