Tuesday, October 20, 2015

King Arthur and the Knights of Justice

 It's Turn-Back Tuesday at ngayon ay magbabalik tanaw tayo sa isang show na ipinalabas noong Raymond Bagetsing pa ang mga batang 90's. Ito ay ang cartoons named King Arthur and the Knights of Justice.


Magsisimula ang cartoon sa medieval time kung saan sinugods ng kalaban ang Camelot at na-trap ng Evil Enchantress named Morgana sila King Arthur at ang Knights of the round table sa Glass Cave.


Tapos etong si Merlin ay gumawa ng para-paraan para mailigtas at makalaya ang kanyang Fbuddies este friends kaya naman nag-search si Merlin sa kanyang FB timeline ng replacement.

 
Dito papasok ang isang football team na kagagaling lang sa isang game/match. Sila ay biglang na transfer from the future to the past. At dito na ichinika ni Merlin ang kailangang gawin ng mga boylets para makabalik sila sa panahon nila at para din mapalaya ang orig knights. Kailangan nilang masearch ang 12 na suso este susi of Truth.  


Dahil madaling magtiwala ang mga boylets, go go go na sila at parang gets na agad nila ang kanilang gagawin. Meron na kaagad silang chant para magtransform.


And then they say: MOON CRYSTAL POWER MAKE-UP!!!!!! (charots lang)

Arthur: I am King Arthur!
other Knights: And we are the Knights of Justice!
ALL: And we pledge fairness to all, to protect the weak and vanquish evil!

Captain Planet: When your Powers combined, I am Captain Planet! (charot ulit).

At dito sila ay magkakaroon ng protection... nope hindo po condoms ang tinutukoy ko, kundi armors and shields and stuff.






If you know Visionaries na cartoon na na-feature ko na din sa blog na ito (click here), medyo similar din doon kasi may kakayanan silang magkaroong ng weaps and summon skills gamit ang shields and chest plates.

For King Arthur, Andyan ang kanyang Excalibur at Dragon. For Sir Lancelot, meron siyang lance at lion. For the other knights merong ram, serpent, sphynx, falcon, cerberus, eagle, panther, bat, hydra at kraken. 

Oks na oks ang cartoon na ito dahil nakakaaliw ang bakbakan ng mga knights at ang pwersa ng kalaban. Saka nakaka-amazingbels as a kiddo seeing the animal summons mula sa shields ng mga knights.

Medyo sad nga lang na hindi natapos ang cartoons na ito dahil na tsuktsaktsenes at na tegi ang series. Hayahays.

O sya, hanggang dito na lungs muna. Take Care folks!

Eto pala youtube vid to give you a preview.


Note: Pasensya sa images, printscreen lang from youtube kasi eh.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???