Tuesday, February 18, 2014

Anong Nakakamiss sa Nakaraan


Sabi sa isang kanta, 'Ang nakalipas di na maaaring balikan'. Pero may reply naman ang isang kanta na 'Sana'y maaaring ibalik ang kahapon'. Ewan ko ba. Minsan, ansarap magmuni-muni at ngumanga while thinking ng mga bagay-bagay na naganap sa nakaraan. 

1. Yung di pa kilala ng tastebuds ko noon ang Mcdonalds or Burger King. Uso pa noon ang Tropical Hut na kung saan may mga promo-promo thingy na kapag naka P150 petot ka ay magpapaikot ka ng roleta at pede kang magkamit ng toys and freebies.

2. Yung mga 8pm pa lang e halos wala na masyadong tao sa labas ng bahay. Pinagbabawalan kang lumabas dahil medyo oras na din ng pagtulog. Yung mga eksenang kumpleto mo ang 8 hours na tulog (or more).

3. After lunch, pede mong gamitin ang buong maghapon sa pagtambay sa kalye, paglalaro ng kung anik-anik sa labas. Kesehodang magkakuto sa ulo, wapakels basta ma-enjoy mo ang tanghali at hapon.

4. Kapag umuulan, okay lang na magtampisaw at mabasa ng ulan at kahit magbabad ka hanggang todo buhos ang tubig mula sa kalangitan. Yung gagawa ka naman ng bangkang papel kapag tumila na ang ulan at may naipon na tubig sa estero.

5. Madami pang puno noon na maaakyat. May puno ng mangga o kaya naman alatiris kung saan mamimitas ka ng mga hinog na bunga na kulay pula. Pag adventurous ka naman, sige, maglambitin at gawing baras ang branches o sanga ng puno.

6. Hindi ka mo iniisip na nakakataba ang mga matatamis na bagay kaya kahit mag chocolates ka everyday ay okay lang. Mabungi man or sumakit ang ipin, basta makalasap ng sarap sa tsokolate ay sapat na.

7.Kapag nagkasakit ka, isang excuse letter lang sa magulang, keri na.

8. Yung excited ka kapag darating ang birthday mo dahil may chance na may magreregalo sa iyo. Yung mga moments na may handang ispaketi sa bahay.

9. Keri lang ang humilata sa sahig at manood ng TV maghapon/magdamag na walang iniintinding FB game or kaya naman tweets and stuff. Plain coach potato mode este floor potato.

10. Noon, katawan lang ang nasusugatan. Yung nadapa, gasgas sa tuhod at konting galos. Pero ngayon, pati emotion nasusugatan. May injury emotionally, spiritually isama mo na din mentally ganyans.

I want to take a break.... from work... from online thingy... and stuff... yung tipong parang yung pamumuhay noon, simple, payak, walang gaanong complicated stuff na pag-iisipan pa. relak-relak lungs....

Amsareeeeeee..... emo-emohan lang ang peg.

Take Care folks!

Monday, February 17, 2014

Kamustang Puso Mo?


Hey! Lunes na! Hooray for today! Dapat no matter ang kaganapan, happiness and everything! Hehehe. Para sa araw na ito, tayo este ako pala ay mag rarandom post nanaman dahil sa mga kaganapan lately.

1. Wuy! Opis random mode! Pasok sa wentong trabaho ang mga balitang mga kakilalang nagreresignan. Alam ko na normal lang ang resignation ng mga folks pero minsan nakakasad na parang napag-iiwanan ko ganyan.

2. May kausap akong kakilala kanina sa opis at nagkaroon ng konting kwentuhan sa latest showbiz(office) happening. Ako na ang wala sa balita. Para akong nakatira sa ilalim ng bato dahil andaming news na bago sa akin pero mukang napaglipasan na ng panahon sa opis. 

3. Medyo may liwanag na ang byahe ko pa-Batanes. Di na lang ako mag-iingay much para di mausog.

4. Dahil doon, i-papark ko muna ang balak kong mag-solo Pagudpod trip dahil na din sa may inggiterong pudrax na justong sumama.... Pano magiging solo kung may kasama? lols.

5. Dumating last week ang balentayms. So what? chos.

6. Since restday ko noong araw na iyon, di ako nagkaroon ng chance na jumoin sa pakulo sa opis na balentayms game na pedeng manalo ng teddy bears... Sayang, after 4 consecutive years, di ako nasali.

7. Araw ng mga puso, tumambay ako sa malls. At di ko naman na feel ang sadness at bitterness ng being alone... parang wala lungs. Walang eksenang i-envy yung mga magjojowawits na HHWW ang peg.

