Sunday, August 9, 2015

Para sa Haters ng AlDub

 photo nakuha via google search

Aldub, ang labtim na patok ngayon. Ang usap-usapan sa opis, sa jeep, sa mall at social media. Ito ang tambalang nabuo lang ng biglaang kinilig kiki si Yaya Dub ng makita niya si Alden during the Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga.

At doon na nagsimula ang alamats.

Aside sa madaming kinikilig.... syempre dapat balanse daw. So may mga haters. 

usually ignore lang ang katapat sa mga haters pero minsan kapag nagbabasa ako ng comments anik-anik sa mga page articles about aldub, minsan nakakainit din ng dugo.

So kailangang maging isang PATOLA. hahahaha.

1. Pangit daw ni Yaya Dub.
Wow! Anlalakas manlait ng mga nagsabi noon. Noong tinignan ko ang mga profile pics nila, juskolord. Alphakapalmuks! The nerve!! Si Yaya Dub kusang nagpapakapangit/wacky, yung mga nanlalait, natural na natural ang pagkapangit.

2. Paulit-ulit daw.
Minsan ang pagpapatawa ay pede mong bitawan ng madaming beses pero same effect padin. May mga comedy materials na kahit narinig mo na noon ay benta pa din.

3. Nakakasawa daw.
True, may mga cases na possible na magsawa ka. Pero depende yon. Hello, yung 'May nagtext!' line ni vice noon nakakasawa din kaya iniba niya. Yung sample-sample-sample ni Jhong Hilario din, nakasawa na din.

4. Corny at Jeje ang patawa.
Ang pagpapatawa ay combo ng hit and miss. May waley at may havey. At nasa mood ng tao kung matatawa siya sa joke o hindi. Minsan, kaya ka hindi natatawa kasi kinagat ka ng langgam sa betlog mo or nangangati yung bulbol mo kaya di ka natawa.

5. Di daw mapapantayan ang KathNiel, Lizquen at Jadine.
Ewan ko pero sa personal na opinion, may ibang kilig factor ang aldub na wala doon sa taklong labtim na nabanggit. Hindi pa sila nagkakakitaan at nagkakayapos or nagbabatuhan ng banat quotes and lines pero may magic e.

6. Pagbigyan daw at ngayon lang nagtretrending.
Di ko gets masyado ang mga twittards. Minsan kasi kapag napapasilip ako sa mga trending topics, iiyo't-iyun din ang mga taong naglalagay ng hashtags e. Yung mga actual fantards but not the majority ng tao/common tao na may twitter. 

7. Aldub na lang daw ang bumubuhay sa Eat Bulaga.
Wow, sabihin nila yan sa fave show nila na tumagal ng 30+ years sa tv.

8. Puro dubsmash lang, walang wenta.
Hello, yun nga ang point kaya nakuha sa EB si Yaya Dub dahil sa dubsmash. Minsan ang common sense ng iba ay ewan.

9. Ayaw nilang panoorin.
EDI WAG! Walang pumipilit! Itutok nila pagmumuka nila sa kung anong show ang trip nila. Sabi nga ng mga Pabebe girls, Wala akong PAKE!

10.etc, etc, etc.
Wow... Affected much sila???? Minsan ang haters ay mga mapagpanggap na fans din.... HATERS gonna HATE.

Hahha. ayan, yan lang talaga. Actually gusto ko lang na magkaroon ulit ng post ang bloghouse na itwu. lols.

Hanggang dito na lang muna! Take Care!

6 comments:

  1. benta sa akin and Aldub love team. actually si ate Maine talaga ang patok sa akin. si Alden by default na lang. deadma sa haters. sabi nga ni Taylor Swift devah.

    ReplyDelete
  2. Hahaha ramdam na ramdam ko galit mo khantotantra

    ReplyDelete
  3. Apir!!! #AlDub #KiligPaMore #KalyeSerye fan here!

    ReplyDelete
  4. Nice one blogger. Aldub fever forever.

    ReplyDelete
  5. At isa ako sa mga haters ng Aldub dahil forever Its Showtime ako he he he ... choz : )

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???