Sunday, October 4, 2015

Puerto Princesa At El Nido Palawadventure

Ahoy! Kumusta na? Bago ako matambakan ng mga kwento ay kailangang magbawas na ng mga naka-park na post at ito ay maipublish na. Kaya heto, kahit mag tataklong buwan na ang nakalilipas ay heto na at ipopost at ishashare ko na ang ganap last July. Ito ay ang Adventure ng Maii-Team sa PuertoP at El Nids.

Ang grupo namin ay medyo mahilig gumala kaya naman kapag may seat sale ay nagkakaroon ng chance na magbook kami at magbyahe together. So months before ay napagdesisyunan na magbook ng flight papuntang Puerto Prinsesa at i-explore ang El Nido.

July 8, nagkita-kits kami sa Naia terminal 3 para sumakay ng erops papuntang Puerto Prinsesa. Kahit medyo masama ang panahon dahil sa PBB bagyong si Egay Falcon ay tuloy padin ang lipad namin.


Paglapag sa airport ay sinundo kami ni kuya Balsy (ang guide namin na hindi nakaligtaan ang foundation day dahil sa kanyang powdered look.) Dito ay magsisimula na agad ang byahe namin dahil meron kaming City Tour agad-agad.

Actually, pangatlong beses ko na etong city tour na ito pero since different group naman ang kasama ko ay ibang experience padins. Ang mga kasama ko ay mga first timer sa Puerto P except sa isa. hehehe.

Pinuntahan namin ang Plaza Cuartel, Immaculate Conception Church, Crocodile Farm, Mitra's Ranch, Baker's Hill at ang pasalubong shop.
 
 
 






 
Then after nito ay sinundo na kami noong hapon na iyon ng Venga Van na bibiyaheng El Nido. Hindi namin solo ang Van at medyo sardines mode kami (4 persons per row, nakakaloks!). Pero waley kami magagawa dahil walang makakapigil kay koyang van driver na ipush katagang the more the manyer. 6 hours na byahe ang naganap at mostly borlogs na lang ginawa namin sa van.

Around 8 or 9 na ata ng gabi ng dumating kami sa EL Nids at diretso na kami sa aming matutuluyan. Maulanis Morisette kaya nagpaluto na lungs kami sa pension house at doon na kami kumains at nagpahinga na.

July 9 Magdangal, may sad news kaming nabalitaans. Unfortunately ay dehins pumayags ang coast guard na magkaroon ng tour-tour sa El Nido Islands dahil sa sama ng panahons. Medyo perwishow ang dulot ng Pabebeng Bagyo. Since di namin kontrolads ang ganap, pumunta muna kami sa dalampasigans.
 




 
Medyo sad sa kaganapan pero hindi kami nawalan ng pagkakataon para maenjoy ang moment. Sabi nga ng ever famous line during that time.... Walang makakapigil sa amin!

Ang nangyari? nakagawa kami ng paraan para hindi lang kami tatambay mode. Nag venga Van kami somewehere down the road at umabot sa place called Tapik Beach.






Bumuhos ang ulan kaya naman kumain galore na lang muna kami habang nagpapatigil ng malakas ng rain.





Kahit na umuulan ay nagpasya kaming mag-boat ride sa isang malapit na islet (maliit na isla) at doon kami ay nag snork-snork (kahit walang makikita dahil malabs ang tubig dahil sa ulan hahaha.
 






Hapon na ng makabalik kami from the impromptu gala at nagdecide na magdinner na lang somewhere down the El Nido area. Nag-huddle din kung ano na lang ang gagawin if ever gotesco na ipagbawal padin ng coast guard ang pag-island tour.

Ju10 (july 10), wenkwenkwenkwenk.... Shaina MagdAYAW ng coast guard padins kaya naman nagpasya na lang kami na magbyahe na lungs pabalik ng Puerto Prinsesa. 

Nabrokenhearted kami ng slight pero ni-pinky swear este promise namin na babalikan namin ang El Nido. Baka hindi pa ito ang tamang panahon.

6am ay byahe na kami para pagdating ng tanghali ay nasa PuertP na kami. Pagdating doon ay nag-check-in kami sa Novo Hotel. Mura lang dito at okay ang linis at mukhang bago.
 




 
Dahil tomjones na ay nananghalian kami sa Ka Lui at nagmeryenda sa Nokinocs. Lafang kung lafang lang ang peg sa PuertoP. Wala na pictures ang foodang, kinain na namins hahaha.




After magpakabusog, maagang nagsitulugan at walang hapu-hapunan at matindi ang binorlogs namin. Malamig at malambots ang kama sa Novo Hotel kaya naman ansarap humilata lang.

July 11, last day na namin. Dahil sa hapon pa naman ang lipad namin pabalik ng Manila, nagkaroon muna kami ng chance na mag-Honda Bay tour. Ang pinuntahan namin ay ang Pandan at Cowrie Island.
 







 
Around 2pm, balik na kami sa hotel. Nag-check-out at nagbanlaw at deretcho sa airport at bumiyahe na pabalik ng Manila at deretso sa company event na ginanap sa Sofitel.

At dito na nagtatapos ang kwento ng gala namin sa Puerto Prinsesa at El Nido. Babalikan talaga namin yang El Nido nektaym! At hopefully ay wala na bagyong hahadlang.

Hanggang dito na langs muna. Nektaym, ang Coron Adventure naman ang iwewento ko. Take Care always!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???