8. Nag-dinner na lang kami with my mudrax and pudrax and relatives sa something fishy. Doon ay nagpaka-bondats na lang me sa inihaw na mackarel, tuna at pusit. Hehehe. Sinulit ang buffet?

9. Nashock ako ng bilan kami ng mudrax ng M&Ms na chocolates... lols... tas binilan niya sarili niya ng Ferrero... Kakaloks!

10. For some wierd reason..... Aba, nakolekta ko lahat ng baso ng Happy Meal. Hahahah. Taragish. Sasali kasi ako dun sa promo na baka manalo ng trip to Legoland sa Malaysia.... Medyo awkwardish lungs kasi yung ibang contest joiners at pics na entries ay puro bagets at chikiting patrollers. hahahah.

11. Walang 11, hanggang dito na lungs muna. Nyahahah. Gusto ko lang magwento kahit wala mga tatlo lang ang nakakabasa ng mga post ko.... You know.... just to make pagaan ng loob at kesa ikwento ko sa pagong or sa bato. Lols.

take Care folks!

Friday, February 14, 2014

Ankulay ng Balentayms?!

Heto na! Heto na! heto na!!! Waaaaaa!

Heto na ang araw ng mga puks... joke.... puso. Ang araw ng mga magkakasintahan na magboboboomboompow at payanig sa pasig payanig sa sta. mesa. Ang araw na sweet-sweetan ang mga tao na akala mo lumantak ng pulot at asukal na kulang na lang ay papakin sila ng langgam ganyan.


For today, ang post ay tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng mga kulay ng damit na susuotin sa araw ng balentayms.... 


1. Green- Ang kulay ng plema ay kumakatawan sa taong nakikipag-date (wala akong care kung blind, group or speed dating). Sila ay nasa proseso ng collect and collect and then select.


2. Red- Ang kulay ng dugo! Nope, hindi ito ang kulay ng mga magjojowawits na kumakabog ang dibdibs. Ang pula ay para sa mga single at searching. Yung mga souls na available at bakante pa ang puso.


3. Blue- Ang asul ay kulay naman sa mga broken-hearted. Eto ang sinusuot ng mga folks na ang theme song ay pusong bato o kaya naman mega emote sa song na bluer than blue.


4. Yellow- Hindi ito ang kulay ng mga noytards and fan ng tie-a-yellow-ribbon-down-the-old-oak-tree movement. Ang color na ito ay para sa mga may ka-mutual-understanding pero wala pang label or in denial. Yung kayo na pero hindi kayo. lols.


5. Pink- Sayaw kikay! Sayaw kikay! Ang kulay na ito ay sa mga taong may tinatago..... May tinatagong LANDI!


6. Orange- Ang pongkang color ay para sa mahilig sa adventure! Yung mga wild and wicked ganyans!


7. Violet- Ang para sa mga madlang folks na kung makapag-selos ay wagas! Para sa mga pips na kung makabakod ay akala mo andaming abangers na pack of wolves sa mga sheep ganyan; the masters of Bakod-making.


8. Black- Para sa mga tao na maligayang-maligaya! Charot! Natural ang black ay para sa mga emo-emohan na kung makapag lagay ng eyeliner ay sobra-sobra. Sila ang may mottong saksak-puso-tulo-ang-dugo!


9. Brown- Here's for those folks na stick to one! One Dozen! Collector? Chickboy? Haba ng hair lungs?!


10. Gray- You wear gray hindi dahil taglibog like Fifty Shades of Gray! Nope, eto ay para sa mga nilalang na napunta sa FRIENDZONE.


11. White- Ang gamit ng mga folks na nahanap na ang kanilang pakner in life. Sila na ang laging na-da-DAWN ZULUETA! Sila na ang sumisigaw ng 'I'm the King of the world' (titanic style).


12. Maroon- BITTER! No explanation! Wala! Wala!


13. Checkered- Here's the thing for those na ang estado ay constipated este complicated. Maaaring dahil sila ay pakbet-kabet or baka naman inililihims kasi I am Pogay or That's My Tomboy ganyan.


14. Camouflage- Para sa mga taong hunyango or pretenders. Sila yung mga may HD... not the High Def but Hidden Desires.


15. Floral- For those na Single at Happy! Yep! Totoo! Seryoso! Happy Sila!


16. Stripes- Huli ay ang stripes na para sa naman sa nananawa na. Yung mga ayaw ng umaray...aray...nakuuuuuu.... Sila yung mga gustong kumawala and be free.

Ang listahan sa taas ay mga technically suggestion lang pero ang totoo, kahit anong kulay pa suotin natin, nasa personal feelings and level naman yan eh... lols.

