Friday, August 14, 2015

The Breakup Playlist

Hello! Kumusta? I'm back from my restday at ngayon ay magshashare lang ako ng peliks na aking nipanood. Nope, hindi ito Fantastic Four at hindi rin ang Attack on Titans. Ito ay isang pinoy film..... 

Syempre, dapat binasa mo ang title ng post para naman knows mo na ang namesung ng movie review-reviewhan for today. And walang BABALA asawa ni BABALU. alam ko namang kahit ma-spoil kayo ay wala kayong pake. hahahaha.


Magsisimula ang peliks sa breakup. Hiwalay ang puti sa decolor!  Nagpapababa na sa sasakyan si girlay at mag-qui-quit na sa banda. Ansabi ni boy, 'Go now go! walk out the door! just turn around now, coz you're not welcome anymore!'. Then play the song 'Paano ba ang magmahal'.

Flashback, bago ang breakup, kailangan ipaalam sa viewers ang start ng pag-iibigan chuchu. Malalaman na nagstart ang pagtatagpo ng dalawa sa isang music camp ekekers. Na-impress si boy sa ganda ng boses ni girl. Nagkakwentuhan sa tabing dagat ganyans.

Then lantod-lantod mode si boy kasi gusto niyang makasama sa band si girlay. Pero me hadlang. Gusto kasi ng fambam ni girl na maging lawyer siya. Dapat aral muna bago landi. 

Pero parang pabebe girls si boy at girl at walang makakapigil sa dalawa. Kailangang maglandian at magkadevelopan ganyans.

Then back to present. Malalaman na may nagrerequest kay boy at girl na magkasama sa isang concert ng teen labtim na wala akong pake! Pero ayaw pumayag ni girlay dahil una, makakasama niya ang kanyang Brand X. Pangalawa, gusto niya ng malaking TF (technical foul chost, talent fee).

Tapos balik sa past ulit. Parang film ang dalawa kasi nagkadevelopan until nagdecide na si girlay na bumukod na sa fam at magfulltime banda rito banda roon.

Ang sumunod ay sumikats ang banda ganyan. Nagiging pemus nadin si girlay at doon pala magsisimula ang rift. Insecurity guard ang peg ni boy kasi nakukuha na ni girl ang limelight. Nagiging bitter ocampo na ito as time goes by.

At dito na kokonek ang eksena doon sa unang part kung saan naghiwalay na ang puti sa decolor. Break na. Wala na ang heart-heart, hurt-hurt na.

Pero turns out, inlababo padin pala si boy at he makes Sorry Sorry Sorry Sorry Naega naega naega meonjeo. Pero medyo pusong bato na si girlay. Ayaw niyang tanggapin ang sorry sorry.

Pero hello.... mahaba na masyado ang peliks. Kailangan may closure. Kailangan magkabatian na ang dalawa. The End.

Score for this peliks? 8. Sakto lang. Walang kilig factor kasi between the 2 artista. Parang hindi believable na na-inlab ako sayo kala koy pag-ibig ko ay tunay pero hindi nagtagal lumabas din tunay na kulay! stupid! Ramdam naman yung saket ng break-up which is good. At okay naman ang closure. Kaso may kulang lang. Kulang ng magic. Hindi bagay ang tambalang PioSa (piolo at sarah).

O sya, hanggang dito na lang muna mga folks! Take Care!

3 comments:

So.......Ansabeh???