Happy Thursday folks! How are you? Nag-umpisa na ba kayo ng simbang tabi este simbang landi este simbang gabi? Pasensya na nga pala at hindi gaanong updated ang bloghouse. 3 films na ang nipanood ko pero wala akong review like the Hunger Games, Penguins of Madagascar at ang recent na Hobbits. Siguro nektaym.
For today, book review muna tayo dahil merong new book si Bob Ong. Yes! After ilang taong pag-aantay, merong book si Bob Ong. Eto ay may pamagat na 'Si'. Oo, 2 letters lungs ang title, wag na mangealams.
Ang wento sa libro ay tatakbo sa walang pangalan na matandang lalaki na nagcelebrate ng kanyang kaarawan. Dito ay babangitin niya ang ilan sa mga pangalan na magiging parte ng wento. Ang ngalan ng mga anak, apo, kakilala at ang kanyang asawang si Victoria.
Ang wento ay reverse story telling dahil ito ay mga fragments ng alala ng lalaki at ni Victoria at ng mga ibang character na nasa pabaligtad na ayos. Mula sa edarang 72, ang bawat taon pababa ay magsasaad ng mga pinagdaanan ng mga characters.
Maganda naman at hindi masyadong malalim ang wika o pananalita na ginamit sa libro. Madaling intindihin ang laman ng libro kaya di mo na kailanganganing mag-isip kung ano ang kaganapans.
Makakaramdam ka ng sweetness ng mag-asawa, ang ngiti sa ibang kaganapan, ang lungkot sa mga nangyari sa ibang karakter at ang twist.
Kung ang content ng kwento ng libro ay bibigyan ko ng markang 9. Okay sa akin at pasado naman ang nilalaman ng bagong handog ni Bob Ong.
Pero.... pero... pero perong bukids..... Sa aking palagay, hindi makatarungan ang halagang 400 petot sa libro. Yeah, i know, hardbound... pero para sa mga madlang readers, maaari sanang nasa 150-250 range lang ang libro para na din sa mga students.
Hanggang dito na langs muna, Take Care folks!
mukhang busy ka nga a at di kana nakakapag update muchness. hihihi.
ReplyDeleteang tiyaga mo magbasa ako antukin pag nagbabasa ng book jusme
Pahiraaaam XD
ReplyDeleteay bakit bigla naman naging mahal ang presyo?
ReplyDeletediba around 150+ petot lng ang presyo ng mga books ni Bob Ong? lol
anyways, gusto ko rin mabasa ito.
added to my christmas wishlist!
Nakita ko rin ang book na ito, hindi ko binili kasi nga 400 pesos! Grabehan!
ReplyDeleteKung 200-250 pesos lang, eh di sana natuwa pa ako lol.
gusto ko nito, di pa ako makahanap! Di ko binasa ng buo ang post, para surpise.
ReplyDeleteHappy holidayzzz Khants! :)
Waaah , bigla namang nagmahal ... bakit Bob Ong ? ... di ka na nga nagpapa-autograph eh ... ang daya he he he : )
ReplyDelete