O hanggang dito na lang muna! Scheduled post to na pinaskil eksakto 12:01am ng Feb. 14. Hahahah.

Take Care folks! Happy Balentayms!

Thursday, February 13, 2014

The Girl Who Leapt Through Time (Anime version)

Ilang oras na lungs ang inaabangans ko at magsisimula na ang aking inaabangangs kalayaan dahil restday ko na! Heheeheh. Pero habang medyo payapa ang madaling araw mula sa mga problemado sa PC na mga kanuto ay heto ako at tumitipa para mag-share ng isang anime film na napanoods ko last time.


Ang peliks ay may name na 'The Girl Who Leapt Through Time' na kapangalan ng isang film na nablog ko na noon pero magkaiba sila ng plot.

Dito sa anime film, may isang girlay na care-free lang sa buhay. Medyo wala namang gaanong iniintindi, masaya na siya sa piling ng dalawang friendships niya na guy.

Then isang araw, yung araw na medyo inaalat siya dahil sa dami ng aksidente sa kanyang anik-anik, nataon na yun na ang possible na last day niya during the eksenang nawalan/nasiraan ng brake ang bike niya at sasalpok sana sa isang rumaragasang train.

Pero for some odd reason, tila na-deja-vu or bumalik siya ilang minuto bago ang possible na oras ng kanyang kamatayan. She leapt through time.

Napag-alaman ni girlay na may kakayahan siyang bumalik sa kahapon at iguhit na muli ang nakaraan (i know right, parang lyrics sa kanta yung kalahati ng sentence, lols). So medyo ginamit ni girlay sa kung anik-anik ang capability ng kanyang pag-jujump sa oras.

However, syempre kailangan may development sa wents. Nagkaroon ng mga complications at pagbabago sa mga bagay bagay sa tuwing magbabalik siya sa oras. Mga naapektohang possible lovelife nia ar life ng friends ni girl.

ano pa ang magaganap kay girlay? Secret! Walang Clue! lols. Medyo maganda at medyo may touch of drama sa bandang dulo na di ko iwewents para suspense.

Ang score ng peliks for me ay 8.8 na parang symbol ng infinity or ang parang sumisimbulo sa pagloloop-back through time ni girlay. Nyahahah. Isang magandang film considering na anime sya.

O, hanggang dito na lungs muna. Take Care folks!

Tuesday, February 11, 2014

The Lego Movie

Hey! Kamusta?! Oks naman ba kayong mga matyagang nagbabasa ng bloghouse ng anik-aniks? I do hope na okay sa olrayt kayo. Syempre, mahalaga sa akin na your doin' good, edi kung hindi, wala na magtyatyags sa kung anong isasalitype ko. ehehehe.

For today, i share ko lang ang review-reviewhan ng pelikula na napanood ko last week. Eto ay ang pelikulang 'The Lego Movie'.








Hokey..... Bago simulan.... ang post ay maglalaman ng detalye ng peliks at sa mga magbabalak manood ng film na may phobia sa spoilers or allergic sa details ng wents, then, close the bloghouse kasi ayokong maYnez veneracion kayo. lols.



Decided ka na?


Sure na?



Oks.... Lezdudis!


Ang story ay tungkol sa isang hordinaryong lego builder character named Emmet. Isa syang Hoi Poloi or commoner na walang something special sa kanya.


One day, after shift, accidentally ay nahulog siya sa kailalim-laliman ng construction site at may bagay na dumikit sa kanyang likods.

Sa kanyang pagkagising, dinakip na siya ng kapulisan at inaalam kung anong masamang balak ang alam niya. Siya ay chinuchunky-check ng pulis na si Good Cop/BadCop.


Good thing ay iniligtas si Emmet ng isang magaling na lego girl na may pangalan na Wyldstyle. Isang emo-ish looking lego girl with a streak of color sa buhok.


Dito malalaman ni Emmet na possibleng siya ang subo este sugo or chosen Master Builder na nabanggit sa isang propesiya.

Medyo confused man, isinama si Emmet sa lugar kung saan nagpupulong ang mga Master Builders or yung mga lego characters na hanep ang kakayahan na mag-assemble at mag create ng anik-anik from lego pieces. 

Makikilala ni Emmet ang ibang Master Builders na sila Vitruvius, Batman at Benny. Meron pang iba kaso wala akong mahanap na pic sa net.




At sa gitna papunta sa bandang duloish ng wents, kailangang kalabanin ang kontrabids sa peliks, ang presidente ng legoworld named Lord Business.


End of synopsis/spoiler story.

score for the film ay 9!

Yes! 9 po! Mataas para sa akin ang peliks na ito sa mga kadahilanang...

