Friday, November 23, 2012

Kris Kringle! Something-Something!

Hey! Tenks God itz Friday! Hifhif Hooray! O magpartey-partey na ang mga may restday ng sabado at linggo. Pero tandaan, drink moderately.... landi responsibly (napulot kay pesbuko).

Kaninang madaling araw, nagkaroon na ng pagpapasya sa team namin na magkakaroon kami ng kris kringle. Yep, tama basa ninyo, kris kringle.... Yung monito-monita sa ibang katawagan. Basta hindi yung plain sexchange gip... no-no-no... Hindi po ito yung wantaym-bigtime na palitan ng regalo. Parang back to school mode lang na may bunutan at per week merong something-something!


For our kris kringle, magkakaroon ng apat na weekly finals tapos isang grand finals. Meaning 4x na makakatanggap kami ng minor prize worth 100 peysows at isang 500 peysos worth para sa Grand Finals.

note: di na kami gumawa ng codename-codename like the usual stuff sa schooldays kaya medyo nabawasan ng 1 point ang fun. hahhahah.

Kung curious kayo kung anong something-something namin.... sige, shashare ko.

For week 1, Ang theme ay something reminiscent of your childhood. In short, something from the past. pero syempre since i'm so young.... dapat something in the year 2000 above. lols.

For week 2, something sexy naman ang matatanggaps. Di ko lams kung something PORN or something Naughty ang pedeng ikategory dito. Lols.... Ready na ang piniratang bembangan at boomboompow as gift. :p

Sa week 3, something unique ang peg. Di pa ako makaisip kung ano ang something unique na pwedeng regalo. Hmmm... Whisper with wings na ginagawang teabag ni Edward Cullen kaya ang ibigay ko? Watchatink?

Last ay ang week 4's na something cute. Well, balak ko sanang iregalo sarili ko o kaya mga blogger friends ko kaso syempre alam kong sobra-sobra tayo sa worth 100. Baka bumili na lungs me ng stuff toy na kakaiba pero cutie.

At dahil sa pangyayareng to.... nagkaroon ako ng slight plasbak from my elementary at HS years kris kringle. Share ko ang ibang kategory na napagdaanans ko noong kiddo pa me.

Something Sweet- Eto ang laging pasok sa kategorya. Syempre.... madaling pag-isipan. DI na kailangan imemorize na chikiting.... Kailangan magbalot ng isang kilong asukal! Joke. Madalas chocolate or kendy na dapat sakto sa ceiling prize.

Something Red- Eto, bad trip ako noong eto yung category na binigay. Bakit? Though madali lang makahanap ng RED na APPLE, aba... so expect ko na na mansanas ang makukuha ko, keri na din... pero nyeta... ang nakuha ko ay..... PORK and BEANS! Yun pa naman yung days na biglang ayaw na ng sikmura ko ang lasa nun. kainis.

Something Long and Hard- Uy! ang darteeeh-darteeh ng mind. Hindi po sinabing something long, hard and growing! Ano to? puputol kami ng..... bleep... Madalas dito ay candy cane pero may basag trip kang kaklase na ang binigay ay isang pirasong stick ng ARNIS. like, dipa ginawang pares para pinang-hataw ko sa nakabunot sa akin.

Something Soft- Kanina matigas... ngayon nanlalambot na. wahahaha. Pero dito naman pumapasok ang gift na madalas ay marshmallow at pag pakingshet talaga.... Softee tissue or bulak ang matatanggap mo. Saklap... buti pa sana pestawel!

Something Funny- Noong elementary ako at eto yung sinabi... wala akong maisip noon kundi clown na figurine or something likethat. Pero since yun yung time na may money matters, makikigaya na lang sana ako na drawing ng kung anong sa tingin namin ay nakakatawa tas may 20 petot. Pero ang best gift dito ay yung eksenang anlaking kahon ang ibibigay tapos balot na balot dami ng dyaryo yung super liit na gift. Tatawa ng tatawa mga kaklase mo dahil tapos na ang time, di pa bukas yung gift nung binigyan mo.

Something Yucky- Well usong-uso noon ang blue magic na nagbebenta nung hinayupak na ipot/taeng twinirl so eto ang madalas na matatanggap ng mga students.

Yan lang yung mga tumatak na category sa akin... hehehe... Pero i don't know... nakakamiss pala ang kris kringle. hehehehe.

Kayo? Can you share some experience... hindi sexperience ha, kris kringle moments. hahahah. (wow, may interaction with readers... may ganun na sa kwatro khanto?)

O cia, Take Care!

10 comments:

  1. may kris kringle din sa opis pero di ako sumali hahaha. ayoko kasi nung mga kakris kringle dun

    ReplyDelete
  2. waaah! missed those old days too haha. kakatuwa yung mga nakukuha mo sa kris kringles mo dati sir khanto. buti at hindi ka nakakuha ng ever generic na photo album or picture frame ahahaha!

    ReplyDelete
  3. Whaaa... Natawa ako sa mga something something mo. Mamimiss ko to ngayong taon. Tawaga ko dito ay demonyito demonyita. Yung reregaluhan mo ay kaaway mo o kinaasaran mo tapos pagbukas nya ng gift booommm! yun na. booomboompow lol

    ReplyDelete
  4. Natutuwa din ako sa kris kringle, kaso marami akong kilala na talaga namang kuripot at KJ kaya ayaw sumali sa ganyan. Fondest kris kringle memory ko yung from my previous work. Merong mga di nakakatanggap ng gift pero in fairness naman, nung last day, isang bagsakan at natanggap nilang gifts.

    ReplyDelete
  5. something red: PORK & BEANS. lol!! dami ko tawa. XD teka kris kringle? wala ako maalalang ganyan nung elem at highschool ako. alam ko lang bunutan lang kami ng pangalan at yun na yon.

    ReplyDelete
  6. something unique... hmmm hollow blocks, pwede din. LOL sa PORK and BEANS, sana ginawa na lang corned beef, mas masarap pa at red din naman yun. Naalala ko lang noong mga panahon na uso pa ang panyo at picture frame eh madalas yun ang nakukuha ko. Saklap talaga noon.

    ReplyDelete
  7. haha nice nice gaganda ng idea mo pasok na pasok sa category haha has kaka miss naman ung mga ganto elementary pa ko nung naranasan ko yan eeh

    ReplyDelete
  8. kakatawa yung pork and beans , buti na lang at hindi sardinas he he

    ReplyDelete
  9. Kakastart pa lang din namin nito sa office. Something red and green tapos something coming from a rainbow. Next week naman something made in Japan. Balak ko magbigay ng hentai CD LOL

    ReplyDelete
  10. sa somethings sexy dati, naka tangap ako ng wind up toy na boobs. umaalog alog pag pinihit. kabad trip lang!

    share mo sa amin kung ano mga makukuha mo ha :) naloka ako sa pork and beans haha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???