Thursday, July 14, 2011

Khanto Review: Harry Potter and the Deathly Hallows part2

It's movie time again! Yahooo! Showing na sa inyong suking sinehan ang karugs ng pelikulang Harry Potter and the Deatly Hallows kaya naman me with some opismates ay nanood kanina.

Flash forward. Kainis yung reserved seating ng Robinson's Galleria, potaena, may umupo dun sa row na nireserved namin. Sarap paslangin nung kumag. Pero since we are citizen of peace, hinayaan na lang namin kaya ang ilan sa mga kasama namin ay naghanap ng ibang pwesto. Pasalamat si kups na madami pang vacant sa right wing. (tutubuan ng bulate sa pwet yung mamang epal sa sinehan kanina; ginamitan ko sya ng spell).

Okay, nuff said about that crappy reserved seating and let's begin with the warning first. Kung may balak manood at ayaw magbasa ng anything about sa movie, close this window and balik ka na lang next time. Kung gusto mong magbasa ng review-reviehan ko, sige, tuloy mo lang ang pagbabasa. let's go!


Okay, Kung napanood nio yung part 1, good, kasi heto na ang kadugs ng wento. Ang misyon padin ni potter and friends ay maglakwatsa katulad ni dora at hanapin ang mga natitirang pira-pirasong cheber ni Lord Voldemort (Horcrux). 

Syempre di ko itutuloy ang ibang eksena kung tagumpay ang mission ni Hewlett Packer. Tapos syempre kelangan na magtuos ang good at bad. This is war! Sagupaan ng ng cheber white sa chenes black. Ang pwerta este pwersa ng mga Dumbledores Army versus sa chuvanes ni Lord Voldemort.

Ayun, so may fight scenes. Spell dito spell doon. Imagine, nag-iispellan tulad ng mga czechoslovakia, deoxyribonucleic acid, Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis. Napaka-complicated ng spells nila. (insert laugh here!!!!!).

Meron ding drama anthology part. Syempre, di lang dapat busog ang mata sa makbakan, dapat may pampa-aurmpgfff sa puso. Yung tipong mapapa- seriously???? ganoonnn??? huweeh???  ansabeee???? 

At shempre, may climax na. Time to end the deal between LV vs HP. Nag-one-on-one magikan ang dalawa and in the end, one will be declared sole survivor.  Ang isa ay masasabihan ng 'You are the weakest link', 'You've been eliminated from the race', 'the tribe has spoken', 'you are evicted from the big brother house', 'Please pack up your knives and go', 'You've been chopped', 'You are no longer in the running to be America's Next Top Model'.

 Tapos syempre.... ang ending na nobela.... tapos...... the end na. Wag na mag-abang sa dulo ng credits kasi wala ka naman aabangans.

Mahaba na ba??? o sige, iiklian at dadalian ko na lang ang rating ko. Bibigyan ko ng 9. Nagustuhan ko ang mga eksenang kinuha at binunot mula sa book. Syempre di perfect kasi hindi naman lahat ng eksena para sa akin ay kamangha-mazing. Nacapture din ako sa arte ni Snape at ni Mcgonagall. +1. May part nga lang na nakakasilaw factor. Ahhahaha. 

If i-aask ako kung worth it manood sa sinehan, aba syempre ang sagot ko ay isang malaking CHECK! Nagtatago pa ang mga pirata sa quiapo kaya dapat lang panoorin to sa movie house. Atsaka di maganda kapag sa tv mo lang sha papanoorin. The bigger the better. lols.
HARRY POTTER IS IN IT TO WIN IT!!!!! 

 -randy jackson-

So hanggang dito na lang muna mga peops. Sa manonood pa lang, mukang kailangan magready sa dami ng tao this coming weekends kasi tyak madami manonood dahil kakasweldo lang. :D TC!


15 comments:

  1. Makakapanood din ako niyan, khanto!! Sabi ko iyan sa iyo!! LOLOLOLOLOL. :D

    ReplyDelete
  2. parang gusto ko na panoorin ang harry potter..part one palang kasi napapanood ko...hehe..di ko pa type, pero malapit ko na maging type.

    ReplyDelete
  3. nalowkah ako sa rebyu mo kanto.. jusssmmeee HONGGGKOOOOOWWWLLEETTTTT NKKLK>. hahaahah napatawa tuloy aketch.. hehehe

    panuodin ko to neks wik..

    ReplyDelete
  4. wala akong idea sa palabas na ito kaya wala namang problema kong basahin ko ito.Mas maganda para pag nanood ako di na ako mukhang tanga walang alam.

    ...ultramicroscopicsilico....nosis.memorable sa akin.

    ReplyDelete
  5. dahil binasa ko ang libro nito, sana'y nakuha nila ang tamang timpla ng eksena. hehe

    ReplyDelete
  6. nakakaiyak talaga nung namatay si sirius black.

    ReplyDelete
  7. Thanks sa review. Dahil diyan hindi ko na kailangan paoorin sa sinehan. Bibili nalang siguro ako ng fake dvd, or iddl ko nalang sa net. Nung binitin nila ako sa part 1, sabi ko. That's it. :)

    ReplyDelete
  8. Ako na lang ba ang hindi nakakanood?

    Wala kasi akong maraming kwarta.

    Magkano na ba sine ngayon?

    ReplyDelete
  9. Inispell ddin ba nila tong FLOCCiNAUCiNiHiLiPiLiFiCATiON..hohohoho..

    Kakapauod ko lang kanina nagsolo flight ako dahil wala si misteer, ayaw paawat ng mga mag jowa.=P

    Heniways naiyak ako sa ibang part natawa naman ako sa kissing scene ni HP.

    Nakakalunkot di medyo dahil wala na kong aabangan.. 9 din rate ko kasi para sa akin bitin ng onti

    ReplyDelete
  10. @michael, uu, makakanood ka din

    @akoni, heheheh, sana mapanood mo

    @egg, thanks sa appreciation

    ReplyDelete
  11. @diamondr, ahahha, hirap ng word mo.

    @bino, hoho nga. :D

    @gillboard, sirius black o snape? lels

    ReplyDelete
  12. @rah, hahahaha, maganda din sa sinehan. lols

    @jkulisap, 200 ang movie

    @nanay joynisha, uu, nakakasad, tapos na hp

    ReplyDelete
  13. Galing ng review ah! hehe. Napanood ko na siya, although I'm not really a fan. Pero nagandahan ako sa film na iyan.
    Nice post po. :)

    ReplyDelete
  14. Disappointed pa rin talaga ang lola mo. Hahahaha!

    ReplyDelete
  15. @iamzennia, salamat pows

    @robbie, bakit ka nadisappoints?

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???