Kakaibang atake ng animation. Imagine, lego world ang inanimate tapos ang bakbakan ay brick type animation. Lupet for me yung eksenang nakikita mo sa screen ang pagbuo at pagdestruct ng lego pieces depende sa kaganapan.

Naaliw din ako sa mga banats ng mga humor sa movie. Yung eksenang pinakita yung mga heroes like superman, wonderwoman, green lantern, NBA stars, at ang Star Wars chever. hehehe.

Aliw din ako sa eksenang namatay si Vitruvius at naging ghost type lego. hahaha. 

Ang Lego movie ay nagbigay kasiyahan sa batang nakatago sa akin. Pasok to sa Good vibes peliks.

O cia, hanggang dito na lungs muna! Take Care!

Monday, February 10, 2014

Ilang Tambling na Lungs, Balemtayms Na!


Stay a little longer in bed
Keep the covers over my head...
But a new day is calling
Morning is coming...

Thank you
For the break of day,
My favorite song,
For lighting my way,
The world I belong...

But most of all
Thank you for the gift of today.
I've got a brand new day.
And to that I say, hooray for today.

Yan! GV muna tayo kahit lunes at ang karamihan ay balik trabaho or pasok na. Kahit di nio feel ang monday, isipin nio na lungs, another day for you. :D

Kagagaling ko lang from our probinsya kasi nilibings na ang isa kong lola (2nd degree lungs, asawa ng kapatid ng lola ko sa mother side). At for the past week, medyo may mga kaganapan na nais kong iwento...random style.

1. Wala padin naman nakaka-init ulo lately sa opis. GV pa naman. Pero medyo nadyadyahe me kasi halos sunod sunod yung application ko ng VL. Tapos due to unfortunate event, cancelled yung trip so drinop ko yung VL. Nakakahiya lungs ang mga dates na nagVL ako.

2. Last friday, napanoods ko na ang new film na Lego Movie. At within this week ang review. Busy pa me ng slight.

3. Napurnada ang Batanes Trip. Di sya nag-push this month. Rereschedule namin most probably ay april.

3.1 Bakit nagkaganoon ang trip namin sa batanes? Dahil sa mga biglaang pagbabago sa anik-anik rules ng airline na nakuhaan namin ng tix. Di ko pa pede mashare ang lahat ng detalye.... mahirap na.... Isipin ko na lang, way yun para makauwi me sa burol/libing ng lola ko.

3.2 At dahil sa bighati na nadulot ng pagkaka-cancel ng trip to Batanes, nagpa-semi-kalbo me. lols


4. Last friday padin, pinakilala ng HS friend ko ang kanyang boylet. Pang-apat na guy na yung naintroduce nia sa amin at ichecheck namin kung may curse padin kasi everytime na namemeet ko at ng isang girly friend namin ang jowawits ni HS friend ay di nagiging happily ever after... chances ay naghihiwalays sila.

4.1 Yung unang pinakilala sa amin na boylet at jowa ni HS friend for 4 years, nung nameet namin, poof, break na sila. Then after ilang months, may pinakilalang guy ulit, si boy2, after ilang months ulit, poof, break again. Ganun din ang naganap kay boy3. Hahaha. pero doncha worry, meron din naman ata si HS friend na boylet na di inintroduce na di nia din nakatuluyans.

5. Part padin ng friday, kasama ang HS berks, nagpunta kami ng Manila to try the controversial na Halloween Haunts Scream Park Manila. ang detalye ng kaganapan ay baka magkaroon ng hiwalay na post. lols.


6. Saburdei morning, byumahe kami papuntang Pangasinans. At ang una kong ginawa pagkadating doons??? Sinet-up ko na yung mga One Piece toy figures na na-worried akong missing last November. lols

7. Kinda awkward and strange ang pag-uwi sa probinsya. Kinda reunion ng mga kamag-anakan. Dito mo mafi-feel na time flies so fast. Yung mga kababata mo noon, ayun may mga bata na. Pati yung mas bata sa iyo, may bata na din. lols.

8. At yung eksenang napagkakamalan kang may sarili ng pamilya kahit single na single pa. Saklap much.

9. Minsan, kinda annoying din ang reunion, malalaman nila na 5 years na ako sa work. What's annoying? Yung aakalain nila na anlaki na daw ng swelds ko and stuff. Like seriously? Porket naka-5 years mataas na posisyon at mataas na sweldo? Di ba wedeng less stress at sapat at kontento lang sa work life?

10 Nashock ako, 2 na lang pala ang living lolas ko sa mother side (kapatid ng lola ko sa mother side) tapos may lola pa ako sa father side. So total of 3 grannies. And sad to say, na-outlive nila ang mga lolos ko.

11. Yung time na umuwi ako ng probinsya, at ang mga bagets at chikiting ay naglaro at naenjoy yung inuwi ko noong mga minions and toys. Lols. Ako na ang isip bata talaga.

12. All in all, andaming nagbago sa ilan at napansin ko, andami na ding nagbago sa akin.... moment???? lols

13. At triny ko din yang hinayups na Flappy Bird! Nakakaadiks uch. highest score ko ay 65. huuhuh. Lagi kasing nalolowbat ang cherry mobile kow.

14. Nakakashock yung news kay Tado!

15. Malapit na ang pagtatapos ng How I Met Your Mother... nakakasad na nakaka-excite kung ano magiging ending kasi daw heartbreaking daw yung magiging katapusan... 

16. Yung nilalaro kong game sa FB, may bago nanamang pakulo, busy nanaman me sa pag-complete ng tasks.

17. Iniisip kong ipush ang solo travel to north... Hopefully magka-guts ako.

18. Wala na ang lamig sa gabi.... nagsisimula na ang summer...

19. Naka-receive ako ng message sa cebupac na nabago ang flight sched ng cebu-siargao at siargao to cebu ko. Kinakabatutan me baka maapektohan ang flight ko ng manila-cebu at cebu to manila. Sana sufficient pa ang time ko between the flights.

20. Sa darating na sabado pala,booklaunch na ng Wickedmouth ni Glentot. Andun din ang idol na si Sir Mots at speyshel participation ni ms. Khikhi! hehehe


At dahil, naka lagpas bente na ang wents, tapos na ang random. lols. Dami no? Sensya na. Gusto ko lang magsalitype ng mga anik-anik na nasa isip ko na di ko naman mawento personally kasi i know na others dont really give a damn. Atlist, sa blog, may bumasa man or wala, di masakit isipins. lols.

Hanggang dito na lungs muna! take Care!

Tuesday, February 4, 2014

Kung Paano Ako Naging Leading Lady

Zap? Hey! Howaryu? Ampayn-tenkyu? Ako? keri pa naman. Medyo waiting sa magiging kakahinatnan ng nangangambang mabagong Batanes Trip at possible plan na umuwi ng probinsya para sa burol/libing ng lola.

Pero heniway, ang mga bagay na di natin kayang kontrolin ay di dapat gaanong problemahin. Kaya today, magbook-review na lang muna tayo!

Nahanap ko ang librong ito last week noong nagpa-checkup ako sa akala ko'y sign ng dengue na rashes... Noong pagpunta ko kasi, tanghali tapos nung tignan ni nurse joy ang rashes, ansabi di daw dengue yun, so inendorse ako sa derma. Sabi 2pm daw ang start. Pero since medyo nakukutuban ko na na yung dermang paranag walang sense of time ay late nanaman ang umipsa.

So i make tambay sa National bookstore at na-kuha ang atensyon ko ng librong ito....


Catchy yung title kaya na-curious ako at binili dahil matatagalan ang pag-aabangers ko. So while waiting for the Derma, binasa at tinapos ko na ito.

Anong masasabi ko dito??? Okay for me.

Ang libro ay iginuhit ni Carlo Vergara na siya ding lumikha sa comiks na ZsaZsa Zaturnah.

Ang story ay tungkol kay Mely, isang chimi-ah-ah na isang kinda bread winner sa pamilya. Dito makilala din ang kapatid niyang si Viva na umalis sa bahay nila at nakituloy saglit sa kanyang ate.

Malalaman na ayaw ni Mely ng konti sa kapatid dahil dati ay napahamak ito sa trabaho ng magnakaw ito at yung amo ni Viva ay friendship ang amo ni Mely. Ayun... sisante sya.

Magugulo ang wento sa pagkakatuklas ni Viva na ang amo ni Mely ay mga superheroes. 

Di lang iyon... mas shocking ang eksena ng ang isa sa amo ni Mely na si Leading Man ay crush at type ni Viva. At di nagtatapos don, dahil si Leading Man ay may gusto pala kay Mely!

Ano ang ending???? secret....

Score sa book ay 8.8. Gusto ko yung naging storya. Maikli lang, walang masyadong other characters. Hindi malalim ang language except sa part sa bandang dulo na nag-iinglis na ang kalaban. Yung may zest of reality ang story kasi merong mga sibling ravalry and jealousy ganyans.

medyo bitin lang sa end pero siguro, ganun talaga.... hanggang doon lang... hindi happily ever after at tragic.

O sya, hanggang dito na lungs muna! Take Care!